Vol. 1 Chap. 17: Student Council

418 30 4
                                    

Charlie's Pov

Nagmamadali akong pumasok sa papaalis na train. Shit. Ba't kasi hindi ako ginising ng magaling kong alarm clock? Kung kailan naman isinet ko ito para mag-ingay hindi ako nagising. Napailing na lang ako. Inayos ko ang sling bag ko at napatingin sa paligid. Siksikan ngayon dahil rush hour narin.

Napatigil ang tingin ko sa may kabilang pintuan ng train. Nakatayo roon ang isang babae. Taga-Primus din siya katulad ko. Mukhang ito na 'yung kinikwento ni Tel sa aking baguhan.

Napasingkit ang mga mata kong mga singkit na ng mapansin kong may hindi magandang balak ang matabang matandang katabi nito sa kanya. Biglang nag-init ang ulo ko at nakipagsiksikan sa mga tao hanggang sa mapalapit ako sa pwesto nila. Pero mukhang nahuli ako dahil dumapo na talaga sa hita niya ang kamay ng matanda.

Kaagad kong hinawakan ang matanda at buong lakas na tinabig ang kamay nito. Isa ito sa mga pinakakinaayawan ko sa lahat. This old man is the worst kind of scum!
Mawala na sana ang mga katulad niya sa mundong ibabaw.

**

Tahimik lamang akong nakasunod sa babae simula noong makababa kami ng train. Kahit ni isang tingin ay hindi ako pinaunlakan nito. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa loob ng school grounds gamit ang second gate.

"Um.."

Pagsisimula ko ngunit bigla yatang umatras ang dila ko ng sa wakas ay tumingin ito sa akin.

"May kailangan ka ba?" tanong nito.

Napakamot bigla ako ng batok. Ibang klase. Hindi man lang ba siya magpapasalamat sa ginawa ko sa kanya kanina?

"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong ko.

Humarap ito ng tuluyan sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Wow. Nakakailang naman 'to. Bigla tuloy akong na-concious sa titig niya.

"Morgan. Morgan Diaz."

**

Napabuntong-hininga ulit ko. Pang-sampung beses ko na yata 'to ngayong araw.

"Hey Charlie. Okay ka lang?" tanong ni Tel na kakapasok lang sa loob ng council room. May bitbit itong mga papel.

Napatango ako. "Oo. May iniisip lang." sagot ko.

Inilapag nito ang mga papel saka tumingin sa akin ng seryoso.

"Huwag mong sabihin na may nagugustuhan ka na?" malisyang pakli nito sabay upo sa kanyang upuan.

Tuwing martes kasi may general meeting kaming taga-council. Hinihintay pa namin ang ibang myembro. Natuon din kasi na ngayon ang huling pasahan ng bawat clubs. Hindi naman mandatory ang pagsali pero hinihikayat talaga namin na sumali sila para narin may ganap ang social life nila. Para rin sa kanila ang ginagawa namin. Hindi lang puro academic.

"Hindi no. Last term ko na ngayon. Wala akong panahon magkaroon ng girlfriend." flat na sagot ko rito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sumagi sa isip ko si Morgan. Teka?

Ano 'yun?

"Wala daw. Pero sobrang pula mo President. Hahaha." pangangantyaw nito.

-

Morgan's Pov

"Psst."

Pangungulit ni Piper sa tabi ko. Breaktime na namin at kasalukuyan akong kumakain.

"Ano ba Piper?" iritang tanong ko sa kanya.

Hindi ako makapagconcentrate sa pagkain dahil sa kanya. Bakit ba kasi hindi pa siya sumama dun sa kaibigan niya kanina? Tsk.

"Wala ka ba talagang club na sasalihan? Gusto mo sumali sa archery? Nagparegister na ako doon." sabi nito at kumain narin sa kanyang bun.

Anong paki ko? Kahit na mahilig ako sa archery ay hindi parin ako sasali sa kahit na anong club. Even archery. Ayokong madagdagan ang oras ko na makasama ang mga 'to. Mas nanaisin ko pang umuwi ng maaga at magmukmok sa silid ko.

"Good morning, everyone."

Napatingin kami sa baba ng may pumasok na dalawang tao. Isang babae at isang lalaki na nakasalamin.

"Pwede bang mahiram saglit ang oras niyo? We are from the Student council, sa mga hindi pa nakakilala sa amin. Ako nga pala si Gretel Santos. At kasama ko ngayon ang presidente ng council, si Charlie Tan." pagpapakilala ng babae.

Pamilyar sa akin ang dalawa. Sa unang araw ko dito sa Primus, nakita ang maliit na babae at ngayong araw lang din nakasalamuha ko ang presidente pala ng council. Ang nagligtas sa akin kuno mula doon sa manyakis.

Nice.

Mukhang lapitin ako ng mga taga-student council.
Napataas ang kilay ko ng mapatangin sa gawi ko ang dalawa. Nginitian ako ng malapad nung Gretel habang kumakaway at pinamulahan naman ng pisngi 'yung Charlie pagkakita sa akin. Tsk.

"Kilala mo ba ang dalawang 'yun?" nakakunot na tanong ni Piper.

"Hindi." tipid kong sagot rito.

"Tsk."

Napatingin ako rito. Ano bang problema ng isang 'to? Mukhang naging bad mood yata. Bahala nga siya.

Weirdo.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon