Chapter 30
Possessive
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Babye. See you Rein." ani ko sabay beso kay Reinee. Nakakwentuhan ko na sya about sakanila ni David. Hindi ako masyado makarelate kaya iniintindi ko nalang sya. Hindi ko naman alam ang kwento nila kaya oo nalang ako ng oo sakanya. Sila na daw ni David pero bigla nalang nagbago ito these past few days. Nagkibit-balikat nalang ako.
"Babye. Ingat" sabi naman nya na nakangiti. Nasabi kong may lakad ako kasama si Brayden pero hindi ko sinabing pupuntahan ko sa hospital ang boyfriend ko. Alam nilang may boyfriend ako, pero hindi nila alam ang nangyari saamin. Tanging si Brayden lang ang nakakaalam. Si Tanya ay hindi ko pa nasasabihan.
Umalis na ako sa LA Dept Cafe. Aniya ay magkikita daw sila ni David doon. Naglakad naman ako papunta sa NZ Lieu. Nakapasok na ako roon tsaka ko natanaw si Brayden na nakaupo sa isa sa upuan sa may garden. May baso sa mesa nya. Tila kanina pa sya naghihintay.
"Sorry Bray. Naghintay kaba?" tanong ko sakanya pagkalapit ko.
"Hindi naman masyado. I texted you" malamig nyang sabi.
"Ah. Sorry. Kausap ko kasi sila Reinee kanina eh. Nasa Cafe kami" pagsasaad ko. Sumimangot lang si Brayden. Halatan naghintay talaga sya ng matagal.
"Wag ka na ngang sumimangot dyan hah. Halika na" anyaya ko sakanya at hinila ang braso nya.
Nagpadala lang sya saakin. Naglalakad na kami sa hallway habang hawak braso nya. Tumingin nanaman ang mga tao saaming dalawa. Ang awkward lang na hila-hila ko ngayon si Brayden. NZ's God/King tapos hinihila ko lang. Naramdaman ko ang mga nanlilisik na mata ng mga babae. Inirapan ko lang sila. Narinig ko naman ang halakhak ni Brayden.
Nakarating na kami sa Parking Area ng Allegany. Ipinagbukas nanaman niya ako ng pinto.
"Saan bang hospital, Marionne?" mariing tanong ni Brayden.
"Sa Gross Hospital daw." sabi ko. Nagtext ako kay Karen at himala namang nagreply ito.
"Okay." sagot niya lang.
Nakakabinging katahimikan nanaman ag bumalot saamin. Parang tanga tong si Brayden, hindi kumikibo. Minu-minutong malalalim na pagbuntong hininga lang nya ang naririnig ko. Tumikhim naman ako.
"M-may problema ba Bray??" lakas loob kong tanong. Oo Marionne! May problema! Naghintay lang naman sya sayo at nagtext pero hindi mo napansin! Imbyerna!
Umiling lang sya.
Sumimangot naman ako. "Sorry na. Di ko naman sinasadyang paghintayin ka. Hindi ko talaga napansin ung text mo. Uy! Pansinin muna ko" paglalambing ng boses ko. Eto kasing si Brayden, arte-arte. -_-
Nakita kong ngumiti sya. Ngunit nilihis nya ang ulo sa kaliwang bintana. I saw him smiled! Ang cute talaga.
"Uy! Ngumiti sya!" pangungulit ko. Kiniliti ko pa sya.
"Arg! Stop it Marionne." Nakita kong medyo pinaei nya ang ngiti at kunot-noong bumaling sakin. "Tsss.." aniya tsaka di na napigilang ngumiti.
Tumawa lang ako. "Ayan! Ngumiti kana! Mas lalo kang nagiging cute eh. Uhmmmmm!" sabay pisil ko ng pisngi nya. Sa paghawak kong iyon ay may kung anong naghuramentado sa sistema ko. Ako naman ngayon ang natameme. Ibinaling ko na ang tingin sa daan. Narinig ko ang mumunting tawa ni Brayden.
"That's my charm, Marionne." bulong bulong nya na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Lechugas naman oh! Agad nanamang nag-init ang pisngi ko. I can't explain why Brayden had that effect on me! Arg!
☆☆
Tahimik lang kami sa daan. Nagpark na si Brayden sa parking lot ng Gross Hospital. Sabay kaming pumasok roon at nagtanong sa duty na nurse.
"Miss. Saan ang roon ni Kevin Abalos?" tanong ko rito.
Saglit pa syang tumingin sa records bago sumulyap sakin.
"Ahmm. Kaanu-ano nyo po sya Ma'am?" mariing tanong nya habang nakatingin parin sa records.
"Ahh ..Eh.." naautal kong sabi. Hindi ko alam ang sasabihin. Sasabihin ko bang boyfriend ko sya? Nandyan si Lyra, alangan namang may asawa si Kevin at the same time may girlfriend. Tsss. How rude am I. Rude nga ba? Kasalanan naman ito ni Kevin eh. Niloko nya ako.
"Ahmmm. We're his friends, Miss" biglaang sabat ni Brayden. Napanganga ni Brayden ang nurse nang magbaling ito sakanya ng tingin. Na-starstruck siguro sa kagwapuhan nya.Arg! Napatango nalang ang babaeng nurse.
"Ahmm. Gwapo, este Sir..... Sa ano po sya, sa room....." nagpapacute pa ito sa kanya. Umirap naman ako sa kawalan.
"Miss, pwede bang pakisabi na agad yung room? Nagmamadali kasi kami eh" pagtataray ko. Naku! Basta talaga gwapo eh! Girl thing. Di na maaalis sa mga babarng magpacute pag nakipag-usap sa lalaking gwapo.
Saglit na nagbalik sa ulirat iyong nurse. "Ahmm. Sa room 3B1 po. Left side ng elevator, 3rd floor" maagap na sagot nya sakin.
Agad kong hinila si Brayden matapos malaman kung nasaan si Kevin. Naiimbyerna talaga ko sa mga babaeng ang hilig magpacute. Nakakababa tuloy ng tingin sa babae yung ganun. Tsk!
Men should always do the first move. Hindi iyong manlalandi at magpapacute ka pa para mapansin lang ng mga lalaki. Girls should respect and preserve their pride para irespeto din sila ng mga kalalakihan. Paano kasi sa panahon ngayon, babae na ang nanliligaw. Text, Facebook, Twitter atbp. social media sites ay ang nagiging tulay na sa magkasintahan sa panahon ngayon. Oh diba? Modernized na daw? Tss.
Teka. Masyado naman ata akong over-acting dito. Anu naman kung may magpacute kay Brayden?? Eh ang gwapo naman kasi talaga eh. Makalaglag panty.
Hawak ko parin ang kamay nya pagpasok namin sa elevator. Pinindot ko agad ang number 3.
Tumikhim si Brayden sakin. "Marionne, pwede mo nang bitawan ung kamay ko" sabi nya.
"Ay! Sorry..." namumula nanaman ang mukha ko nito. Nice one talaga Marionne. Ang galing mo talaga eh.
Tumawa lang si Brayden. "Hindi mo naman sinabing gusto mo palang hawakan ako eh. You can tell me naman anytime eh" panunuya nya at sinapak ko na.
"Tumigil ka nga! Pacute ka kasi" sabi ko at umirap para matakpan ang kahihiyan ko.
"Ako nagpapacute? Sila kaya nagpapacute sakin noh." pagmamalaki naman ng mokong.
Ngumisi lang ako. "hangin ah. At ikaw hindi nagpapacute? Kita ko nga. Ang lagkit ng titigan nyo nung nurse eh" ani ko at ibinaling ang atensyon sa paligid.
Humalakhak sya. "Kaya ba hinila moko agad? Bakit nagseselos ka?" natatawa nyang tanong.
Leche talaga! Tatamaan talaga to sakin eh. "Nagseselos ka dyan! Anu naman kayang ikakaselos ko"
Tawa ulit sya ng tawa. "You're being too possessive, Sweetie" aniya na nakapagpalocked ng jaw ko sa pag-nganga.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤