Brayden
"Ang Nexus Zone!!"
"OMG! Ang gwapo talaga nila!!!"
"Please marry me Brayden!!"
"Arggg! Ang cute ni Jarred!"
"David is damn sexy!!"
"No! Flint is the hottest!!"
"Let me love you Travis!"
We used to be called by everyone in that way. They say we're the campus prince, bachelors, kings. Anything that can be called to a perfect guys.
Lima kaming magkakaibigan. Halos lahat ng babae sa Allegany ay humahanga samin. At halos rin lahat ng mga lalaki ay takot saamin, lalo na saakin. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, sa kabila ng magiging tough, may simple and sweet side rin kami.
Habang nagsisigawan ang lahat ay napadako ang tingin ko sa babaeng nagpipinta sa may bench sa gilid ng school clinic. Nakashorts siya, maong na top at spaghetti strap na sando. At the first sight, she got my attention. Sino ba naman ang hindi diba? Halos lahat ng babae sa Allegany ay siya lang ang bukod tanging hindi nagbigay ng atensyon para tignan o lapitan man lang kami gaya ng pandudumog ng mga kababaihan.
I know, she's different. Really different.
Out of curiosity, I even ordered someone to know her name. Marionne.
Nakakatawa iyong mga pinagagagawa ko noon para mapalapit sa babaeng ito. Hindi kapani-paniwalang nagagawa ko ang mga bagay na iyon ng dahil sakanya. Pero hindi ako nahihiya sa mga iyon dahil ngayon, sa wakas. Nasa akin na ulit siya. At hinding hindi ko na papakawalan pa.
Nakita ko siyang pumasok sa bar. Kasalukuyan akong umiinom noon. Nasa counter ako noon. Napangiti ako ng makita siya. Tila may hinahanap. Pero agad ring lumabas. Nilagok ko ang whiskey tumbler saka nagpasyang lumabas na rin.
Nagdilim ang paningin ko ng makita siya sa kandungan ng isang lasing na lalaki at binabastos. Hindi na ako nagdalawang isip at pinaulanan ito ng suntok.
Nakita kong umiiyak sya habang yakap-yakap ang katawan niya. Damn!
Aamba pa sana ako ng suntok pero tumakbo na yung dalawang manyak. Mga gago!
"Okay ka lang ba Miss?" Tanong ko sakanya. Damn! Mapapatay ko talaga ang dalawang iyon.
Hindi niya ako sinagot. Iyak pa rin siya ng iyak!
"Miss, okay ka lang ba?" tanong ko ulit. I wan't to comfort her. Damn! Napapamura ako. Ano ba tong nararamdaman ko.
"Mukha ba kong okay? Nabastos na nga ko, tinatanong mo pa kung okay?" suminghap siya. i was stunned. Tinarayan na ako pero hindi ako nagsalita? I used to embarrassed every bitchy girls pero iba ngayon. Wala lang ako nasabi.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko.
"Easy, easy Miss. Nag aalala lang ako. " sabi ko. Nag-aalala talaga ko. Natameme pa nga ko eh.
Inirapan niya ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hey Miss wait." habol ko.
"Ano!!" pagtataray nanaman niya. She's cute when she's angry.
"Saan ka ba umuuwi? Ihahatid na kita. Baka mapano ka pa sa daan" ani ko at hinawakan ang braso niya pero hinawi niya iyon.
"Sus! Ihahatid mo ko? Ang sabihin mo, may balak ka ring maseama sa kin! Malay ko ba kung saan mo ko dadalhin! Ni-hindi pa nga kita kilala eh!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤