Chapter 41
Patawad
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Hapon na nang magising ako. Di 'ko alam pero parang antok na antok talaga ko. Lumabas na ako sa kwarto ko dahil nakaramdam ako ng gutom. Nadatnan ko si Maricon na nanunuod ng tv sa sala.
"Con, si Mama?" tanong ko sa kanya.
Tumingin naman sya sakin. "Wala Ate. Nasa bayan. Kumaen kana pala dyan Ate, kanina pa ko katok ng katok sa kwarto mo. Tulog mantika ka" aniya at itinuon ulit ang atensyon sa tv. Nanonood nanaman siya ng drama tapos magngangawa pag umiiyak na ung bida. Tss. Ganyan talaga ang kapatid ko. Feeling ko pag nag-artista sya sisikat agad eh. Galing ba naman umiyak.
Papunta na sana ako sa kusina nang muling magsalita si Maricon.
"Ay Ate, may lalaking pogi palang pumunta dito kanina. Hinahanap ka.."
Pagkasabi niya niyon ay agad akong ginapangan ng kaba. Hindi na ako dapat magduda kung sino iyon. Alam kong si Brayden 'yon.
Lumunok ako bago magsalita. "A-anong sabi mo?"
Kinakabahan ako. Paano niya nalaman ang bahay namin? Haler Marionne? Baka naroon si Hera? Oo nga pala. Pero bakit pa sya pumunta dito? I mean, bakit niya ako pupuntahan rito? Para san pa? Damn!
"Sabi ko, hinahanap ka ng poging lalaki. Gosh ate! Ang pogi pogi nun! Grabe! Pero parang galit sya kasi nakakunot yung noo niyang nagtatanong sakin eh"
Galit sya? Anong karapatan niyang magalit? Damm it!
"Ano naman isinagot mo?" tanong ko.
"Sabi ko tulog kapa. Na, bumalik nalang sya mamayang gabi" sabi nito at bumaling na ang atensyon sa tv.
Walang habas ko naman syang sinabunutan. Minsan gaga talaga tong kapatid ko eh. Pinabalik pa ng lukaret na 'to.
"Bakit?" natatawa niyang sabi. "Tinataguan mo ba yon Ate? Naku naman! Ang gwapo nun. Kung gusto mo, akin nalang"
"Tse! Tumigil ka dyan" tsaka ko sya tinalikuran. Nagtuloy-tuloy ako sa kusina at kumaen na. Gutom na gutom ako.
Habang kumakaen, hindi ko maiwasang pilit na isipin ang nangyari kagabi. Mayroon akong naaalala, pero iyon yung mga ungol ko. Damm! Bakit? Bakit Marionne?
Halos masabunutan ko ang sarili ko habang kumakaen. How careless I am!
Natapos na akong kumaen tsaka bumalik nanaman ako sa kwarto.
Kailangan kong mag-isip kung ano ang gagawin. Ano? Lalayuan ko ba sya? Haharapin? Pero anong sasabihin ko pag nagkaharap kami? Tss..
Di ko namalayan na nakatulog pala ako sa pag-iisip. Nako Marionne! Buong araw ka na talagang tulog noh?
Tinignan ko agad ang alarm clock ko sa drawer. Mag-aalas siete na pala. Naligo muna ko tsaka ko naisipang lumabas.
"Mama! Maricon!" sigaw ko palabas. Pero napalundag ako kung sino ang nakita kong nakaupo sa sala. Agad namang bumilis ang pintig ng puso ko. Di ko alam kung galit o anu ba 'to. Pero nangingibabaw pa rin ang galit ko sa kanya.
Nakakunot ang noo nya ng makita ako. Kita ko rin mayroon juice at cookies sa mesa.
"A-anong ginagawa mo dito?!" bulalas ko.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤