Chapter 2

183 4 0
                                    

Chapter 2

Nexus Zone

••••••••••••••••••••••••••••••

Sobrang busy ng week na to. Busy ang Fine Arts Department para sa nalalapit na Art Exhibit.

Nakaupo ako sa bench malapit sa clinic. Ngayon ay nakashorts lang ako at gaya ng porma ko, maong na top at spaghetti strap na sando. Inaayos ko ang mga pininta ko nang magsimulang magtilian ang mga estudyante. Sobrang ingay. Kailangan ko pang takpan ang magkabilang tenga ko.

"Ang Nexus Zone!!" ani nong isang babae. Mukhang first year dahil nakauniporme pa ito!

"OMG! Ang gwapo talaga nila!!!"

"Please marry me Brayden!!"

"Arggg! Ang cute ni Jarred!"

"David is damn sexy!!"

"No! Flint is the hottest!!"

"Let me love you Travis!"

Nakabibinging tili nanaman ang narinig ko. Tumanaw ako sa mga nagkumpulang estudyante. Naglalakad ang Nexus Zone kuno sa Highway 54.

Ang grupo ng Nexus Zone ay ang grupo ng mga lalaking pinakamayaman dito sa Allegany University. Ang kani-kanilang pamilya ay ang may-ari ng prestihiyosong unibersidad na ito. Parang mga Diyos sila kung ituring ng mga tao rito. Hinahangaan, iniiyakan at sinasamba sila lahat ng mga kababaihan.

Sa tanan ng buhay ko at magtatalong taon na akong nag aaral ako rito sa Allegany ay hindi ko pa nameet ang isa sakanila. Sabi ng iba ay iba raw ang natatanging kwagwapuhan ng mga ito. Sobra ding yaman lalo na yong leader nilang si Brayden daw.

Ayon kay Tanya, lima raw ang member ng Nexus Zone. Sina:

Brayden Matthew Monteverde

Jarred Ysmael Davantes

David Lucas Salviejo

Flint Nicholas Tiongson

Travis Jacob Aguirre

Tumayo ako mula sa bench at itiningala ang leeg ko para matanaw sila, pero hindi ko talaga makita sa sobrang dami ng estudyante. Umupo nalang ako ulit at bumalik sa ginagawa ko.

Hindi naman big deal sa king makita yong mga un. Busy ako sa pag aaral at wala kong balak pagpantasyahan ang ibang lalaki dahil may nobyo na ko.

Ilang linggo na ang lumipas mula nung umalis si Kevin papuntang Batangas. Namimiss ko na sya. Minsan lang sya tumawag, nagtetext naman ngunit parang walang gana. Baka siguro pagod sa trabaho. Inaabala ko nalang ang sarili ko sa Art Exhibit. Naatasan akong maging isa sa mga organizer ng exhibit na yon.

Naging successful ang exhibit. Ang saya naming dalawa ni Tanya! Isa sa mga nagustuhan sa exhibit ay yong mga gawa namin . Nag-aya sya na magcelebrate raw kami. Pumayag naman ako.

Pumunta kami sa isang bar sa Andromeda St. Kasama namin ang manliligaw nyang si Lance, aniya ito raw ang magbabayad. May kaya din si Lance, mataas ang posisyon nya sa isang company. Si Tanya naman ay anak ng katulong ng isang kilalang pamilya. Doon sya nakatira sa mansyon ng amo nila kasama ang ina at ama.

Madami-dami nang naiinom si Tanya. Halos pagewang gewang na sya kung maglakad. Ako naman ay napapasayaw na rito mula sa high table namin. Hinihila ako ni Tanya na sumayaw raw sa dancefloor, umiling ako at tumanggi. Kaya si Lance naman ang hinila nya.

Tanaw na tanaw ko rito ang dalawa na nagdidirty dance. Aray Tanya! Manliligaw palang yan hah. Pano nalang kapag mag-on na.

Mga ilang minuto lang ay tatlong San Mig na ang naiinom ko. Medyo blurry na ang paningin ko.

Nakarinig ako ng ingay sa may bandang dancefloor. Nakita ko si Tanya na nasa gitna ni Lance at ng isang lalaki. Sa ganda ni Tanya ay hindi ako magtatakang pag awayan sya ng mga kalalakihan. Maputi sya, layered ang buhok niya at may perpektong mga mata. Bukod sa maganda at mabait ay marunong syang makisama sa kahit kanino kahit hindi sila ganoon kaangat sa buhay.

Parang magsusuntukan ang dalawang lalaki. Napatalon ako bigla at tumakbo papunta sa kanila.

"Ayos ka rin eh noh?" ani ng galit na si Lance.

Aamba ng suntok pero pinipigilan ni Tanya. Nahagip ni Tanya ang mata ko at sumenyas na tulungan sya sa pag awat. Hinawakan ko na ang braso ni Lance.

"Igalang mo naman kasi ang babae" ani nong chinito na maputi nakaaway ni Lance. Gwapo ito at matangkad.

"Eh ano naman sayo? Wag ka ngang makialam! Sino kaba?" sigaw ulit ni Lance.

"Ako lang naman si Flin-" hinila ni Tanya yong chinitong gwapo palabas.

Hindi ko alam saan humugot si Tanya ng lakas para mahila yong chinito pero wala na sila ngayon sa mukhang alon na dami ng tao sa bar.

Naupo si Lance sa high chair ng table namin at sinipa sipa yon.

Sino kaya ung lalaki? Hindi nya naituloy yung sasabihin nya eh. Kilala kaya sya ni Tanya? Sa hitsura nung lalaki ay mayaman sya, mas mayaman pa sa manliligaw ni Tanya na si Lance.

Sa dami kong iniisip ay hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Tanya.

"Tara na Marionne. Umuwi na tayo" anyaya nya sakin.

Nagtataka ko. "Pano si Lance?" sabay tingin ko kay Lance na lumalaklak ng beer.

"Sige iwanan nyo na ako." dumukot sya sa bulsa at inilahad ang pera samin. "Magtaxi nalang kayo." aniya

"Hindi ko kelangan nyan. May pera kaming pantaxi" pagtataray ni Tanya at hinila na ako palabas ng bar.

Nagpalinga linga ako sa paligid. Wala na yong chinito.

"Tan, sino ba yun?" kamot ko ng ulo.

"Alin?" pagkukunwari nya na nagpapara ng taxi.

"Tanya, hindi ako tanga. Sino yung chinito knina?" humalukipkip ako.

Nakapara na kami. Nasa loob na kami ng taxi ng magsalita sya.

"Marionne, kasi, si Flint yon." aniya at yumuko.

Nanlaki ang mga mata ko. "Flint? Flint Nicholas Tiongson?" bulalas ko sa loob ng taxi.

Unti-unti syang tumango.

"Bakit? Paano?" natataranta kong tanong ulit.

"Ang mga Tiongson ang amo namin. Si Flint ay anak nila Madam Charm at Sir Fidel Tiongson" pumangalumbaba sya.

"What? And then?" naghihintay ako ng sagot.

"He likes me" buntong hininga nya.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon