Chapter 49: Bakit Ako?!

4.2K 118 4
                                    

JM's POV:

Nasa garden lang ako ng hospital. Ayokong makita si John na hirap na hirap.

Sabi kasi ng doctor yung bala daw kasi masyadong nakabaon at medyo malapit sa puso tumama yung bala. Pag nag pa-daos daos sila ng galaw,mamamatay nalang agad si John.

Sinipa ko yung batong nakita ko. Kung kailan masaya na,kailan naman sumiksik ang nakaraan.

Yung babaeng dapat ako ang papatayin. Kakilala ko siya, si Mariel Dignidad. I know her family. I can't believe that she would take revenge.

Kasi ang family ko mayaman diba? Her family came to us,gusto sana nilang manghiram ng pera kaso hindi namin nabigyan dahil nung time na yun na kay papa yung pera e nasa Korea siya hindi naman naming pwedeng puntahan ng biglaan yun dahil minsan his business is serious.

Nung sinabi namin yun,after a week may nag sabi nag suicide daw ang parents ni Mariel. Isipin niyo yun? Dalawa pa sila! Naiintindihan kong gipit na gipit sila pero bakit hindi nalang nila hintayin si papa. We already explained to them the truth pero bakit ganun? So,sinong impatient,sinong hindi maka intindi? Oh diba? Ngayon the situation got worst kasi si John ang nabaril at hindi ako.

Nag buntong hininga nalang ako.

Suddenly my phone beeps

*1 message recieved*

From:JR

JM,andito na sila BAMs. Tsaka pupunta ba daw sila mama?

Bakit ganun? Parang kinabahan ako ng makita ko pangalan ni BAMs? Wala naman ata akong maling ginawa diba?

To:JR

Sige,punta na ako dyan. Kakatext ko lang sakanila,wala pang sagot eh.

Tinago ko na cellphone ko at nag lakad na papunta sa surgery room. Ie-examine lang daw muna nila yung bala sa katawan John.

~

Nung malapit na ako sa surgery room nakita ko sila BAMs naka upo sa waiting area,nakatakip yung mukha ni BAMs.

Shocks. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko naman kasi talaga kasalanan eh.

Nung makalapit ako,nakaramdam ata si BAMs kasi tinayo niya yung ulo niya at tinignan ako. Namamaga yung mga mata niya.

"B-BAMs. Ok ka lang ba?" Tanong ko. Sira ulo ka talaga! Malamang hindi okay yan. Psh.

"Sa tingin mo?" Sagot ni BAMs.

Kumamot nalang ako ng ulo.

"Alam mo? Walang hiya ka talaga noh? Wala kang kwentang tao!" Pag papatuloy ni BAMs.

"Ano? Bakit naman ako? Alam mo ba nangyari ha?!" Sigaw ko.

"Hindi! Pero wala kang puso! Ganun ka pa rin! Wala kang pag babago!!" Sigaw niya rin.

Lumapit siya sakin at hinampas hampas ako. Ewan ko,nasasaktan ako sa mga ginagawa at sinasabi ni BAMs. Ako nanaman mali? Napaka galing.

Hinawakan ko kamay ni BAMs at inikot ko siya para nakatalikod siya sakin at niyakap ko siya sa likuran. Ayokong nakikita siyang ganito sakin.

"Bitawan mo ko! Punyemas!!!" Sigaw niya.

Hindi ako nag salita at hinihigpitan ko yakap ko sa likuran niya at unti-unti ko siya binababa sa lapag pero iyak siya ng iyak habang nasigaw.

Nang makaupo na kami sa lapag yakap yakap ko pa rin likuran niya.

Bumulong ako "Tama na. Hindi lang ikaw/kayo ang nahihirapan. Ako din. Please...tama na." Bigla nalang yan ang lumabas sa bibig ko at kinalas ko ang pag kakayakap ko sakanya at umalis na rin.

Nakakairita sila. Ako nanaman agad ang tinitira nila. Alam ba nila yung storya? Yun lang naman yun eh!

Nakalabas na ako sa hospital. Hindi ko napigilang umiyak. Ugh. Nakaka inis na kasi parang ako nalang lagi yung masama,yung walang puso,yung walang kwenta,yung hayop. Tss. Lahat lahat nalang!

Natulo pa rin mga luha ko. Gusto ko lang namang makaramdam ng pag mamahal,gusto ko lang naman mag bago,gusto ko ng makalimot ang masasamang bagay na nagawa ko sa mga kapwa ko.

Bakit ganun.....

Ako pa rin ang nasasaktan....

Nakaka inis.....

-----------------------------------------------
A/N

Hi guys. Fast UD anyway,thanks so much! #Happy4k lots of love. Go lang ng go. Hehehehe.

Please don't forget to Vote,Comment and Share!!

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon