JM's POV:
Kinausap ako kagabi ni JC. Kausapin ko na raw si BAMs.
Hay. Siguro tama na ring kausapin ko siya para naman tigilan na namin ang pag tatanim ng galit sa isa't isa.
Nakakatampo lang kasi na maka husga sakin eh. Hays.
Umaga na. Gising na rin si BAMs binigyan siya ng kape ng nurse. Huminga ako ng malalim at lumapit sakanya.
Habang nalapit ako hindi ko pa ring matigilang maawa kay BAMs. Ilang linggo na siyang naka tunganga sa pintuan ng kuya niya.
Nang makaupo ako sa tabi niya nag salita na ako agad.
"BAMs. Pwede bang mag usap tayo? Kahit saglita lang?" Tanong ko.
Hindi siya nag salita at uminom lang ng kape. Pero ilang minuto nag salita na rin siya.
"Sige."
Kaya naman sabay kaming tumayo at nag lakad kami palabas ng hospital at pumunta ng park.
Paiba-iba kasi kami ng schedule kung sino mag babantay sa gantong araw. Pero si BAMs parang ginawa ng bahay yung hospital,dun na rin na liligo ang loka-loka.
Pinunta ko siya sa isang park. Konti palang tao,umupo kami sa may bench.
"BAMs. Mianhae." Sabi ko.
[Mianhae-Sorry]
Napatingin siya sakin bunga ng pag yuko ko. Never pa na ako mismo ang humihingi ng pasensya sa isang tao.
Natahimik lang kami. Oras na siguro na malaman niya lahat lahat kahit na nakakahiya yung sasabihin ko.
"BAMs. Hindi na ako uurong ngayon. Sasabihin ko na ang dapat kong sabihin at dapat niyong nalaman simula palang." Huminga ako ng malalim nangangati kasi ngala ngala ko parang pinipigilan akong pag salitain. Pero nag salita pa rin ako. "BAMs. Sa totoo lang,matagal ko ng tinatanim ang inis ko sainyong lahat dahil yun nga parang nasira pamilya ko sainyo. Alam kong maling manisi pero yun nga tsaka... tsaka..." Napatigil ako. Grabe nauutal tuloy ako. Hindi ituloy mo! "BAMs. Naiinggit ako sainyo. Sobrang inggit na inggit ako sa pag mamahalan niyo ni John. Minsan,iniisip ko na sana ikaw nalang naging kapatid ko na sana may nag tatanggol,nag papatahan,nag a-advice habang nanampal sa pisngi. Yung ganung pakiramdam. Kaya napaka saya ko nung naging ok tayo eh. Kaso wala pa rin eh. Parang demonyo pa rin ako."
Nang matapos kong sabihin yun,naiyak na pala ako. Kaya tinakpan ko agad mata ko. Hindi ko na nakita reaksyon ng mukha ni BAMs.
Naramdaman ko nalang may yumakap sakin.
"Tss. Yun lang ba? Sana sinabi mo na. Kasi kuya JM alam mo kahit ang sama ng ugali mo kaya ko pa rin yan palitan ng pag mamahal ko bilang kapatid. Pwede mo kong maging little sister. Pwede din ako yung nandyan sa tabi mo. Kaso kasi minsan mali ka eh. Parang ang hirap mong kampihan." Tapos tumawa siya.
Kumalas siya ng yakap sakin at tinignan ko siya. Umiiyak din siya,kaya pinatahan ko siya kasi mamamaga nanaman mata niya.
"Pasensya na BAMs ah?" Sabi ko.
"Sorry din kuya JM kasi ako naman nag simula nun eh. Sana hindi kita hinusgahan agad." Sagot niya.
May inabot siya saking naka gift wrap. "Sorry,ngayon ko lang naibigay yan. Belated happy birthday!" Sabi niya.
Napangiti nalang ako....
Masaya na ako ulit....
Nakakatuwa si BAMs....
★☆★☆★☆
BAMs POV:Nag kausap na kami ni kuya JC at JM. Guess what? Bati na kami ni kuya JM! Hahaha. Ang saya ko ulit ewan ko ba. Pero ayun ulit ako. Iyak ng iyak. Kaya magang maga mga mata ko.
Nung pabalik na kami sa kwarto ni kuya Johnny,may nakita ako lalaking nakaupo sa harapan ng pintuan ni kuya. Medyo matipuno katawan at moreno parang si kuya lang.
Nung makalapit kami tinanong ko "Good morning po! Sino po sila?"
Humarap siya at lumapit.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko....
Andito ba talaga siya sa harapan ko....
Oo nga,papa....
--------------------------------------------------------
A/NSorry sa late UD guys! Medyo busy na sa school #HellWeek. Anyway,i'll be posting to my followers baka kasi medyo mahirapan ako sa next UD kasi malapit na examination namin (wish me luck though). Malapit na rin pala matapos ang story ko guys! Abang abang nalang hehehehe. Lots of love
Please don't forget to Vote,Comment and Share!
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.