Chapter 59

60 0 0
                                    

Welcome

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Late na ako nagising kinabukasan. Paano ba naman kasi, nagtelebabad kami ni Brayden kagabi. Ewan ko, pero hindi talaga kami nawalan ng topic. Hanggang sa nakatulugan ko nalang siya habang kausap. Maiintindihan naman niya siguro ako.

Agad akong bumangon at naligo na. Dadaan si Brayden dito mamaya at may pupuntahan nanaman kami. Pagtapos ko magayos ay lumabas na ako sa kwarto pero bago iyon ay pinasadahan ko muna ang sarili ko sa salamin, nakaromper dress ako ng kulay purple at valentino-inspired na shoes. Naglagay lang ako ng lipstick at press powder ay okay na. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko dahil maikli pa ito.

Lumabas ako ng kwarto ko tapos nakita ko si Maricon na nasa sala kasama ang mga kaklase niyang namumukhaan ko.

"Hi Ate!" bati nito.

"Hello!" ngumiti naman ako sakanila. "Mga kaklase mo Maricon?" tanong ko. May isa kasing lalaki at tatlong babaeng kasama siya.

Tumango si Maricon. "Ate, mga bago ko nga palang kaklase. Eto si Bevs, Raquelle, Krissa at si Gelland." aniya.

Tumango-tango naman ako. Mamaya maguusap kami nito tungkol dun sa Gelland. Hindi siya nagdadala rito ng lalaking kaibigan. Hindi ko alam kung kaibigan lang ba niya eto o ano. "Ah.. Si Mama?" tanong ko naman.

"Umalis na Ate. Kain ka muna dun, nagluto siya kanina." sabi niya. May balak ata silang manuod ng movie dahil may mga cd's na naroon.

"Hindi na. Aalis naman ako eh. Baka male-late ako ng uwi Maricon. Pero sabihin mo kay Mama, dito kami magdidinner." sabi ko. Pinanlakihan ko siya ng mata. Alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin. Umiling naman aiya agad.

"Ate, kaibigan ko lang..." aniya.

Tumango naman ako. I know my sisters and I can communicate using are senses. "Ok, I should go. Magluto nalang kayo ng lunch nyo. Maraming pagkaen sa ref."

"Sige ate. Ingat po" sabi ni Maricon na hindi makatingin sakin.

"Enjoy kayo hah' feel at home" sabi ko naman sa mga kasama niya. Ayoko namang isipin nilang ang taray ng Ate ni Maricon.

Tumango naman sila sakin saka ko umiskapo na. Nagtext na rin si Brayden kanina na paalis na siya sa Costa. Aabangan ko nalang siya sa labas ng bahay.

Nasa labas nko ng bahay, may dala akong payong dahil medyo tirik na yung araw. Mag-aalas nuebe na rin kasi. May pamilyar na sasakyan ang dumaan sa harap ko. I know whose car was that! Saka ko lang iyon nakumpirma ng huminto ito at lumabas sa kotse ang driver nito. Hindi ako nagkamali, si Vladd!

"Oh, umuwi ka Marionne?" tanong niya. Niyakap niya ako, nabigla naman ako roon.

Tumawa lang ako. "Yeah. Biglaan eh.." sabi ko naman. I wonder, is he knew about Brayden and I? Dunno.

"Ganun ba? Saan ang punta mo? Ihahatid na kita." paanyaya niya.

Umiling ako. "Hindi na Vladd, susunduin ako ng boyfriend ko eh." sabi ko naman.

Sandaling hindi siya nakaimik. Nagsi-sink in pa ata sakanya ang sinabi ko.

"Bo-boyfriend?" tanong niya. Wala nga siyang alam tungkol samin.

"Uh-uhm. You must know him" sabi ko sabay ngiti. He's my friend kaya alam kong susuportahan niya ako rito.

Nahagip na ng mga mata ko ang pulang Audi R8 ni Brayden. Bigla naman akong naexcite.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon