JC's POV:
Wala si BAMs ngayong araw. Buti,kasi nakapag pahinga din siya. Nakakaawa din naman siya eh.
Anyway,gabi na at hindi pa rin nagigising si John sa comatouse niya.
Oh and BAMs is really happy even though his brother is in the hospital. Dumating kasi yung tunay niyang tatay. Nakakatuwa silang makitang masaya.
Nasa upuan lang ako sa labas at nag babasa ng dictionary. Hindi ako alien,ok? Hilig ko lang malaman ang unknown words.
Maya maya may sumigaw "M-marvin tumawag ka ng Doctor!!" Na-alerto ako at tumakbo papunta sa loob habang si Marvin papalabas na.
"Ano nangyayari?" Tanong ko.
"G-gumalaw na si John eh." Sagot ni mama.
Napatingin ako sakanya nung tinitigan ko wala namang nangyayari pero ilang minuto gumalaw ang mga kamay niya. Na alerto tuloy ako lalo.
Dumating na agad yung doctor si Mr. Valdez. Pinalabas muna kami ni doctor.
Lumipas din ng isang oras. Hindi ako mapakali. Bakit naman sobrang tagal? Biglang dumating si JJ,JR at JM galing ng convenience store.
"Ano nangyari?" Bungad agad ni JM.
"Gumalaw na si John." Sabi ko na hindi mapakali.
"Talaga?! Ano sabi?" Tanong naman ni JR.
"Wala pa. May inaayos pa ata eh. Kaso isang oras ng nakalipas." Sagot ko.
"Isang oras?! Normal ba yun?!" Sigaw ni JJ.
"E kung mag hintay nalang kayo?! Lalo akong kinakabahan eh!" Sagot ko.
Tahimik lang kaming lahat na nag hihintay. Hindi ko na muna ite-text si BAMs,mahimbing pa ata tulog eh.
Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Mr. Valdez. Tsaka naman dumating ang tatay ni BAMs.
"Doc. Ano na po?" Tanong naming lahat na sabay sabay.
Napangiti ang doctor at binigyan kami ng daan papunta sa kwarto ni John. Pag tingin namin laking gulat naming nakaupo si John at naka tingin sa kawalan.
Ako ang unang lumapit, hanggang sa lahat sila madaling madali sa pag lapit.
Napatingin si John saamin. Pero parang takang taka mukha niya?
"John,ok ka lang?" Tanong ni JM.
Tumingin si John kay JM at nag tataka.
"John. 'Pre" Sabi ko.
Tumingin siya sakin na ganun pa rin ang emosyon. Tapos nag salita "who are all of you?"
Nagulat kaming lahat.
"Asan ba ako? Sino kayo?" Tanong niya. Feeling ko lahat kami gumuho ang mundo. Lalo naman ang tatay niya. Si tito John.
"Mr. John Jr. Tama na yan. Ok na siguro ang ekspresyon nila?" Sabi ni Dr. Valdez na natatawa. Tinignan lang namin at bumaling ng tingin kay John na binata.
"Gotcha." Sabi niyang tawa ng tawa.
"Seryoso ka pre?! Wala kang amnesia?!" Sigaw na tanong ni JM.
"Maka pre ah. Close tayo? Hahaha. Joke. Ofcourse! Grabe nakakatawa mga itsura niyo!!" Natatawang sabi ni John na binata. Hahaha. Sorry,dalawa kasi silang John eh. Pero si tito John syempre ang matanda.
Anyway,after nun niyakap namin siyang lahat.
After nung matagal na yakapan namin. Tinawag kami ni John.
"Guys,where's BAMs?" Tanong niya.
"Wala,nag papahinga pa. Alam mo ba na almost mamatay na yung kapatid mo na yun? Araw araw na nakabantay yan sayo. Ngayong nga lang yata yan nag pahinga eh." Sabi ni JM.
"Seryoso? Hay nako." Sabi ni John.
"Yeah,It's true. Mamaya ipapa-kwento namin sakanya yun." Sabi ko.
"Great. Now,I have a plan." Sabi ni John.
Nag katinginan lang kami. Pero siya mag salita nilapitan muna siya ni tito John. Nag usap sila at nag yakapan. Nakakatuwa sila. I can say na kahit wala yung nanay nila? They're picture perfect.
After nun tinawag niya ulit kami.
Habang sinasabi niya yung plano hindi naming mapigilang tumawa. Lahat kami kasabwat.
Ok,best actor on....
Masaya saya ito....
Get ready Baylee Marie.....
----------------------------------------------------------
A/NHi,guys. Countdown: 4 chapters to go
Keep on supporting and don't forget to Vote,Comment and Share!#MSB❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Novela JuvenilAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.