Chapter 49

92 1 1
                                    

Chapter 49

New Beginning

........................................

PAGKAGISING ko kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko at tingin ko namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.Tila nagiging hobby ko na ang umiyak nitong mga nakaraang araw ah. Hayy. Pagtapos kong kausapin si Brayden ay inaya ko mag-inom si Hera at Mildred para makalimot at para na rin maibsan ang sakit na dinadala ko. Alam kong hindi mawawala pero atleast mabawasan ang sakit. Sa bar ay uminom lang ako at umiyak ng umiyak. Wala eh, mahal ko talaga si Brayden. Mahal na mahal ko siya. Pero it's too late. Ikakasal na siya. At kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang nakaraan. At hindi na niya ako mapapatawad.

Handa na akong ibaon sa limot ang nangyari samin. Iyon naman ang dapat kong gawin eh. Hindi naman pwedeng umasa nalang ako sa wala. Wala na akong aasahan sa kanya. Masaya na siya kay Rufine, at tatanggapin ko nalang iyon.

Iginala ko ang paningin ko at nalaman kong wala ako sa bahay. Nasa kwarto ako ni Mildred. Nakita ko din si Hera na nakahiga sa may baba ng kama. Dito pala kami nakatulog? Pero paano? Lasing na lasing ako kagabi, at gaya ng dati wala nanaman akong maalala. Kailangan ko na atang magpatigin sa doktor eh, lagi kasing ganito. Nalilimutan ko ang mga ginagawa ko tuwing lasing. At ang malala pa, ipinapahamak ako nito. Pinasadahan ko ang katawan ko saka ko napansing nakapajama na ako tsaka sando. Sino nagbihis saakin? Baka 'iyong dalawa rin.

Pilit kong iniisip ang nangyari kagabi pero wala talaga kong maalala. Tanging ang naalala ko lang ay iyon pag-iyak ko at paglapit ng mga laki samin tapos wala na. Hanggang doon lang.

Nananakita ang ulo ko, hihiga na ulit sana ko nang bumukas ang pintuan. Iniluwa nun si Mildred. May dala siyang tray. "Oh, gising kana pala? Dinalhan kita ng tubig dahil alam kong may hangover ka..." aniya at inilapag ang tray. May tatlong baso ng tubig iyon na punong-puno ng yelo.

Kumuha ako ng isang baso at agarang nilagok iyon. Mainam iyon para mabawasan ang sakit ng ulo ko.

"Kung bakit ba kasi naglasing ka eh' ayan tuloy. Ang hirap mong iuwi...." sabi niya saka tumawa pa.

Narinig ko namang ang ungol ni Hera sa baba at wala pang isang minuto ay bumangon na siya at humihikab pa.

"Oh, gising kana pala Marionne. Are you feeling well?" nangangasar na sabi ni Hera.

Binato ko siya ng unan. "Leche! Syempre hindi! Ikaw kaya magkaroon ng problema.." sabi ko sabay irap. "Anyway, who brought me here? Impossible namang binuhat niyo ako?"

Nagtinginan pa silang dalawa at nagsenyasan ng hindi ko maintindihan. Kilala ko ang mga ito, alam ko kung may tinatago sila o wala saakin.

"Kokotongan ko kayo! Sinong nagbuhat saakin??" tanong ko at inabot nanaman ang isang basong tubig para lagukin. Para akong hindi uminom ng isang linggo the way ko lagukin ang napakalamig na tubig.

"Si-........" si Hera.

"Si Vladd!" mabilis na sabi ni Mildred. Siniko niya si Hera. "Si Vladd, ti-tinawagan namin siya kagabi para buhatin ka. Ang bigat mo kasi eh..."

Tumango-tango naman ako. "Where is he? At naaalala ko may mga lalaking lumapit satin bago ako mawalan ng malay?" tanong ko. Iyon kasi ang huling naaalala ko. Mga tatlo ata iyong mga lalaki.

"Lalaki? Wala lang iyon. Nakikipagkilala lang..." sabi pa ni Mildred. "Maligo kana Marionne, umuwi kana. Tumawag kanina si Tita Mariss."

"Sige. Maliligo na ako" sabi ko nalang at tumayo na. Hinahanap na ako ni Mama dahil hindi ako nakauwi at nakapagpaalam.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon