Right Thing
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Marionne!" Kumaway-kaway si Vladd. Kalalabas lang namin sa boarding area. Ngingiti-ngiti siya habang palapit na kami sakanya. Agad niyang kinulit si Brienne. "Hi Baby!" Aniya at nilaro-laro ang bata.
"Naku! Malalamog yang si Brienne. Samahan mo na kami sa mga gamit namin, Vladdimir..." ani Mama. Natawa naman ako dahil tinawag niya sa totoong pangalan si Vladd. Sinimangutan lang ako ni Vladd.
Habang nasa biahe kami papunta sa condo sa Maynila ay nagkukwentuhan kami ni Vladd. Si Mama ay karga-karga si Brienne, si Maricon naman ay tulog katabi ni si Manang Liz.
"Saan kaba nagpupunta this past few months hah? Hindi kana bumalik sa France..." kako habang nasa daan ang mata.
I heard Vladd smirked. "Bakit? Namiss moko agad?"
Hinarap ko siya. "Asa ka! Kapal neto!"
Tumawa siya. Nahihiya ako kay Mama dahil nasa likod lang siya. "Sorry na lang Marionne. It's too late now, I already have a girl-" napatikom siya ng bibig sa nasabi.
"You have what?" Natawa ako. "Naku Vladd! Ipakilala mo sakin yan!"
"Nevermind..." sambit niya.
"Wala! Buking kana! Dalhin mo yan sa birthday ni Brienne!" Sabi ko naman. Nakakatuwa na ngayon, meron nang ibang pinagkakaabalahan si Vladd. I am really happy for him. At napakaswerte ng girl dahil alam ko kung paano magmahal si Vladd.
"Sige na nga. Mapilit ka eh..." aniya.
Tawa lang ako ng tawa.
Hanggang sa makarating na kami sa condo. 8th floor ito. Pagkabukas ni Vladd ay namangha rin ako sa loob. Malawak ang unit . Fully-furnished na rin. At halos kumpleto na ang mga gamit. Apat ang kwarto at may kanya-kanyang banyo lahat. Meron ding maliit na toy room na para sa anak ko. Fully-furnished na rin ang living room, dining at kitchen na mala mala-mini santorini ang disenyo.
Vladd smiled. "Inayos ko rin to kaya medyo napatagal ung stay ko rito.." aniya.
Siya ang nagsuggest na dito ako kumuha ng unit. Dito rin kasi sa building na 'to ang isa niyang condo. Syempre mapera tong lalaking to kaya hindi na ako nagtaka kung marami siyang bahay.
"Thank you Vladd." kako naman. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa kanya. Hindi ko maisip kung paano ang buhay ko kapag wala siya. I am not that dependent to him pero sa lahat ng napagdaanan kong masasama, siya talaga ang umalalay sakin.
***
"Grabe! Ang cute cute niya!" nanggigigil si Hera sa anak ko. Panay ang pisil nito sa pisngi ng anak ko.
"Ano kaba Hera! Kawawa naman si Brienne!" asik naman ni Mildred na kumakaen ng mansanas.
Bumisita sila ngayom dito matapos malaman na nakauwi na kami galing France. Nakakatuwa naman din kasi na hindi sila nakalimot. At talagang sinadya pa nila kami rito sa Maynila.
Nakapangasawa si Mildred ng isang resort owner sa Sabang. Mayaman ito at mabait kaya masayang masaya ang kaibigan ko. Samantalang si Hera ay single pa rin raw. At wala pa siyang balak mag-settle.
"Hoy Mrs. Marquez! Di ko naman kinakawawa tong inaanak natin ah. Sadyang cute lang talaga si Brienne" sabi naman ni Hera.
"Whatever! Tama na yan. Iiyak na yan. Marionne oh! Si Hera..." sumbong ni Milred.
Natawa naman ako. Papalapit na ako sakanila hawak ang tray ng miryenda. Kami lang ang narito sa condo, si Mama kasi at Maricon ay nagpunta sa isang unibersidad para mag-inquire sa pag-aaral ng kapatid ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/32390871-288-k322988.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
Fiksi UmumI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤