Chapter 70

68 0 0
                                    

Para sa anak

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Ma'am, may appointment po ba kayo?" tanong ng front officer ng pumasok ako sa building ng Calikasan Photography. Hanggang 4th floor ito. Nakakaproud kasi sobrang laki na ng firm na ito. Dahil lang ay isang floor lang ang sakop nito pero ngayon ay buong building na.

"Wala Miss. Nandyan ba si Brayden Monteverde? I need to talk to him. Please, urgent lang.." I said.

"Sorry Ma'am pero hindi po pwede kapag wala kayong appointment sa kanya. And besides, he's currently busy" sabi ng babaeng officer.

Kumunot ang noo ko. Busy? Gaano siya ka-busy para hindi makaharap ang mga taong kailangan talaga siyang makausap?

"Please, Miss. Kailangan ko talaga siyang makausap eh.." sabi ko naman. God! Pinagtitingin na ako ng ilang staff ng firm. Paano ba naman, ganito pa yung ayos ko. Arg!

"Please din Miss. Hindi din talaga pwede. Magset muna kayo ng appointment." pagtataboy nito saakin.

God! Kaynis naman 'to. Wala ata akong mapapala kapag nakipagtalo pa ako. Nagsimula na akong maglakad papunta sa entrada ng building nang makita ko ang kapaparada na sasakyan sa harap. Niluwa nito ang beking nakasuot ng wayfarers at neon greem na dress. My God! Kung sinuswerte ka nga naman oh!

Napansin niya ako at ibinaba pa ang wayfarers para makita akong mabuti.

"Ma-Marionne??" bulalas niya.

"Yes.. This is so me, Gerlie!" sabi ko din saka tumakbo sakanya at nagyakap kami.

"God! Long time no see girl' huh!" aniya at pinanggigilan ako. Tong baklang to talaga.

Natatawa ako sakanya. "Oo nga girl eh. How are you? Taray ah. Gumanda ka ah!"

"Naku talaga Marionne! Wag mo akong niloloko. Eh ikaw?" tinitigan niya ako. "Parang, humagardo-versosa ka ng very very light lang naman." aniya at humalakhak.

"Ganyan talaga kapag nagka-ana--------." napatigil ako. Gosh! What did I say?

"Ano? Nagka-ana?" aniya at kumunot ang noo.

"Anu ka ba! Wala iyon." sabay tawa ko. "Gerlie, baka naman pwede mo akong tulungan oh." pagbabalewala ko ng usapan.

"Hah? Bakit? Anong problema?" aniya at hinila ako papasok sa firm. "Beth, ako na ang bahala dito..." aniya sa kaninang front officer.

Nilagpasan lang namin iyon at nagtuloy-tuloy sa elevator. Pagkadating namin sa 2nd floor ay pumasok na kami sa isang pinto . Office nya ata un.

"Ngayon, sabihin mo ang problema.." sabi ni Gerlie pagkalapag ng bag niya.

Gerlie's a good friend of mine. And Brayden's his boss. Kaya sa tingin ko'y okay lang kung malaman niya ang sitwasyon ko .

"Huwaaat??" he sounds exaggerately when I said that I had a child with Brayden. "Alam na ba ni Sir 'to? Oh my God tong mga revelations mo girl ha! Naku naman! Dapat niyang malaman 'to!"

Oh kita mo 'to. Konti palang nasasabi ko, natalakan na ako ng sangkaterba.

"Kaya nga ako nandito eh.. To tell him the truth. Alam ko nasaktan ko siya sa paglayo ko.. Pero heto na ko ngayon, all I need is apologize and discuss all matters to me and to his child." sabi ko naman.

He nodded and stare at me. "Pero, mukhang huli kana eh..." aniya

Napaupo ako ng tuwid. Tinignan ko siya. Mukhang hindi naman siya nagbibiro eh.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon