Paglayo
••••••••••••••••••••••••••••••••
"Sigurado kana ba sa desisyon mo anak?" tanong ni Mama habang tinutulungan akong magimpake ng gamit. I just nodded. Ilang linggo din akong nag-isip para humantong sa desisyong 'to. Nagkalayo-layo din ako. Pumunta muna ako sa isang Tiya ko sa Cabarroguis, Quirino.
"Opo, Ma. Dapat ko pong iwasan ang maistress, at hindi ko iyon magagawa kung narito ako malapit kay Brayden..." alam ko kasing hindi pa din tumitigil si Brayden sa panunuyo sakin. Tatlong beses siya sa isang linggo kung magpunta sa bahay. Mabuti at hindi kami nagpang-abot kanina dahil nagtungo nanaman pala siya dito.
Ngayon ako umuwi ako dahil sa makalawa na ang luwas namin ni Vladd patungo sa France. Mamayang gabi ay luluwas kami papunta sa Maynila para naroon na kami para sa pangingibang bansa namin.
"Oh siya, kung hindi na talaga kita mapipigilan. Matanda kana, pinalaki kita ng maayos. Alam kong alam mo na ang tama at mali..." sabi naman tapos ngumiting maluwag. Napangiti naman din ako.
"Basta kapag nanganak na ako roon Ma, maghahanap ako ng trabaho.... Para mapapunta ko rin kayo ron ni Maricon.." kako
"Bakit? May balak kana bang mamalagi roon?" tanong niya.
Ewan ko pa sa ngayon. Hindi ko rin mawari kung ano ang desisyon ko. Sabi ni Vladd ay hindi niya alam ang time expand ng business na aasikasuhin niya roon pero sabi naman niya sakin na kahit kailan ko gustong mamalagi roon ay okay lang. Mayroon silang bahay roon kaya wala akong problema.
"Hindi ko pa alam Ma..." sabi ko naman. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos.
"Wala ka na talagang balak ipaalam ito kay Brayden??" natigilan ako sa sinabi ni Mama. "Anak, hindi naman sa nanghihimasok ako sa mga desisyon mo.. Pero hindi ba ay hindi ito tama para sakanya? Siya ang ama ng anak mo, mayroon pa rin siyang karapatan." ani Mama.
Oo, naisip ko na iyon noon bago ako magdesisyon. Hindi ko naman balak itago habangbuhay ang pagdadalang-tao ko. Gusto ko lang lumayo. Huminga. At mag-ipon ng lakas ng loob para makaharap ulit siya. Gusto ko iyong hindi na ako makakaramdam ng hinanakit kapag nagharap na ulit kami.
Napansin ni Mama na hindi ko sya sinagot kaya nagdivert siya sa ibang topic. "Siya nga pala anak, dumating na iyong bayad sa danyos ng mga Monteverde. Nasa pangalan ko na rin ang business permit ng nakuhang stall sa bayan..."
Hindi na kami nagsampa ng kaso sa mga Monteverde at walang hiniling na kung anuman pero sila ang pumilit na magbayad ng danyos. Kinuhanan rin nila si Mama ng stall sa bayan. Pwede nang magtinda roon sila ng kung anung naisin niya. Nagpapadala sila ng kung anu-ano sa bahay. Sila na rin ang sumagot sa scholarship ni Maricon sa college. Appliances, furnitures at kung anu-ano pa. Noong una ay hindi iyon tinanggap ni Mama, nilabas niya lang sa bahay pero dumating ang ilang linggo ay ipinasok niya na rin sa bahay. Kesa naman sa maulanan at mainitan sa labas.
"Sige po, Ma..." kako nalang. Ayoko munang pagusapan ang tungkol sa kanila.
Nagsorry na rin pala sakin si Mr. Bradd Monteverde. Sumaglit siya sa bahay namin noong papaalis ako papuntang Cabarroguis, Quirino. Saglit lang naman kaming nagusap. Humingi siya ng tawad at pinatawad ko naman na siya. Humiling din siya sakin na sana ay kausapin ko na ang anak niya pero hindi ko iyon pinagbigyan. Buti hindi naman siya namilit. Buti nga hindi napansin ang baby bump ko eh. Maluwag kasi ang tshirt ko noon. Nagpapasalamat naman ako at hindi na siya nagusisa pa sa dala kong gamit noon.
****
Sinundo na ako ni Vladd. Nangingiti siya habang nay katext sa cellphone niya. Kumunot naman ang noo ko. Hala 'to. Hindi nalang ako tulungan.
Napansin niya atang mabigat ang maleta kong dala kaya bumaling siya sakin. "Ay! Ako na Marionne...! saka niya inagaw ang maleta.
"Wow.Thank you hah. Busy ka kasing nagtetext eh.." pagtataray ko.
"Ang sungit mo nanaman sakin ah.. Wala 'to. Just a friend of mine..." aniya naman at kinindatan ako.
Tinapunan ko talaga siya ng tingin. Landi kasi. Friend of minr pa daw eh halata namang babae niya katext niya.
"Ako pa lukohin mo, Vladdimir. Kilala na kita. Babae yan noh?" kako naman at aktong titingin pa sa phone niya pero nilihis niya ito.
"Wag ka nga! Di ah. Kaibigan 'to. Lalaki." aniya naman saka ipinasok ang mga maleta ko sa sasakyan niya.
"Lalaki tapos nangingiti ka? Bakla ka na Vladd?" mariin kong tanong.
Halos mapanganga naman siya tapos biglang tumawa ng malakas. "Really, Marionne?" then he smirked. "Oo na.. Babae nga. Pero hindi ko muna sasabihin sayo. Textmate palang eh.."
Binatukan ko naman siya. "Landi mo.." kako at tumawa. Tumawa rin siya.
Nagpaalam na ako kay Mama at Maricon. Narito rin si Mildred at Hera. Alam na nila ang nangyari sakin, pero mahigpit kong sinabi na wag sasabihin kahit kanino. Baka kasi makarating kay Brayden naintindihan naman nila ako at susuportahan daw sa lahat ng desisyon ko. Mangiyak-ngiyak pa si Mama sakin. Mamimiss niya raw ako. Mamimiss ko rin naman siya eh, sila ni Maricon. Sabi ko tatatagan ko ang loob ko para sa magiging anak ko.
Nagpatuloy na kami sa biahe ni Vladd. Habang nasa daan ay nakatingin lang ako sa labas. Napahawak din ako sa tiyan ko at kinakausap ang baby ko sa isip lang.
Baby, lalayo na muna tayo rito hah. Alam ko dapat harapin ko ang tatay mo. Pero hindi ko pa talaga kaya eh. Gusto ko muna talagang layuan siya. Alam ko naman sa sarili ko, at hindi ko itatago sayo na mahal ko pa rin siya. Sobra pa rin pero natatakot na akong kapag nakita at nagkaharap kami mas mangingibabaw ang pagkamuhi ko sa kanya.
Ikaw ang naman ang iniisip ko eh. Ayokong maapektuhan ka sa problema namin kaya ilalayo muna kita ha. Hayaan mo, babalik naman tayo kapag okay na ang mama mo. Mahal na mahal kita, anak.
Pinipigilan ko ang mapaluha. Sasabak nanaman ako sa panibagong buhay. Buhay na malayo sa kanya. Sa taong minahal ko ng totoo. Sa taong ama ng dinadala ko. Sa lahat ng sakit ng nakaraan. Sa lahat ng poot at galit rito sa puso ko.
Sana pagtapos nito, mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sana maging maayos, matagumpay at makabuluhan ang gagawin kong paglayo.
~~~~~~~~
Hanggang Chapter 70 lang po eto =)
SALAMAT

BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
Ficción GeneralI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤