ROIZ's POV:
Nasa room ako ngayon. Ewan ko ba bakit parang bigla akong kinakabahan? Nag simula tong pagiging kabado ko nung sinabihan ako ni BAMs yung matalino pero amazona naming kaklase na babae. Hay,nakakatakot talaga siya.
Yan na nga ba sinasabi ko eh. Speaking of the devil dumating na siya.
Ano? Lapitan ko kaya toh? Baka kasi mamaya pag nilapitan ko bigla nalang akong saktan nito. Hindi, wag kang mag papakita na kinakabahan ka Roiz! Ano ka ba?
Lumapit ako sakanya. Medyo nanginginig ako ah.
Nang makalapit na ako.
"Ano nanaman?" Bungad niya sakin.
"Good morning din. Wala naman." Sagot ko.
Tinarayan niya lang ako. Brr... nakakatakot talaga siya.
"Mukhang hard competition nga talaga kita. Pero hindi ako mag papatalo" sabi ko. Ala? Ano ba iniisip mo Roiz? Baka tadyakan ka nalang niyan bigla!
"Edi wow" sagot niya sakin.
Wow. Grabe naman siya. Medyo nabwiset at natawa ako sa sagot niya. Tss. Pabayaan mo na nga siya Roiz! Patunayan mo ikaw lang ang matalino.
Si BAMs kasi kilalang 'Queen BAMs'. Pano kasi napaka tapang ng babaeng yan ilang araw palang ang klases kita mo na pagiging competitive niya tsaka pinag tatanggol niya ang mga nerd dito. Actually muntikan nga siya mapa-office nung isang araw kasi nang hamon ng lalaki pinag ti-tripan kasi nila yung nerd sa dulo binuhusan ng juice,eto si BAMs sa gigil niya hinamon niya. Tinawanan siya tapos yun, bang! Nasipa yung lalaki sa maselan niyang parte.
Hay. Minsan nga akala ko tomboy tong BAMs na toh eh. Pero aaminin ko napaka ganda niya tsaka jologs siya. Minsan ka nalang makahanap ng jologs na babae tsaka napaka bait niya. May ugali lang talaga siyang monster. Wahaha.
~
Nag start na ang classes namin, si Ma'am Audria muna ang nag babantay samin habang wala pa si prof. JC. Nakakapag taka nga eh kasi hindi pa namin alam ang full name niya pati sa lahat ng professor's. Nakakatawa nga din kasi may mga short name's talaga sila.
Pumasok na si sir JC. Tumayo ang lahat lalo naman ibang girls atat eh. "Good Morning Professor JC" sabay sabay naming bati.
"Good morning class please be seated." Sagot niya.
"Ang pogi ni sir noh?"
"Omg! Swerte nga natin at naging teacher natin siya"
"Hihi! Ano kayang pwedeng ibigay kay sir?"
Hay. Eto nanaman bulungan nila. Ang lalandi,pweh!
"Okay class, bring out 1/2 lenght wise paper. You all have a suprise quiz." Naka ngiting sabi ni sir JC.
"Hala!" Sagot nilang lahat except samin ni BAMs syempre.
Madadali lang tanong ni sir pero nung makita ko si BAMs parang walang ekspresyon mukha niya. Ang hirap namang basahin kung nahihirapan ba siya o hindi.
"Okay! Last number. Number 30 write my full name. Ang makasagot dyan plus 2." Sabi ni sir.
Hala? Hindi ko kilala toh si sir. Ang narinig ko lang ang pangalan niya John Christian eh. Bahala na nga. Kilala kaya ni BAMs yun? Argh.
Kinuha na ni sir yung score namin nag exchange papers kasi, grabe akala ko perfect ko na 29 lang ako. Pero si BAMs na-perfect! 32/32 siya. Waah! Pano na toh? Ilang beses na niya ako natatalo this quarter. Tsk.
"Professor! Ano po ba full name niyo? Madaya naman po eh" sabi nung kaklase naming babae yung panget pero mayaman.
"Haha. I knew it, you will react like that. Well my full name is John Christian B. Stederman." Sagot ni Prof.
Saglit middle name ni sir 'B' din? Si BAMs 'B' din ah? Baka naman coincidence lang?
"Ano ang B niyo sir?" Tanong ulit nung kaklase naming panget.
"Binyas" sagot ni sir.
Ha?! B-Binyas?! E Binyas din si BAMs ah? Mag pinsan ba sila?
"Half brother ako ni Ms. Pias." Sagot ni sir.
Face palm kaming lahat habang nakatingin kay BAMs siya naman wala siyang pakeelam.
Kung Binyas din si sir paano sila prof. JR?
Matindi toh.....
Issue......
-------------------------------------------
A/NHappy 416 readers konting kembot nalang guys. Go for 500! Keep on supporting my story. Lots of love
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.