Chapter 37
Gorgeous
••••••••••••••••••••••••••••
Nang makalayo na kami ay pinaulanan na nila ako ng tanong.
"Uy te! Di mo sinabi may mga gwapo at mayayaman ka palang kaibigan!"
"Anong meron sainyo ni Brayden?"
"Kayo na ba?"
"May girlfriend na ba si Travis?"
"Eh si Jarred?"
Sunod-sunod nilang tanong. Nawiwindang na ako sa dami ng tanong nila.
"Easy lang, 'kay? Mahina kalaban niyo. Isa-isa lang." natatawa kong sabi.
Hysterical naman si Hera na sumabat. "Ihhh! Ang sweet ni Travis! Ang gwapo pa!"
Humalakhak ako. "Naku Hera! Kung alam mo lang. Pero hindi naman kita pipigilan kung gusto mo sya. Pero ingat ka nalang."
"Hah? Bakit?" nadismaya naman siya sa sinabi ko.
"He's the NZ's Great Womanizer.." patawa kong sabi.
"Wag ka ngang magbiro Marionne! At anong NZ?" tanong niya sakin.
Nakarating na kami sa kalye papunta saamin. Umupo muna kami sa isang tindahan at doon ko itinuloy ang kwento.
"Nexus Zone. Grupo sila ng limang pinakamayayaman sa school namin." pagkasabi ko ay namangha sila.
"Lima sila? Bakit tatlo lang iyong nakita namin? Nasan iyong dalawa?" tanong agad ni Mildred.
"Yung isa, si Flint. Pero hindi siya sumama eh. Tapos yung isa nandun sa pool. Si David. Kasama nya si Reinee, yung girlfriend nya tsaka sila Trixx at Lauryn. Hindi ba kayo pinakilala ni Trav at Jarred sa kanila?? " kunot noo kong tanong sabay abot ko sa softdrinks na binili namin.
"H-hindi. Hinila kasi kami noong dalawa sa taas eh" sabi ni Hera na nagtakip pa ng bibig.
"Hep! Anong ginawa nyo sa taas?" sabi ko naman. Eto talagang dalawa! Nako!
"Grabe ka naman mag-isip Marionne!" natatawang sabi ni Mildred. "Pinakita lang nila samin iyong view ng resort. Para rin daw makapagsolo kayo ni Brayden." nasamid pa ako sa iniinom kong softdrinks pagkasabi niya nun.
Loko talaga yung dalawang iyon! Ipagkakanulo talaga ako sa kaibigan nila. Parang kelan lang nung maramdaman kong nilalandi nila ako ah!
"Naku talaga si Jarred at Travis oh!" sabi ko sabay inom ulit.
"Tara na girls! Uwi na tayo nang makapag-ayos na!" anyaya ni Hera.
Oo nga pala! Pupunta kami sa Koko Baler Bar. Pero teka.. Pag sumama ako, mag-uusap nanaman kami ni Brayden.... Tapos makikita ko nanaman yung mukha nyang nakakapaghuramentado sa sistema ko.....
"Ahmmm. Girls, kayo nalang kaya. Baka hindi ako payagan ni Mama eh..." pagpapalusot ko. Alam kong hindi maniniwala ang dalawang 'to dahil hindi naman istrikto si Mama at pinapayagan ako kahit saan ako magpunta.
"Asus! Di uubra yan samin Marionne! Tara na sa bahay! Aayusan ka namin ni Mildred para ikaw lang ang pinakamaganda sa mata ni Brayden" kinikilig na sabi ni Hera.
"Naku talaga Hera! Tigilan mo ko! Tsaka magpapaalam pa ako kay Mama noh" sabi ko.
"Kami na bahala kay Tita Mariss. Don't worry" sabi ni Mildred tsaka ako hinila patungo sa terminal ng tricycle. Magta-tryc nalang kami para mabilis makauwi.
Wala pang limang minuto ay nasa bahay na kami nila Hera. Dali-dali akong hinila ng dalawa patungo sa 2nd floor ng bahay nila kung saan naroon ang kwarto niya. Agad na binuksan ni Hera ang purple closet nya, tumambad samin ang iba't-ibang klase ng damit niya. Sa aming tatlo ay siya ang pinakakikay. Kami kasi ni Mildred ay medyo boyish manamit, pants lang o kaya shorts saka ternuhan ng kahit anong damit ay okay na. Samantalang si Hera ay may kung anu-ano pang inilalagay sa katawan.
"I think bagay 'to sayo.." sabay pakita niya ng isang nude color na midriff top at highwaist shorts na kita na ang singit.
Umiling ako. "Ayoko nian! Masyadong liberated ang dating! Baka sabihin pa ni Brayden, inaakit ko sya!" sabi ko sabay pangalumbaba.
Narinig ko naman ang tawanan ng dalawa. "That's the goal girl!! Ang maakit mo sya!" natatawa pang sabi ni Mildred.
"Ayna! Tumigil kayong dalawa dyan hah! Wag niyo kong ibugaw!" sabi ko sabay lapit na sa closet ni Hera. Kinuha ko ang isang navy blue romper. Medyo conservative ito dahil hanggang tuhod ang haba at medyo hindi kita ang buong katawan ko.
"Uhh.Uhh.Uhh. No way! Ito ang isusuot mo. That's a rule!" mariing giit ni Mildred saka mwestra sakin ng isang offshoulder crop top saka highwaist faded shorts. Medyo okay na un kaya pumayag naman ako kesa makipagtalo pa dito sa dalawa. Ayokong marinig ang mga talak nila.
Naligo na ako saka nagbihis ng sinasabi nila. Laglag panga pa si Hera habang nakatingin sakin.
"Huy Hera! What do you think?" tanong ko habang umiikot para makita niya ang kabuuan ng suot ko.
"P-perfect!!" ani Mildred saka pumalakpak.
"Sht! Ang sexy mo Marionne! Siguradong tulo-laway nian si Brayden." sabay tawa rin ni Hera.
Inirapan ko lang sila. Ilang oras ay natapos na rin si Hera at Mildred maligo at magbihis. Si Hera ay parang isang diwata sa suot nyang maxi fitted floral dress na above the knee.. Si Mildred naman ay parang supermodel sa kanyang origami skort at backless top.
"Kakaen muna ba tayo dito sainyo Hera bago pumunta?" tanong ko. Medyo malayo kasi ang Koko Baler Bar dito kaya siguro ay kakaen muna kami.
"Wag na! Sabi naman ni Travis kanina eh dapat maaga daw tayo para makarami" sabay hagikgik ni Hera.
"Makarami ka dyan!" binatukan ko naman.
"Ang green ng utak mo, Marionne! Makadami ng nomo!" sabi naman ni Mildred.
Nagtawanan lang kaming tatlo.
Pasado ala-sais na ng gabi ng matapos kami. Iyong dalawa kasi ay nagkulot pa ng buhok. Ako kasi ay hindi na kailangan nun dahil sa wavy at curly kong buhok. Nilugay ko lang iyon pero nilagyan ni Hera ng artificial sunflower ang isang tainga ko. Tututol sana ako pero hindi siya pumayag na tanggalin ko.
Leche talaga tong babaeng to eh.
Nagtext na ako kay Mama na pupunta kami sa Koko Baler Bar. Okay naman iyon sa kanya. Basta daw mag-ingat.
"Let's go girls!" masayang sigaw ni Hera. Natatawa lang kami ni Mildred.
Pagkalabas namin sa bakuran ay napatalon pa ako ng makita ko si Brayden, nakasandal sa Toyota Fortuner nya. Si Travis naman at Jarred ay naghahagikgikhikan sa gilid.
"Hi, Travis!" nahihiyang bati ni Hera.
"Paan nila nalaman na nandito tayo??" bulong ko kay Mildred.
Ngumuso naman siya kay Hera. "Yan ang tanungin mo. May katext yan kanina, baka si Travis." sabi niya.
Agad ko yong nakuha. Talagang Hera na 'to oh.
Nagtama ang paningin namin ni Brayden, tumitig siya sakin mula baba, pataas. Nakakaconscious tuloy, baka pangit ang suot ko kaya sya makatingin ng ganyan. Nawala lang ang kaba sa dibdib ko ng ngumiti siya. Unti-unti rin akong ngumiti. Hayyy relieve! Siguro naman maganda ako sa paningin niya.
Naglakad na kami papunta sa sasakyan. Iginiya ni Jarred at Travis si Mildred at Hera sa loob ng sasakyan. Meaning, ako ang katabi ni Brayden sa frontseat. Poor Marionne.. Pinagkakaisahan ka nila kaya wala ka ng magagawa. Ipinagbukas ako ni Brayden nang pinto, bago ako makapasok ay bumulong siya sakin.
"You looked gorgeous tonight, sweetie"

BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
Fiction généraleI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤