John Jr.'s POV:
Maganda ang araw na ito! Matatalino din pala ang mga freshmen dito. Lalo naman sa seksyon nila BAMMY.
Ako nga pala si John. John Jr. B. Pias. Yes,pure blood brother ako ni BAMMY. Madaming nag sasabi parang hindi daw, kasi ako ang kulay ng mata ko may pag ka caramel-like color. Si BAMMY kasi irish brown ang mata.
Pero I don't mind it. Pero meron nga lang errors na dapat hindi malaman ni BAMMY eh.
Anyway,hay. Nag bangayan nanaman si JM at Baylee. Nagulat lang ako ng sabihin ni JM yung 'kiss' tsaka sino ba yung Wegener na yun? Hindi naman ata active sa class ko yun o baka hindi ko lang matandaan?
Anyway,nakakagulat lang si Baylee biglang nanuntok. Pati din sa ugali ang laki ng pag kakaiba namin eh! Siya warla queen ako tahimik king. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganyang away kahit na binabastos na kami sa bahay hindi ko na pinapatulan. Kasi hindi ako namamatol sa mga taong LOW CLASS. I don't need to stoop in their level tapos bangayan pa.
So, yun I decided na tignan sila dahil sa sobra na ang sigawan at ng makita ko na nasapak na ni Baylee si JM ayun inawat na namin. Grabe gulat ko kasi nag dudugo labi ni JM.
Lalo sigurong nainis si Baylee ng salitaan ng nanay namin si Baylee. Sobra mga sinabi niya. Ano yun? Parang ikinakahiya niya na nakikitira lang kami dito? Siya nga eh. Hindi man lang nahiya samin at kung kani-kanino na lang kumakabit. Hay. Nanay.
~
Andito ako sa kwarto ni Baylee. Sinundan ko siya kasi alam ko nag tatanim nanaman ng galit yan.
"BAMMY?" Tanong ko.
"Mmm?" Sagot niya.
Naka dungaw lang siya sa may bintana niya tumitingin sa malayo. Nilapitan ko siya at tumabi sa kanya.
"Kuya? Mali po ba ginawa ko kanina?" Nakatingin pa rin siya sa malayo. Tinuloy niya yung sasabihin niya "s-sa tingin mo kuya mali po ba yun?".
Tinignan ko lang siya at nag salita na ako "Hindi siya mali at hindi siya tama." Sabi ko ng sobrang mahinahon kong boses.
"Ha? Ano?" Tanong niya tapos tumingin na siya sakin.
"Hindi siya mali. Bakit? Dahil pinag tanggol mo ang sarili mo at ipinapahayag mo yung katotohanan. Hindi naman siya tama dahil ayan nanaman pinairal nanaman si galit oh saan natunton? Nag sigawan kayo,nasapak mo at ayan nag salitaan pa kayo ng masasakit na salita." Explanation ko sakanya.
Alam kong mabigat na ang puso ni Baylee. Alam kong gusto niya ng umiyak lalo na sa sinabi ni mama kilala ko yan si Baylee pero masyado na siyang strong. Minsan masama ang sobra.
Tinignan ko lang ulit siya at sinabi ko "Bammy. Anong usapan natin dati? Kung naiiyak ka iyak lang! Wag mong pigilan. Kasi the more na pigilan mo the more lang na magagalit ka."
"Hindi ako naiiyak kuya ah? Ako iiyak dahil sa sinabi ni mama? Haha. Ok lang ako! Ok lang talaga!" Yung boses niya medyo nag ka-crack na.
Tumingin nalang ulit siya ng malayo.
"Pero kuya bakit ganun? Nasaktan ako ng sobra sa sinabi ni mama kanina. Diba wala na nga akong respeto sakanya? Diba--" bigla nalang siyang umiyak. Oh diba? Tama ako. Niyakap niya ako at tinuloy niya sinasabi niya habang naiyak. Sabi niya "k-kuya a-ang sakit. S-sa dinami dami ng pwede niyang kampihan s-si kuya JM pa." Iyak lang siya ng iyak. Hinayaan ko lang siya.
Naaawa ako minsan sa kapatid kong toh. Pano kasi minsan nag titimpi nalang siya at ang laki na ng galit niya kay mama. Masama kasi mag tanim ng galit sa puso eh.
Maya-maya nanahimik na si Baylee. Pustahan tayo tulog na toh? Hahaha. Naka sandal kasi siya sa dibdib ko eh. Sinilip ko at ayun tulog nga. Naka thumb suck pa.
Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama niya.
Hay Baylee. Hayaan mo malalagpasan din natin toh!
Tiwala lang......
-------------------------------------------------
A/N:
How was the story? :) May mga kuya or ate ba kayo? Ganyan ba kayo ka-sweet sa isa't isa? Comment! :D ok lang guys. Comment lang ng comment! Para naman malaman natin ang istorya/side niyo! ;)
Again I hope you enjoyed it! :D
Vote,comment and shaaare! :))
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.