Chapter 35
I can't help it. I just can't. I can't.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Dude! Tara daming chicks dun oh!!" narinig kong sigaw ni Travis kay Brayden.
Great! Narito din si Travis?? Baka lahat ng NZ ay narito. Nakakatuwa naman.
Hindi pinansin ni Brayden ang makulit na si Travis. Lumayo lang ito at sa di-kalayuan ay naroon si Jarred na may kausap na babaeng nakabikini. Hayyy naku talaga! Basta chicks, mabilis pa sa alas dose tong si Travis at Jarred. Naiisip ko minsan, wala ba silang gilfriend? Naalala ko si Jarred meron ah, yung singer na si Farrah delos Santos? Eh bakit nanchichicks pa sya?? Nagkibit balikat nalang ako.
"Sht! Ang gwapo!" tili ni Hera sa gilid ko.
"Huy! Adik ka Hera! Basta gwapo talaga eh!" ani naman ni Mildred. Tinatawanan ko lang ang dalawa. Hindi nila alam na kilala ko ang pinag-uusapan nila.
"Di nga kase! Hayun oh! Tingin kayo dun" sabay turo niya sa lalaking kanina ko pa tinitignan. Si Brayden.
"Aba'y oo nga noh! Ayun pa Hera!" turo naman ni Mildred sa gawi nila Travis at Jarred.
Shems. Ang lakas talaga ng radar nitong mga kaibigan ko. Hindi ko rin sila masisisi dahil gwapo naman talaga at kapansin-pansin ang Nexus Zone.
"My God! Benta ngayon ang Costa Pacifica ah! Tingin ko mayaman yang mga iyan eh!" sabi ni Hera na tila kinikilig pa rin.
"OMG! Mga 'te! Nakatingin dito si Pogi!" bulala ngayon ni Hera. Bumilis ang pintig ng puso ko. Nakatingin rito si Brayden.
"Sht! Oo nga Marionne! Tignan mo!" sabi naman ni Mildred.
Bahagya kong itinagilid ang ulo ko para makita si Brayden. Tama nga ang dalawa! Nakatingin sya dito, ay tila pa tinatanaw kung ano ang nakikita nito. Walang anu-ano'y ngumiti siya at kumaway.
"Oh My God! Kumaway sya mga te! AKo ba yung kinawayan nya! Oh my God!" naghihisterya na si Hera sa gilid. Binatukan sya ni Mildred.
"Gaga ka talaga! Assuming ka! Hindi ikaw.... Parang....... Parang si Marionne..." sabi ni Mildred. Natigilan naman si Hera at tumingin ulit kay Brayden.
Abot tenga ang ngiti ni Brayden. "Marionne!" sigaw niya.
Agad naman akong pinanlakihan ng mata ng mga kaibigan ko.
"Kilala mo siya, Marionne??" halos sabay nilang tanong.
Tumawa ako at tumango. "Hali'kayo. Ipapakilala ko kayo." sabay hila ko sakanilang dalawa.
Natameme pa lalo ang dalawa sa gilid ko nang makalapit kami kay Brayden.
"Hi, Marionne" bati ni Brayden.
"Hello, bat kayo nandito Bray?" tanong ko.
"Hah? Ah. Eh. Outing lang. Iyong dalawang mokong kasi na iyun! Nag-aya dito" sabay turo nya kay Jarred at Travis. Napatingin naman samin ang dalawa. Nagliwanag ang mga mukha nila at basta basta nalang iniwan ang mga chicks na kausap.
"Si Marionne!!" ani Jarred.
"Oo nga! Hi Marionne!" sabay kaway ni Travis samin.
Tumakbo pa ang dalawa ang nag-unahan sa amin. Tumawa lang ako.
"You're here" nakangiting sabi ni Jarred
"Oo. Taga dito ako eh. " sabi ko naman.
"I see.... Kaya naman pala dito naisipan ni Brayden na pum-" hindi naituloy ni Travis ang sasabihin dahil tinakpan ni Brayden ang bibig niya.
"Shut up! Trav!" sabi ni Brayden. Natawa naman si Jarred. Ako naman ay ngumiti.
"By the way, sino ba itong mga kasama mo Marionne? Ipakilala mo naman kami oh" sabing bigla ni Travis.
"Ah. Oo nga pala. Guys, this my childhood friends. This is Mildred and Hera. " sabay baling ko sa mga kaibigan ko sa gilid. "Dred, Hera, sila yung mga kaibigan ko sa Manila, si Brayden, Jarred at Travis" sabi ko.
Walang anu-ano'y inabot ni Travis ang kamay ni Hera. Si Jarred naman ay nakipagkamay rin kay Mildred. Nahihiya pa ang dalawa kong kaibigan pero nangingiti na rin.
"Tara muna sa resort, Marionne. Naroon sila Reinee." sabi naman ni Brayden.
"Andito rin sila?" nagniningning ang mga ko. Nakakaexcite makita sila Reinee. Isang linggo ko na rin kasi silang hindi nakikita.
"Bray, si Tanya at Flint?"
"I dont know pero hindi sila sumama eh. Uuwi raw sa Zambales si Tan. Dunno." sabi nitong nakapamulsa. Naglalakad na kami patungong Costa Pacifica Resort. Dito sila nag-check in para sa ilang araw na stay dito sa Baler. Si Mildred at Hera ay hayun, nauna na dahil nawili sa pagpapa-cute ni Travis at Jarred. Magkasabay kami ngayon ni Brayden.
"Uhmmm. Ok" pagtapos nun ay tahimik lang ako. Nahihiya akong kausapin siya. Naramdaman kong huminto si Brayden sa paglalakad nang malapit na kami sa entrada ng resort. Konti lamang ang mga tao doon, at hindi ko na mahagilap ang mga kaibigan ko pati na sila Travis at Jarred. Baka naroon na sila sa loob.
Pinakiramdaman ko muna si Brayden. Hindi parin sya kumikilos. Nakakapagtaka naman. Lilingon na sana ako nang maramdaman kong lumakad na sya, hinihintay kong lagpasan nya ako pero laking gulat ko ng yakapin nya ako mula sa likod.
Parang lumulundag ang puso ko sa kaba at saya. Kaba na dulot ng pagyakao nya sakin bigla, at saya na hindi ko maipaliwanag na dahilan. Basta ang alam ko masarap sa pakiramdam ang pagyakap nya sakin ng ganito.
"B-brayden...." nauutal kong sabi.
Naramdaman ko ang hininga ni Brayden sa likod ng tainga ko.
"B-bray, b-basa ang damit ko. M-mababasa ka" hindi ko na mapigilan ang hindi mautal dahil sa lapit ng mukha nya saakin.
"Ssshhh. Hindi ko na mapigilan Marionne. Kanina nung nakita kita, gustong-gusto agad kitang yakapin. Nagpipigil lang ako..... I-I don't know pero mula nung umalis ka papunta rito, I had that feeling na...... hindi buo ang araw ko kapag hindi kita kasama... pag hindi kita nakikita... pag hindi kita nakakausap... Para akong nababaliw dahil lagi kang nasa isip ko....." nagpakawala sya ng buntong hininga. Hindi ko alam pero parang nahihirapan sya sa mga sinasabi nya ngayon.
Bakit ganito ang tibok ng puso?? Nakakabingi sa sobrang lakas at bilis. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa binibigkas na salita ni Brayden sa kin.
"How stupid right? Pero kasi...." nagpakawala nanaman sya ng buntong hininga. Napapangiti na ako ng wala sa oras. Wala akong pakialam kung makita ni Brayden ang ngiti ko. Basta masaya ako.
Hindi ako manhid sa nararamdaman nya saakin. Alam kong gusto niya ako pero hindi ko inaaakalang ganito kasarap sa pakiramdam nang yumakap sya sakin sa ganitong posisyon. Hindi ko alam itong nararamdaman ko. Handa na ba ako? Handa na ba kong buksan muli ang puso ko para sa iba?
"I can't help it. I just can't. I can't...I miss you..."

BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
Ficção GeralI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤