Chapter 12
Jarred's condo
••••••••••••••••••••••••••••••
Kinaumagahan ay nagising ako sa tawag ni Tanya sa phone ko. Tamad pa kong abutin yon.
"Hello" sabi ko sabay kusot ng mga mata ko.
Nakabibinging sigaw ang bumungad sakin.
"Oh my God Marionne! Anong oras na! Kanina pa kita tinatawagan!" sigaw ni Tanya. Napatayo ako dahil doon. Dinungaw ko ang alarm clock ko sa mesa at nakitang mag-aalas nuebe na.
"Sorry Tan! Give me 30mins. Hintayin mo nalang ako sa Mall. Peace." ani ko at pinatay ang tawag.
Agad-agad akong naligo at nagbihis. Nakajumping short lang ako at fitted plain gray na top. Nakasuot dn ako ng choker tattoo sa leeg na usong-uso ngayon. Tatlong pares lang ng damit ang dinala ko sa isang hand carry na bag. Okay na siguro iyon. Hindi naman siguro kami aabot ng isang linggo di ba?
Dali-dali akong bumaba at lumabas sa kwarto ko. Walang Kevin na nagpakita sakin sa apartment. Bahala sya basta ang gusto ko lang ay makahinga sa mga shocking revelations na nalaman ko sa kanya. Okay na rin itong pagpunta sa Bohol.
Tinext ko si Tanya na papunta na ako. 45mins sakto nang makarating ako sa Mall. Kunot noo nya kong sinalubong. Malapit nang mag-alas dyes. May kasama syang isang lalaking nakasalamin. Body guard? Really? Si Flint talaga oh.
"Sorry Tan, napasarap tulog ko eh." malambing kong boses.
"Hayy nako. Sya sige na. Tara na! Bibili pa tayo ng mga kailangan natin. Ang tagal mo kasi" reklamo nya lang at inabot ang bag ko saka ibinigay don sa nakasalamin. Umalis na iyong nakasalamin.
Tuloy-tuloy kami sa bilihan ng damit. Nagtungo sya sa bikini section. Namimili sya ng nga two-piece. Iwinagayway nya ang isang highwaist bikini na zebra print. kulay yellow iyon at black.
"Bagay to sayo Marionne" aniya. Lumapit ako sa kanya.
"Nah! Okay na ko sa bikini ko Tan. Wag na." sagot. Syempre nakakahiya naman talaga. Galing pa iyon kay Flint. Parang natatapakan ang ego ko.
"C'mon Marionne. You should dress yourself perfectly. Makakasama natin ung limang pinakamayaman sa Allegany. Eto mamili ka dyan." sabay mwestra sakin ng mga bikini. Umikot sya sa kabilang side para pumili ng net robe.
Sinunod ko nalang sya. Pumili ako ng floral long line bandeauna may low-rise bottom. Hinintay ko lang sya habang namimili sya ng net robe. Tumingin sya sakin at bumaling sa hawak kong bikini.
"Pick one again." utos nya at bumaling ulit sa pagpili ng net robe.
Sinunod ko nalang sya at kinuha yong yellow and black highwaist bikini na pinili nya kanina.
Nagbayad na kami sa counter. Ni-swipe lang nya ang gold na credit card ni Flint. Ang gara naman nitong si Tanya. Buti pa sya. Hayyy
Matapos noon ay sa mga toiletries at shower products kami pumunta. Bumili sya ng mga sunblock at lotions. Pati liners at girl things so you know.
"Ano pang kailangan mo?" tanong nya sakin.
Umiing ako. "Okay na ako Tanya. Nakakahiya naman kay Flint eh."
"Ano ka ba! Sya nga nagsabi saking ipagshopping rin kita eh. Oh, sunnies! We will need it." aniya at tumakbo pa sa malapit na ray-ban store.
"Aviators? Or wayfarers?" tanong nya sakin.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤