Chapter 31: The Nice Guy

4.4K 156 2
                                    

JOHN JR.'s POV:

Nag tilian,nag palakpakan at nag liparan ang mga confetti. Wooh! Sarap ng atmosphere. Ang daming cheer ng cheer.

Patay, pogi points nanaman si JM. Tss. Hindi na ako nag padumog sa mga tao at dumiretso na ako sa locker room namin para makapag shower at mag papalit na rin.

Hay. Nababagabag pa rin ako na nakipag break si Mandy sakin para kay JM. Ang sakit pa rin. Akala ko--

Ayun! Akala. Lagi nalang 'akala'. Hay. Ewan ko pare-parehas sila.

Nag shower na ako. Naalala ko si BAMs kagabi. Buti nalang nakinig siya sakin. Pero sa totoo lang sakal na sakal na kaming dalawa sa sitwasyon namin dyan sa bahay na yan.

Grr... feeling ko minsan na parang mga alipin lang kami doon. Tss.

Natapos na ako mag shower kumuha ako ng towel. Wala na akong naririnig na ingay sa labas. Wala na kayang tao dun?

Nag bihis na ako. Pag kalabas ko ng pinto nakita ko si BAMs at ang bestfriend niya si Danica.

"Congrats kuya! Ang galing galing mo!!" Sigaw ni BAMs na may kasiyahan sa mukha niya.

"Salamat BAMMY!" Tugon ko. Tapos niyakap niya ako. Hay nako. Kapatid ko palang sapat na sapat na.

"Gusto mo kumain kuya?"

"Sus! Pagkain nanaman ang nasa isip mo! Haha. sige, tara."

Inakbayan ko si BAMs napa tingin kami kay JM nang nakatitig lang siya samin. Parang may inggit sa mga mata niya. Ewan.

"Uh. C-congrats pre ah? You we're great out there." Sabi ni JM.

"Haha. Salamat! Congrats din sayo!" Tugon ko.

Umiwas siya ng tingin at pumasok na sa locker room. Ngumiti nalang ako para hindi ko madama ang galit at sakit.

Nung tumingin ako kay BAMMY naka paymewang siya. "Kuya,I don't like to see your fake smile. Pwede, wag ka ng ngumiti kung hindi totoo?" Tanong niya.

Tumawa nalang ako at ginulo buhok niya. Alam ko galit ka sa ganun BAMMY pero ito nalang ang way para makalimutan ko ang sakit.

~

Andito na kami sa favorite place namin... starbucks. Haha. Oo totoo yan favorite spot namin ni BAMMY toh. Mukhang starbucks kasi toh eh. Haha.

"Kuya naalala mo pa ba toh? Diba kapag stress na tayo sa bahay dito na tayo naderetso. Hahaha. Kaso ang tagal na din nating hindi nakadalaw rito." Sabi niya.

Tumawa lang ako. Nakakatamad mag salita. Ewan ko ba.

Malapit kasi kami sa may bintana. Tumingin ako dun at tumitig. Ewan ko parang ayaw alisin ng mata ko ang pag titig sa labas.

Nagulat ako ng may nahulog sa may lamesa. Tumingin ako at si BAMMY parang bwisit na.

"Kuya? Ano ba problema mo ha? Pwede mo naman sabihin eh diba?" Sabi sakin ni BAMMY.

Binaba ko iniinom ko. "Hay. Sorry BAMMY. Pagod lang siguro si kuya" nginitian ko siya "tara na."

"Ay. BAMs,alis na muna ako ah? Bye. Bye kuya John." Umalis din agad si Danica.

"Hm. Tara na nga." Sabi ni BAMMY.

~

Naka uwi na kami ng bahay. Pag ka-higa ko,tumingin lang ako sa bintana.

Bigla kong naalala nung bata pa kami ni BAMMY. Nung masaya pa kami.

|Flashback|

"John. S-si BAMs! Mahuhulog na sa bintana!!"

Gulat na gulat kami ni papa sa sigaw ni mama. Agad agad naman kaming kumaripas ng takbo ni papa.

"Asan na si BAMs?!" Natatarantang tanong ni papa.

"Huli ka papa!" Sigaw ni BAMs habang nakayakap sa likuran ni papa tapos pinag patuloy niya ang sasabihin niya "hahaha. Kung nakita mo lang itsura niyo ni kuya." Tapos tumawa silang dalawa ni mama.

"Ikaw talagang bata ka!" Tugon ni papa habang kinuha si BAMs at kiniliti.

Tawa kami ng tawa nun.

|End Of FlashBack|

Habang inaalala ko yun nakaramdam ako ng luha sa gilid ng pisngi ko.

Agad ko tong pinunasan.

Miss ko na sila. Miss na miss ko na....

Sana lang talaga.....

---------------------------------------------
A/N

happy 1.52k reads guys! go lang ng go hihihi.

Please don't forget to Vote,Comment and Share! Thanks!

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon