"Pasensya na anak pero kailangan ko 'tong gawin. Sana pagdating ng araw maintindihan mo ako. Hindi ko gustong abandunahin ka sa lugar na 'to. Ipinapangako ko sa'yo anak. Magkikita ulit tayo. Babalikan kita." ani ng isang ginang habang umiiyak.
Maririnig ang isang iyak ng batang sanggol sa kalagitnaan ng gabi. Kasunod ng mga pagaspas ng mga pakpak ng nagambalang mga ibon na pilit nag-uunahan sa paglipad makalayo lamang sa lugar na 'yun.
"Hmm. Ano ito? Mukhang may naliligaw sa bakuran ko." nakangising sambit ng isang binibini at nilapitan ang basket na may lamang sanggol.
Kinuha nito ang sanggol at kinarga ito sa kanyang bisig. Humarap ang binibini sa kasamang batang babae na na sa edad-lima. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanila.
"Ano sa tingin mo ang gagawin natin, Morgan?" malambing na tanong ng binibini.
Pinagmasdan naman ni Morgan ang batang sanggol na kalong ng binibini. Umiiyak parin ito. Agad tinakpan ni Morgan ang kanyang dalawang tenga sabay tumungo. Tumawa ng mahina ang binibini dahil rito.
"Sa tingin ko alam ko na ang gusto mo Morgan. Hindi mo gusto ang batang 'to, ganun ba 'yun?" tanong ng binibini.
Tila napaisip naman si Morgan. "Mahina siya. Ayoko sa mga mahihinang tao." malamig na sabi ng bata.
Napangiti ang binibini at ipinatong ang kamay nito sa ulo ni Morgan. "Hindi siya mahina Morgan. Tignan mo siya."
Tinignan naman ni Morgan ang munting sanggol. Tumigil na ito sa kakaiyak. Tumingin ito ng nagtataka sa kanya. "Anong nakikita mo?" tanong ng binibini.
"Buhay." maliit na sagot naman ni Morgan.
"Tama. May buhay pa ang batang 'to kaya hindi siya mahina. Hangga't nabubuhay ka, matapang ka. Pero sa kaso ng batang 'to kailangan niya ng masasandalan at tayo 'yun Morgan."
Tila nakuha naman ni Morgan ang sinabi ng binibini at tumango. "Ngayon anong gusto mong mangyari Morgan?" balik-tanong ng binibini sa tanong nito kanina.
"Gusto ko siyang maging kapatid dahil matapang siya, mama." wika nito na ngayon ay nakangiti na.
Napangisi naman ang binibini. "Naiintindihan ko. Ngayon parte na siya ng pamilya Montgomery."
[ Reminder! ]
THIS IS A RAW STORY. You may encounter lots of typo, wrong usage of 'ng' and 'nang'/ 'yon and' yun, grammatical error, too much spacing, etc. If you know what it means, then go ahead and enjoy the rocky road way of reading.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...