Chapter 24

98 3 0
                                    

Chapter 24

Brayonne ❤

•••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nag-iimpake na ako ng mga gamit ko. Natawagan ko na rin si Tanya na alas 2 ay sunduin ako. Sa bahay nila Flint, dun sa kwarto ni Tanya muna ko mamamalagi hanggat hindi pa ako nakakahanap ng bagong malilipatan. Sinabihan ko na rin ang land lady na aalis na ako sa apartment. Hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa ni Kevin sakin. Ngayon ang mokong ay wala nanaman daw dito sa apartment. Ewan ko kung saan nagpunta pero tinext nya ako kanina.

Babe:

Sorry babe. Hindi ko na uulitin. Sana mapatawad moko. Hindi muna ko magpapakita sayo.

Padarag kong binitiwan ang cellphone ko nang mabasa iyon. Paano niyang nagawa sakin yon? Hayyy

Natapos na akong mag-impake. Dala ko halos lahat ng gamit sa apartment. Iyong ibang gamit na hindi ko na mapapakinabangan ay iniwan ko nalang. Nag-aabang na ako sa gate ng apartment nang makita ako ni Karen.

"Oh ano? Lalayas kana? Nakilala mu na si Lyra?" tanong nya at humalukipkip.

"Wag mokong simula Karen." banta ko. Its too much for being kind and patient, Marionne. Lalaban na ako ngayon.

Humalakhak sya. "Talunan ka kasi"

Ibinaba ko ang mga maleta ko at mga bag saka sya hinarap. "Hindi kapa titigil? Susupalpalin kita dyan!" nag-iinit na ako. Galit ako kay Kevin! Galit sa ginawa nya! Kaya wag akong mainis-inis nitong si Karen!

Hindi umimik si Karen. Tanging halakhak lang ang nagawa nya at tinalikuran na ako.

Maya-maya ay nagmissedcall na si Tanya na hudyat na andyan na siya. Niluwa ng toyota Hiace si Tanya. Kasabay noon ay ang driver nila Flint na si Conrad. Inutusan ito ni Tanya na kunin ang mga gamit ko. Niyakap ako ni Tanya at punong-puno na pag-aalala ang kanyang mukha.

"Okay ka lang ba?" tanong nya sakin. Sinabi ko sakanya ang nangyaring kahalayan na ginawa ni Kevin.

"Galit na galit si Flint nung sinabi ko sakanya. Sya sana ang kasama ko ngayon kaso may inaasikaso silang importante ni Sir Fidel." aniya at inaalo ako ng yakap. Lumandas nanaman ang luha ko dahil sa yakap ng kaibigan ko.

"Thankyou Tan. Salamat" sabi ko lang.

"Ano kaba! Syempre magkaibigan tayo. Okay na okay kay Flint na sa kwarto ka muna for the mean time. Pinaalam ko na rin kay Mama at Papa." sabi nito.

"Salamat talaga" sabi ko lang at iginiya na nya ko sa loob ng sasakyan.

Nasa sasakyan kami nang maisipan kong itext si Mama. Sasabihin kong umalis na ako sa apartment pero hindi ko sasabihing dahil kay Kevin.

Ako:

Hi Ma. Kumaen na po kayo? Lilipat nga po pala ako ng apartment pero dahil wala pa akong mahanap, kila Tanya muna po ako. Ingat kayo ma.

Agad na nagreply si mama.

Mama:

Tapos na anak. Sige, mag ingat ka lagi hah. Tapos itext mo rin agad adress ng bagong apartment mo pag nakahanap kana.

Ako:

Yes ma. Salamat po

Mama:

Ok nak.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon