Morgan's Pov
Nakakuyom ang mga palad ko nang hindi natuloy ang pag-uusap namin ni Wild kanina dahil kay Piper. Bigla na lang kasi itong dumating at hindi na ako nilubayan pa buong maghapon.
Tss. Nakakainis narin ang isang 'yun. Ang lakas na ng loob kulitin ako. Pasalamat siya at hindi ko siya kayang saktan.
Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Nakikita ko ang bus stop na hihintuan ko. Pinagmasdan ko ang ilang mga pasahero sa loob ng bus. Nasa pinakadulo kasi ako ng bus. Kita mula sa kinauupuan ko ang lahat ng nasa unahan ko.
May isang matanda sa unang linya ng upuan kasunod ng bus driver. Sa likod naman nito ay isang binata na nakikinig ng tugtugin sa kanyang malaking headphone. Sa kanang bahagi naman ay magkasintahan na kanina pa naglalandian. Dalawang upuan pa at may isang babae na kanina pa nakatitig sa magkasintahan.
Napaka-weird ng aura ng isang 'to. Nakangisi ito habang nakatingin sa magkasintahan na tila ba may ibang hindi magandang iniisip. Mukha namang walang clue ang dalawa. Tuloy lang sila sa paglalampungan sa harapan. Wala bang sense of danger ang dalawang 'to?
Now that's something. Schoolmates pa talaga ko ang dalawang 'to.
"Nandito na tayo sa tatlong babaan. Bumaba na ang dapat bumaba." Ani ng matandang bus driver.
Tumayo ang babae saka ang boyfriend nito. Napansin kong wala sa ayos ang uniporme ng babae. Bukas ang tatlong butones nito. Namumula rin ang kanyang pisngi na tila ba high ito.
"Ano ba James. Tama na. Nandito na tayo, oh?" bulong ng babae sa boyfriend nitong abot tenga ang ngiti.
"Okay, babe. Let's make out, later." Ani nito.
Napasimangot ako nang makababa na sila ng bus. Nabaling ang tingin ko sa weirdong babae. Sumisipol ito habang bumaba narin ng bus. Nakataas-kilay ko lang itong hinatid ng tingin. Muling nabuhay ang makina ng bus at nilingon ko na lamang sila.
Namilog ang mata ko nang biglang may kinuha ang weirdong babae sa kanyang hita. Hindi ako pwedeng magkamali. Isa itong maliit na combat knife. Muli akong napatingin sa harapan.
Komportable lamang sila sa kanilang upuan. Ako lang ba ang nakapansin sa tatlo? Muli akong lumingon ngunit wala na ang tatlo. Malayo-layo na rin kasi ang bus sa pinaghintuan nitong bus stop. May isang bus stop pa bago ang akin.
Paano kung tama ang hinala ko? Tss. Ayokong makakita ng ganitong balita kinaumagahan.
"Manong, para po." sigaw ko at biglang napatingin ang lalaki sa akin ng akma rin nitong tinanggal ang suot nitong headphone.
"Huh? Malayo na tayo sa bus stop eneng. Okay lang ba? Nakatulog ka ba kanina?" Tanong nito at iginilid ang bus at tuluyang huminto.
Nakatingin lang ito sa akin sa kanyang malaking rearview mirror.
"Okay lang po, mister. Dito na lang ako."
"Wala ka ng bakanteng bus na masasakyan eneng."
"Alam ko po. Okay lang po," tumango ako at tumayo na. "Sige po. Salamat mister."
"Sige eneng. Sinabihan na kita." Aniya at isinarado ang pintuan.
Napabuntong-hininga ako. At binalingan ng tingin ang madilim na daan. Anong gagawin mo Morgan? Seryoso ka ba talaga?
Tss.
I really hate normal humans. They're too oblivious and dumb. Just once, I'll save that two poor soul.

BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...