MAUIE's POV:
Nang nangyari ang gabing iyon. Ang gabing nalaman na nila ang totoo,nalaman nila ang masasakit na katotohanan,ang karumaldumal na katotohanan.
Ewan ko ba. Ang bigat ng pakiramdan ko para kasing hindi tama ang oras na sabihin iyon sakanila.
Nakakainis kasi toh si Marvin eh.
Papasok ako sa kwarto namin at kakausapin ko na siya. Andito kasi kami ulit sa rest house namin sa Palawan pero kami lang ni Marvin.
Nang makapasok ako nag salita na ako agad "Ano ba ang nasa isip mo at nasabi mo yun ha?" Halata mo na agad ang inis sa tono ng boses ko.
"Bakit hindi? Sasabihin mo sakanila kung kailan sila mag kaka-anak? Huling huli na yun Mauie. Wag kang tanga." Sagot niyang may inis rin ang tono ng boses.
Naasar ako sa ganyan niyang sagot. Manang mana talaga dito si JM eh. Kaso hindi ko alam bakit hindi niya nakuha ang katalinuhan ng ama niya.
"Oo,bakit hindi rin?! Sana hinintay natin sila mag ka-pamilya para naman maintindihan nila agad."
Hindi niya ako pinansin. Sa sobrang pikon ko umupo na lamang ako sa sahig at biglaan nalang tumulo ang mga luha sa mata ko. Hay. Napapagod na ako. Ayoko na ng gantong buhay. Bakit ko pa kasi napag isipan ang ganito?
Tulo pa rin ng tulo ang mga luha ko kaya tinakpan ko nalang ng towel ang mukha ko.
Maya maya naramdaman kong may lumapit sakin.
"Hay. Mauie,wag ka nang umiyak pwede? Alam kong hirap ka na... ako rin naman." Sabi ni Marvin.
Nag buntong hininga siya at tumayo rin agad.
Baki ganon? parang bigla akong na-guilty sa huling mga salita na binitawan niya?
Nang wala ng luhang natulo sa mga mata ko, pumunta nalang ako sa rooftop namin.
Ang daming tanong sa isip ko, 'bakit ko ba pinasok ang gantong sitwasyon?','bakit hindi nalang ako nag tiis?','bakit hindi nalang ako nakuntento?'.
Grabe na. Napapagod na akong mag isip dahil din sa kaka isip ko,natanda na ako.
Kaya minsan hinihiling ko nalang sa Diyos na alagaan sila BAMs, na sana mawala na rin ang galit na nadarama nila.
Sana bumalik na kami sa dati.....
Sana sumaya kami muli.....
★☆★☆★☆
BAMs POV:Kakagising ko lang. Medyo late na,buti nalang at tapos na ang school year namin.
12 na nang tanghali. Bumaba ako ng dining area namin at nag luluto na ang mga yaya. Kumpleto na din sila sa baba at nakakatuwa silang tignan dahil nag tatawanan sila lalo naman si kuya JC na as if first time lang tumawa ng wagas.
Nang madatnan nila ako, binati nila ako sabay sabay na may malalaking ngiti sa mga labi nila.
Ganto gusto ko. Kahit hindi ko sila totoong pamilya,nakikita ko naman sakanila ang dating saya na meron kami nila kuya dati.
Umupo na ako.
"Okay,Malapit na birthday ni JM isang linggo nalang birthday mo na! Ano gagawin mo?" Tanong ni kuya JR. Nakakatuwa naman yung salita niya kay kuya JM parang super close nila.
"As usual. Party." Sagot niya na may ngiting nakakaloko.
"Wild party,you mean?" Siksik ni kuya JC.
Nag ka tinginan lang silang dalawa at tumawa. Wow ha? Parang naging close na sila agad agad.
Dahil dun,napangiti nalang ako.
~
Tapos na kaming kumain ng lunch. Tinanong ko sa mga yaya saan nag punta sila tita Mauie. Sabi nila umalis din daw agad sila pagkatapos nung nangyari. Kasi dapat bubugbugin na ni kuya JM si tito kaya ayun hinila ni tita si tito para makaalis na rito. Nasa palawan lang daw sila,sa rest house namin.
Pumunta ako ng kwarto. Gusto ko sana kausapin si tita Mauie. Nang kunin ko ang cellphone ko at tatawagan na sana siya pero parang may napigil sakin eh. Kaso hindi to pe-pwede. Kailangan ko ng malaman ang lahat.
Pinindot ko na ang cellphone number niya. Pag katapos ng limang ring sinagot niya rin.
[Hello? Bakit BAMs? May problema ba?]
Nanahimik ako ng saglit. Bakit ganito? Parang ang sarap pakinggan ng boses ni mama. Parang na-miss ko ang gantong tono ng boses niya.
[Hello?] Sagot niyang muli.
"Hello. Uh." Nauutal ako, tuloy mo na kasi! "UH. 'Ma. P-pwede po ba kitang makausap ng masinsinan?" Tanong ko.
Ilang segundo siya nanahimik. Ang awkward tuloy.
[Uh. Oo naman,ano ba yun?]
"Totoo po ba ang lahat na narinig ko?"
Narinig ko siyang umiiyak sa kabilang linya. Oo nga,totoo. Okay, na rin sakin atleast I know now.
[Oo. Kaya lang naging Binyas sila JM dahil pina-change ko ang middle initials nila. Bams. Sana mapatawad mo pa ako. Mapatawad niyo pa ako ng kuya mo.]
Naririnig kong napapa hagulhol na si mama sa kabilang linya. Pati ako naluha na. Gusto kong sabihin na ' 'Ma,kahit anong ginawa niyo minahal ko pa rin kayo. Nanay ko kayo,wala akong karapatang magalit ng matagal'. Kaso hindi ko masabi. Gusto kong personal eh.
"Hay. Mama kung alam mo lang. Mag usap nalang po tayo ng ganito kapag nag kita na tayo. Mahirap po kasi mag usap sa cellphone eh."
After nun. Binabaan ko na siya. Bigla nalang tumulo luha ko.
Natutunan ko,hindi ko kayang magalit ng matagal sa nanay ko. Lalo na't nang judge nanaman ako agad. Kinampihan ko nanaman ang paniniwala kong mali pala.
'Ma kahit ginawa mo yun mapapatawad kita...
Ikaw nag hirap,nag sikap at nag bigay ng tunay na pag mamahal saamin...
Hindi ako galit...
Kung alam niyo lang...
------------------------------------------------
A/N
Nakaka tats diba? :') guys,comment what you feel about the story. Then,answer my question "kapag nag ka-tampuhan ba kayo ng nanay/tatay niyo,pinapatagal niyo pa bago kayo mag bati?"
If I will be answering that. "I can't." Kasi unang una parents natin sila at wala tayong karapatang mag tanim ng galit sakanila. Isipin niyo nalang kung habang buhay kayong nag/mag tatanim ng galit sa taong nag luwal,nag hirap,nag sikap,nag tatanggol,nag turo sainyo ng tamang pag uugali atbp. Mahirap mawalan ng magulang (kahit hindi ko pa nararanasan). Pero kasi from t v's palang. Yung mga batang ulila. Diba? Kaya yun,habang buhay pa mga magulang natin ibigay na natin lahat ng pag mamahal sakanila. Mahirap na baka mamaya kung kailan sila wala,kailan mag da-drama dyan ng todo.
Sabi nga nila "sa huli ang pag sisisi"
Anyways,thank you so much again for the reader's! Pasensya na kung mahaba ang AN ko ngayon. I just wanted to share you guys my side. Kayo rin share na din kayo by COMMENTING.
Vote,Comment and Share!! :)
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.