A/n: Minna-san, I am back. It's been a long time.
Morgan's Pov
I was silently reading my book nang biglang lumitaw si Piper sa harapan ko. May dala itong itim na supot. He was smiling from ear to ear. Parang sobrang proud ito sa kanyang sarili. Simula kasi noong pagbigyan ko ito nang date ay mas lalo pang kumapal ang mukha nito.
He became open at sobrang nakakairita siya dahil kahit saan at sinong makita niyang nakatingin sa amin. Palagi niyang sinisigaw na siya lang ang may karapatang manligaw sa akin. Akala niya talaga magpapaligaw ako ng basta-basta.
Tss.
"Ano na naman ba 'yan, Pipe?" tanong ko at sinarado ang munting libro. Break namin ngayon at naisipan kong tumambay rito sa may rooftop kung saan ako unang dinala ni Piper.
Tahimik kasi rito at presko ang hangin kaya kaagad kong nagustuhan ang lugar.
"Pagkain."
"Kumain na ako."
"Pero iba naman 'to ngayon." aniya habang inilalabas isa-isa ang kanyang pinamili.
Chucky, pocky, cup of ramens, piatos, nova, two packs of marshmallow, yakult, white chocolates, etc. Daming junk food. Napailing na lamang ako at kinuha ang box ng pocky at chucky.
"Thanks." bulong ko.
"No worries." aniya.
Pinagsaluhan namin ang pinamili niya pero halos siya naman talaga ang kumain lahat. Ang natira na lamang ay ang dalawang ramen na sinabi niyang kakainin namin sa susunod na dalaw niya sa manor.
"You can't."
"Bakit naman? Kilala naman na ako ng pamilya mo?"
"I said you can't go back to the manor." matigas kong wika na kinatahimik naman niya.
Hindi ba siya natakot kay Grim man lang? This guy is getting weirder and weirder. Biglang tumunog ang warning bell kaya kaagad kaming bumaba ng hagdanan. On our way back, may nakabangga si Piper. Isang nerdy guy.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo."
Napataas ang kilay ko. Aba ang sungit ng Piper na 'to ah? Pinitik ko ang likod ng ulo nito.
"That hurts, prinsesa." reklamo niya.
Tinignan ko lang ito ng blanko. "Say sorry to him." utos ko sa malamig na boses.
"A-ah hindi, okay lang ako. Kasalanan ko ang nangyari." utal-utal na aniya ng nerd habang dali-daling isinuot ang nahulog na makapal na salamin.
Tinignan ko lamang ito ng blanko.
"Tss."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nasusuka talaga ako sa ganung mga klaseng tao. Masyadong mapagkunwari. Kahit na nasaktan na sila sinasabi parin nilang hindi. Para ano?
Excuse of all those pathetic weaklings.
Kaya ayoko sa mga ganitong normal na tao. Masyado silang kampante at masyadong mahina.
"Sorry," bulong agad ni Piper nang makaupo kami.
Hindi ko ito pinansin at kinuha ang notebook sa loob ng bag. Hindi pa tapos ang homework ko kagabi dahil hindi ako makapag-focus ng maayos. Maraming bumabagabag sa akin.
Sa sitwasyon ni Grim at sa lalaking weirdo na 'to.
Napabuntong hininga ako habang sinasagutan ang mga tanong.
Sana ganito lang kadali ang buhay. Isang sagot isang tanong.
"Good morning, class."
Napatayo ang lahat nang pumasok ang adviser namin. She' s a middle aged woman. I bet she's on her 30's. Kakabalik lang nito galing sa isang seminar na ginanap sa ibang bansa.
"First submit your homework silently in front of you. Miss Dina will check it for me since she's the one who gave it to you." panimulang wika nang maupo ang klase.
Inabot ko ang limang notebook at idinulog kasama ang akin sa harapan ko. Nakangiting tinanggap naman ito ni Rica. Napapansin ko ito na pasulyap-sulyap kay Piper noon. Mukhang may nadali pa ngang isa.
Napatingin ako sa katabi ko na mukhang tanga na nagmamadaling sagutan ang notebook niya.
"Bilisan mo, Piper. Baka hindi na tanggapin ang atin." bulong ni Karen sa likuran nito.
"Sandali. Malapit na."
"Silence!" sigaw ni Mrs. Paraluman. "Are all the assignments here?" tanong nito habang palinga-linga.
Piper accepted the notebooks from Karen at pinasa ito kaagad sa harapan. Napabuga agad ito nang malalim na hininga at napasandal.
"Alright. We're not resuming the class for now since marami pa akong reports na tatapusin. I would like to inform everyone na meron kayong bagong kaklase. He's from Japan."
Marami agad ang bulong-bulungan sa paligid. Parang mga bubuyog na nakawala sa hawla.
"Maaari ka ng pumasok, Mr. Minato."
Dahan-dahan namang pumasok ang baguhan na tila nahihiya pa. Kapit-kapit ang strap ng kanyang itim na backpack. Tumingin ito sa lahat.
Makapal na lente ng salamin. Messy innocent hair.
"Hi," panimula niya. "I am Ruin Minato. An exchange student from N University. Please take care of me." utal-utal na pagpapakilala sabay yumuko ito.
"Siya 'yong kanina, prinsesa."
"Oh."
Nagtagpo ang paningin namin at nakita ko sa likod ng salamin nito ang isang kakaibang emosyon.
Ruin, eh?
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...