Chapter 45

72 1 1
                                    

Chapter 45

Bidding

.....................................................

"Oh! You there! Lika dito Marionne!" sabi ni Vladd. Medyo nanginginig naman akong naglakad papunta sa kanila. Parang nag-slow motion ang mundo ko habang palapit ng palapit sa kanila. Kinakabahan din ako dahil sa loob ng isang taon ay makakausap ko ulit siya.

"B-bakit??." nauutal kong sabi.

"There. Marionne, this is my friend in US. Kaklase ko siya sa MBA. Pero tumakas yan bago ang gruaduation. Si Brayden Monteverde" patawang sabi ni Vladd.

Ako naman ay hindi makatingin ng maayos kay Brayden. I don't know, I feel so awkward. Sana higupin nalang ako ng lupa rito ngayon. Tss.

Si Brayden naman ay nakatingin lang sa kin ng diretso. Ayan nanaman ang makalaglag panty-ng tingin niya.

"H-hello.." sabi ko lang habang hindi makatingin ng tuwid sa kanya.

"She's my childhood friend, pre. Iyong kinukwento ko lagi sayo sa US?"

Tumango naman si Brayden. Ganoon lang?? Tango lang ang kayang niyang isagot?

"Sa Allegany University din siya nag-aral. You should know her?" mariing sabi ni Vladd. Azzar ka Vladdimir! You're too nosy!

"Yeah. I know her.." malamig at walang emosyon niyang sabi.

Freak Marionne! He knew you! Siya ba naman ang binigyan mo ng pagkababae mo!

Alam ko naman na hindi dapat ako magdemand ng atensyon nya sakin dahil in the first place, ako ang nagtulak sa kanya palayo.

"Oww. You know him too, Marionne?" tanong naman ni Vladd sakin.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Yeah. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya. NZ's great leader. Brayden Matthew Monteverde" pinilit kong ngumiti.

Wala pa ring emosyon si Brayden. Inaamin ko, nasasaktan na ako sa ipinapakita niya sakin. Being cold like this? As if we don't have past.

Really Marionne? Past talaga? Ni-ayaw mo ngang bigyan ng names ang kalagayan nyo noon? And you had strength to say you had past? Tss. Pardon for being dumb.

"Uhm. Yeah." malamig niya lang sagot.

Pinipigilan ko lang ang inis ko. Why is he being like this?? Ang bitter naman niya!

Tinapik niya ang braso ni Vladd. "Pre, gotta go. May susunduin pa kasi ako sa labas" ani Brayden.

Really? Kaya niya lang akong gantuhin?? Really? I feel so really dumb.

"Ah. Sige pre, see you sa auction" sabi naman ni Vladd.

Pupunta siya sa auction? Tss kainis.

Tanging tango lang ang sagot ni Brayden kay Vladd at nagtuloy-tuloy na siya sa labas.

Napasimangot naman ako.

"Are you okay??" tanong ni Vladd dahil namataan niya kong nakasimangot.

Tumango naman ako at pilit na ngumiti. Ayoko namang isipin niyang may mali samin ni Brayden.

"Are you tired? Tara na sa suite?" he asked again.

Tumango naman ako. "Tara, nakakapagod yung biahe eh"

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon