Chapter 17
Body Shot
••••••••••••••••••••••••••••••••
Pagkagising ko ay nasa kama na ako. Hindi ko alam kung anung nangyari pero nang bumangon ako ay sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit kaya napahiga ulit ako sa kama. Sumilip ako sa bintana. WTF! Umaga na! Nakita ko rin ang suot ko. Bihis na ako. Inalala ko ang lahat, naalala kong magkasama kami ni Brayden sa beach kagabi tapos nung lumusong ako........yun na wala na akong maalala.
Wala sa suite si Tanya, Reinee, Lauryn at Trixx. Sino ang nagdala sakin dito? Sinong nagbihis sakin? Fckshet! Napahawak pa ako sa katawan ko. Pinakiramdaman ko kung may nawala ba sakin. Mukhang wala naman. Dahil kumpleto pa ako. Thank God! Pero sinong nagbihis sakin! Ahhhhhhh! Mawiwindang na ako.
Nakahawak ako sa ulo ko ng biglang pumihit ang pinto. Niluwa nun si Brayden, kasama nya ang isang lalaking nakasuot ng uniform ng resort, may dala itong tray ng pagkaen.
"Gising kana pala" sabi nya at ngumiti.
Hindi ako makapagsalita dahil sa sakit ng ulo ko. Binaba na nung lalaki ung pagkaen. Nung umalis na sya ay saka ko nagsalita.
"A-anong nangyari? Na-nasan sila Tan?" tanong ko.
"Nasa baba sila. Wala kang maalala?" kumunot ang noo nya.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko sa kaba. "Ba-bakit? May nangyari ba? M-may nangyari satin?" tanong ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
"Hindi mo talaga maalala?" seryoso nyang tanong.
"H-hindi. Wala kong maalala! Brayden tell me! Anong nangyari? May nangyari sating dalawa???" nawiwindang na talaga ako. Hindi pwedeng may mangyari samin! Hindi ko nga maibigay kyon kay Kevin tapos ibinigay ko sakanya? No way!!!!
Unti-unti syang nagpalabas ng tawa hanggang humagalpak na sya.
"You think may nangyari satin Marionne? Sorry pero wala eh." tawa nya pa rin.
Nag init ang pisngi ko at binato ko sya ng unan. Tawang tawa parin sya.
"Bwisit ka Bray! Kala ko may nangyari na. Sino nagbihis sakin?" tanong ko.
"Ako.... este si Tanya. Ang bigat mo pala?" tawa nanaman nya.
"Binuhat moko? Ano ba talagang nangyari?" talagang mawiwindang na ako. Anong nangyari? Arg!
"Bigla kang nawalan ng malay nung nasa dagat tayo eh. Kaya binuhat kita." sabi nya lang at humalukipkip. "Kumaen kana. Pupunta pa tayo sa Virgin Island by 1pm"
Kumunot ang noo ko. "Bakit ? Anong oras na ba?"
"11am. Sige na, kumaen kana tapos inumin mo yang malamig na tubig para matanggal hangover mo. Sabay tayong bababa. Magbibihis lang ako." aniya at lumabas na sa pinto.
11am na? ang tagal ko palang nagising? ARG! Ang sakit talaga ng ulo ko! Fck hangover.
Ipinikit ko ang mata ko. Pinilit kong kinain ang pagkaing dala ni Brayden. Pagtapos ay ininom ko ang malamig na tubig. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Tapos non ay naligo na ako.
Sinuot ko ang isa ko pang bikini pero ngayon ay nag-ombre shorts muna ako at see-through loose top. Nakita kong naghihintay si Brayden sakin. Nasa labas sya ng suite namin ay may kausap sa phone. Nang makita nya ako ay ibinaba na nya iyon.

BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤