Vol. 3 Chap. 59: Death Kiss

178 8 3
                                    

Ruin's Pov

Nakatingin ako sa kakambal kong naghihingalo habang inaabot ang kanyang kamay sa akin. Umupo ako at pinagmasdan ito.

"M-my dear, R-Ruin," aniya at pilit gumagapang sa akin. Inabot ko ang kamay ko at biglang tumulo ang mga luha sa blanko kong mukha. "H-help me."

"Sssssh." pagpapatahan ko.

Umubo ito ng dugo at pumuslit sa malaking hiwa sa kanyang leeg ang ibang mainit na dugo nito. Hinawakan ko ang sarili kong leeg, nakaramdam rin ako kanina ng masakit sa leeg ko- ito pala ang dahilan. Paano naging ganito ang kalagayan ng kakambal ko? She's strong. Siya lamang ang kilala kong malakas at matapang na babae kaya humahanga ako sa kanya ng labis-labis. Pero, paano siya nahantong sa ganitong sitwasyon? Nakakaawa. Nakikipaglaban siya kay kamatayan. Sinong gumawa nito sa kanya?

"Rukia, sino ang may gawa nito sa'yo? Sabihin mo sa akin." Sabihin mo sa akin para makita ko siya. Kanina pa lumalakas ang kabog sa dibdib ko. Gusto kong makita ang gumawa nito sa'yo as soon as possible.

Napaangat ito ng paningin. Mas lumapit pa ako at kinandong ito. Hinahaplos ko ng mahina ang mataas na kulay silver na buhok nito. Kagaya ng sa akin. I really love my twin. She's strong, beautiful and fearless. She's my dream girl and she always help me whenever I was in a tight situation. But right now, hindi ko gusto ang nakikita kong imahe ni Rukia. She's so weak and a disgrace to our family. Ganito ba talaga siya noon pa? O baka naman nakatagpo na ng mas malakas na kalaban ang kakambal ko? Biglang nanginig ang kalamnan ko sa excitement na nararamdaman ko. Shit. The thought of the said person got me excited.

"M-Mor.." bulong nito at umubo na naman ng dugo.

"Yes. You're doing fine. Go ahead." malamyos kong ani saka ngumiti sa kanya.

"M-Morgan. M-Morgan. M-Morgan." paulit-ulit niyang bigkas.

Napakunot-noo ako.

"M-Morgan."

"Ssssssh," Niyakap ko ang nagsisimulang nanginig na katawan nito. Siguro biglang sumagi muli ang nangyari sa kanya rito. "It's okay. It's okay. I got you. I'm here. No one can hurt you now, my dear twin."

"R-Ruin,"

"Yes. It's me."

"R-Ruin,"

"Yes. Yes."

"R-Ruin,"

"Yes."

Ngumiti ako habang patuloy na tumutulo ang luha ko at bumabagsak sa duguang mukha ni Rukia. Niyakap ko ito ng mahigpit. Nakakaawang Rukia. Nakakaawa. Bigla siyang nanliit sa yakap ko. Pakiramdam ko kapag nilakasan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya, mababasag siya. Umalis ako sa pagkakayakap at pinagmasdan ang mukha nito. Hinaplos ko ang malamig na pisngi nito saka ngumiti ng mapakla. Nararamdaman ko na.

Nilapit ko ang mukha ko at dumampi ang labi ko sa labi nito. Ipinasok ko ang dila sa loob ng kanyang labi gaya ng palagi naming pinagsasaluhan. I love the kisses then, than now.

Ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa naging minutos.

"Hmmp!" pilit niyang itinutulak ang katawan ko palayo sa kanya pero pinagpapatuloy ko parin ang ginagawa kong paghalik sa kanya."Hmmp!"

Sinusuntok niya ang braso ko pero sobrang mahina. Nakakapanghinayang Rukia. You're so pitiful.

"Hmmp!" isang tunog pa ang ginawa nito at isang palo sa braso ko hanggang sa mawalan na ito ng buhay. Isang madiing halik pa ang ginawa ko saka ako umalis at umagos mula roon ang preskong dugo. Umaagos narin ang ilan sa leeg nito. Ang ilan ay lumalabas sa ilong. Nakadilat ang mga mata nito at may butil-butil na luha ang namumuo sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata. Pinahiran ko ang bibig ko at itiniklop ang mga talukap nito.

Nakakaawang Rukia. Niyakap ko ito ng mahigpit. Sisiguraduhin kong makikita ko si Morgan. Hahanapin ko siya.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon