BAMs POV:
Gosh! Pasukan na! Eto nanaman ako naka tingin sa ceiling namin. Hay! Ano ba Baylee? Maligo ka na!
Eto na tumayo na rin ako. Pero bago ako maligo pupuntahan ko muna si kuya. Minsan kasi bago ako maligo pinupuntahan ko si kuya sa kwarto niya.
Sumilip ako sa pintuan baka mamaya makita ko pa yung mga bad spirit's which are my step brother's -_- ang itsura kasi ng rooms namin sakop namin ang isang mahabang hallway pinili namin ni kuya ang dulong part so ang itsura ng room ko. Sa left side kay kuya sa right side ang akin. Parang kapag dineretso mo tong hallway na toh left and right merong rooms. E mag kaharap room namin ni kuya.
Nang makita ko na clear naman dahan dahan akong tumakbo sa kwarto ni kuya. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan kinuha ang pampagising, pinindot ko. Tapos takboooo! Hahahahaaha! Ganyan ang ginagawa ko minsan pag papasok! Woooh! Gising na siguro si kuya e etong depindot na toh parang buzzer sa basketball kaya magigising ka talaga.
Grabe tawa lang ako ng tawa dito para akong timang hahaha. Hindi ko na pinalipas ang oras. Naligo na ako at mga tulog pa sila. Pero si kuya narinig kong nag bubuhos na rin haha, oh diba? Nagising na rin.
Maaga pa eh. 8 am kasi ang klase sa school, e 6:30 a.m. palang bihis na ako at ready to eat na. Sila maya-maya palang mga magigising. Sabay kami ni kuyang ganito.
Nag paluto ako kay yaya ng pancakes pati na din kay kuya tapos yung sandwiches namin ready na dito. For recess yan kaya binabaon ko. Hindi ko nga alam sino nag papa utos niyan siguro yung mga bad spirits A.K.A mga step brother's ko nag uutos para ipagawa sa mga yaya.
After a minute bumaba na rin si kuya. Ayun as usual mas pogi sa mga bad spirits wahaha. Naka ngiti pa siya ah?
"Aba! Mukang maganda ang gising natin kuya Johnny ah?" Sabi ko.
Biglang nag iba ekspresyon ng mukha niya parang my naalala siya.
"Loka ka talaga noh?" Lumapit siya sakin tapos pinisil niya ng mahigpit ang mga pisngi ko. "ang sweet mo talagang kapatid eh!" Sabi niya.
Tinanggal ko pag kaka kurot niya ang sakit kaya "aray!" Sabi ko "maganda nga yun eh diba? Haha. atleast effortless na yung alarm clock mo!" Tapos dinilaan ko siya.
Tumawa siya tapos todo gulo sa buhok ko. Tinignan ko lang siya ng masama.
Tawa kaming dalawa. Tapos biglang dumating yung pancake namin. Mmmm... pancake na may caramel syrup tapos whip cream sa ibabaw at ice cream sa gilid and then cherries. Bukod sa breakfast meron pang desert! Yummy! Hahaha.
Kumain kami ni kuya. Si kuya mukang ewan eh. Tuwang tuwa sa lasa matagal na din kasi kaming hindi ulit naka tikim ng pancakes.
Paubos na yung pancake until one evil spirit comes out. -_-
"Oh! Early birds. Hindi ko alam uso pala ang word na yun sa iba" si Satan pala yun ay este kuya JM pala.
Tinarayan ko lang siya. Grr... pasalamat ka napapa sarap kain ko, kung hindi kanina pa kita niratrat ng armalight dyan!
Nag smirk lang siya. Bwisit talaga tong Satan na toh eh. Ay este kuya JM na toh eh!
"Yaya" sabi ni kuya JM hindi siya narinig. Tinawag niya ulit hindi nanaman siya narinig! E kung lapitan nalang kasi niya eh. Bopols na lalaki toh.
"Pat verebal!!" Sigaw niya. Wow ha? Full name pa ni yaya pat ang tinawag niya! Bastos talaga! Peste!
"Ay! Verebal! Sorry ho! Hindi ko ho kayo narinig young master JM" sabi ni yaya pat.
"Wala kayong kasalanan dun yaya. Yung IBA po kasi dyan sadyang natatanga. Umagang umaga ha! Tsk!" Siksik ko. Diniinan ko talaga yung IBA wag na tayong mag lokohan. Kilala na natin sino tinutukoy ko eh.
Tumingin ako kay kuya JM wahaha! Mukang pissed off siya. Woohoo! One point for BAMs :D totoo naman kasi. Ayaw pang lapitan daming alam. Pft.
After namin kumain ni kuya ayun nag babaan na lahat ang bad spirits. As usual si kuya JR hihikab hikab,si kuya JJ nag babasa ng jaro at si kuya JC nakikinig ng music.
"Good morning guys!" Bati ni kuya JR habang my malaking bakas ng ngiti sa mukha.
"Good morning!" Bati namin ni kuya. Sabay pa kami.
Yan ang sinasabi ko! May kusa si kuya JR.
Wala, kaming tatlo lang nag batian. Oh diba? Kaimba.
Nag salita nanaman si kuya JM "what's so good in the morning? There are too many sycophants here. Right, Baylee?"
Huh? Ano daw? Sycophants? Hala? Teka, bakit ako? Demonyo talaga toh eh!
Tinignan ko lang siya ng masama. Nag smirk naman siya. Ano ba ang sycophant? Anak ng.
"If there are sycophants here then leave. Wala namang pumipigil sayo Mckenzie. Wag kami, iba nalang." Sabi ni kuya JC. Boom panes! Wag kami, iba nalang! tapos tumayo si kuya JC pumunta sa kwarto niya baka naligo na.
Kami ni kuya tapos ng kumain at umalis na rin nag bye lang kami kay kuya JR siya lang naman namamansin eh. Pero kailangan kong malaman yung sycophant.
Lagot ka saking demonyo ka!
Iba talaga ugali niya.....
Kaazar......
------------------------------------------------
A/N
Hayahay! Mainit na sagutan yun! XD kung nahanap niyo na yung word na 'sycophant' feel free to comment ano ang gagawin mo pag sinabihan ka ng ganyan? Dapat aware na rin tayo sa vocabs./WOTD (Word Of The Day) :) pero don't worry I have lists of unfamiliar words. Search niyo nalang. Haha.
And again please vote,comment and share! Thankie! :*
Follow me here on wattpad. Also on Twitter:@xxCyriell1Dxx IG:@cyriellkeith if you want to know more about meh. ;)
Thanks! :)
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.