BAMs POV:
Nakaalis na rin sa bahay na yun. Grabe nakakakilabot talaga dun lalo na pag gising na ang mga bad spirits wahaha. Ang bad mo na Baylee. Tsk.
Eto kami ni kuya as usual lakad mode. Wala eh silang apat merong mga kotse kaming dalawa lang talaga ang wala. Actually,kasi dapat mag kaka-kotse na ako kaso si Satan ay este si kuya JM siniraan ako kay tito marvin (which is tatay niya and ang step father ko.)
Ang ganda pa naman nung kotse, e marunong naman na ako mag drive pati si kuya. Iaabot na yung susi bigla ba namang inagaw kay tito marvin ang susi at sinabi na wag na akong bigyan dahil ipan lalandi ko lang daw.
Oh di ba? Ano ba namang ugali yun?! Ako pa. Ako pa ang malandi! Grabe talaga! Eto naman si tito Marvin uto uto nakinig sa anak niyang mayabang. Hmp! Hindi ko pa rin makalimutan yun! >_< the more na naaalala ko, the more na naiinis ako.
Hindi kami nasabay ni-isa sakanila. Napag-usapan na namin yan ni kuya e pano nga sasabay wala namang may bukal sa puso na iinvite kami pasakayin sa loob ng mga mamahalin nilang mga kotse! Grr... nakakairita!!!
"Hoy!"
"Ay! Palaka!" Nagulat ako kay kuya! Ano ba yan.
Biglang tumawa si kuya. "Tawa ka dyan?!" Tanong ko.
Tumawa ulit siya "para ka kasing statwa dyan eh! Haha. Andito na tayo sa college university mo!" Inakbayan ako ni kuya at sabi niya "Maganda rito. Dapat matalino ka pa rin ha? Walang boyfriend,walang B.I na friends,Walang parties, wala---"
"Oo na kuya! Paulit ulit?" Sabi ko.
"Hahaha! Congrats! BAMMY! You are now a freshman! Yipeee! Good luck! Galingan! Mahal na mahal ka ni kuya! Naka bantay lang ako!" Sabi niya.
Nag hug kami "thank you kuya! Opo! Mas gagalingan ko at tatalunin kita! Promise yan!" Sagot ko.
Kumalas siya sa pag yakap sakin "siguraduhin mo lang!" Dinilaan niya ako.
Tumawa lang kaming dalawa. 7:00 a.m. na pala. Hinatid ako ni kuya sa classroom ko wala pa ngang katao-tao e, grabe naman. Nag ba-bye ako kay kuya pero syempre nag secret handshake kami. Haha! ^^
After nun pumasok na ako sa loob. Hindi ko na nilibot tingin ko wala namang tao eh. Umupo ako sa unahang row pero sa dulong upuan yun ang favorite spot ko lagi eh.
"Favorite mo talaga yan noh?"
"Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!" Napatili ako! Hala? Sino yun???
"Waah! Lalabzs! Ang sakit sa tenga ng tili mo!"
Si Danica pala! Danica ang best friend ko since like kinder pa lang kami!
"Omg! Danica babes! Waaah!" Sinugod ko siya ng yakap.
"Lalabzs na-miss kita!!" Sabi niya
"Ako din kaya!" Sagot ko.
Grabe ang tagal na naming hindi nag kita. Nung 2nd year HS kasi kami nawala na siya sa eskwelahan na pinapasukan namin. Praning kasi toh eh. Nawawala.
After nung ingay na ginawa namin jusko! Todo daldalan kami. Ang dami niyang kwinento ofcourse ako din. Kaya pala daw siya nawala nung time na yun e, namatay ang grandmother niya sa Canada kaya she needed to go there.
Grabe sa puro kwentuhan namin ngayon lang namin napansin na andito na lahat ng studyante at pati ang teacher namin. Naku! Mukang terror.
"Good Morning class!" Bati niya samin yung boses niya napaka professional.
"Good Morning!" Tumayo lahat. Hala? Good morning lang? Anong pangalan ng teacher?
"Okay,students I will introduce myself. I am your adviser I am ma'am Audria V. Villencio" Tapos tinignan niya kami with those terrifying looks tapos dinagdag niya "I have rules here! So be aware! We will speak in english here in the classroom every MWF! Understood?" Tanong niya.
Sumagot kaming lahat "yes,ma'am."
Umupo siya sa upuan niya tapos sabi niya "We will not have any class ofcourse, all of you will introduce yourselves infront. Tell your name,birthday, hobbies and motto and that is all."
Nag ready siya ng paper and pen. Andito kasi ako sa first row of seats pero sa dulong part. Ako mauuna.
"Okay, let's start with you darling." Tinuro niya ako. Jusko! Natakot ako the way kasi na tumitig siya. Brr...
Nag start na ako. "Hi,I am Baylee Marie Binyas Pias. My birthday is on May 24---
"Don't say the year anymore. Okay children? Just month and date of your birthday." Sabi niya.
Ano? Walang year? Bakit? Ihh. Never mind I continued "My hobbies are reading,playing tennis,and listening to music. My motto is 'books before boys'. That's all. And I wish we all can be good friends!" Tapos ngumiti ako pero pacute lang.
Pumalakpak silang lahat. Bakit kaya? Kilala na kaya nila ako? Kasi grabe palakpak nila parang full support sila ganun?
Kinalabit ako ni Danica "nako! Famous ka na ata ulit lalabzs. Just like.old days." sabi niya.
Sa loob loob ko. Haggard.
Back to normal....
Good luck.....
-------------------------------------------------
A/N
Alright! So ano na yung sycophant natin dyan? Hahaha! Basta pag may napansin kayong malalim na word search niyo lang. Maganda din yan actually kasi magiging aware kayo sa mga meaning diba?
So i hope you liked this part! Shocks! Freshman sa college ano kayang feeling? Nyahaha.
Again follow me here on wattpad.
Also on:
Twitter:@xxCyriell1Dxx
IG:@cyriellkeithThanks! :)
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.