Chapter 53

58 1 3
                                    

Muling Ibalik

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Sorry, na-late ako Sir. May inayos pa po kasi ako." panimula ko kay Brayden. Nasa basement na siya, nakahilig sa hood ng isang pulang audi na coupe pero hindi ko alam ang model. Hindi naman sa wala akong alam sa sasakyan pero halata kong mamahalin at bago ito. Nasaan na iyong Fortuner niya?

"Okay lang. It's just minutes. Let's go then?" sabay giya niya sa pinto. He's wearing a white polo na tiniklop hanggang siko at may necktie. Damn! He's like a son of Athena, the goddess of Beauty in Greek mythology.

Tumango lang ako. Buti may dress ako sa office ko. Nag-iiwan ako doon, para in-case of emergency may masusuot ako. Gaya nito, agad na lakad. Buti nalang talaga. Gusto ko namang magmukhang presentable pagharap ko sa bride-to-be at syempre dahil matagal kaming hindi nagkita. Naka above-the knee peach dress ako at cut-out flat shoes. Nagdala din ako ng scarf at bag. At ang totoo, nagayos ako ng sarili kaya ako medyo nalate sa usapan namin. Hahahaha. Ano ba naman iyong magayos diba? Pilit ko pa kasing ipino-ponytail ang buhok kong above shoulder length pero hindi pa rin kaya kaya hinayaan ko nalang itong nakalugay.

Binuhay na ni Brayden ang sasakyan. Walang umiimik saaming dalawa. Hanggang sa nagdecide akong magtanong. "Uhmmm, bago?" I'm talking about his car.

"Uhhmm, yeap. Audi R8." aniya.

"Ahhhh...." sabi ko. Awkward. "Uhhmm, where's your fortuner then?" there! Feeling ko mali ang tanong ko.

Hindi nagsalita si Brayden.

"Sorry for being nosy Sir.." pagbabawi ko. Alam ko hindi dapat ako magtanong ng magtanong. Baka may maapakan akong linya sa pagitan namin. He's my boss in the first place. No personal issues. Nothing more, just pure work.

"That's okay. It's in my condo. I rarely use it." he said.

"Ahhh..." sabi ko nalang. Trying to shut my mouth.

Ilang minuto ng walang nagsasalita saamin. Nakabibinging katahimikan ang sumasakop sa loob ng sasakyan niya.

"Aren't you bored?" siya naman ang bumasag sa katahimikan.

"Not really Sir..." sagot ko naman.

"Let's listen to music?" he asked.

"Sige po..." pagkasabi ko ay binuksan niya ang stereo ng sasakyan niya.

Pagka-on niya ay patapos na ang Wreking Ball na kanta ng paborito kong singer, Miley Cyrus. Damn! Sayang...

Nang biglang,

~

lagi na lang kitang naalala

mula nang tayo'y di na magkita

kung ikaw ay nagtatampo

kailangan bang ganito

bakit hindi natin

~

What was that? Fck!

Feeling ko ay namamanhid ang mukha ko sa sobrang hiya. I know, he can't see my face because he's driving.. But ugh! Why I have this feeling?

Calm down Marionne! Just calm down.

~

Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon