Morgan's Pov
Pagkatapos ko sa opisina ng dean ay tinahak ko na ang daan papunta sa unang klase ko. Ibinigay niya ang kopya ng schedule ko kanina, pati narin ang rule book ng eskwelahan at isang silver bracelet. Hindi ko alam kung para saan ang bracelet na 'to pero ang sabi lang nito sa akin ay ang lahat ng estudyante ng Primus ay merong ganito. Baka siguro para makilala kaming taga-Primus suot lamang ito. May maliit din itong tatak ng silver crest. Napakibit balikat na lamang ako at isinuot ito ngunit kaagad akong natigilan ng may maliit na boltahe ang umakyat sa kamay ko.
Whoah? Ano 'yun? Tinitigan ko ito ngunit wala namang kakaibang nangyari at sa balat ko. Maayos naman.
"Hi. Okay ka lang? Pansin ko kasing kanina ka pa nakatayo riyan." biglang sulpot ng kung sino sa gilid ko.
Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Hindi siya gaanong katangkaran. Sa tansya ko ay nasa 5'1 lamang ito. May maliit siyang brown na buhok hanggang balikat. At ang liit ng mukha niya. May suot rin siyang silver badge.
"Hey! Nandyan ka pa ba?" biro nito at kinaway-kaway pa ang palad niya sa harap ko.
Napaubo ako. "Anong kailangan mo?" walang emosyon kong tanong at tumayo ng tuwid habang nakatitig sa kanya.
Ngumiti naman ito ng malapad sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa may likuran niya. "Wala. Wala akong kailangan. Baka ikaw? Kanina ko pa kasi ikaw napapansin na nakatayo lang rito. Naliligaw ka ba?" tanong pa nito.
Hindi naman talaga ako naliligaw. Sadyang hindi ko pa alam kung saan ang building para sa kursong kinuha ni mama sa akin. Siguro baka makatulong sa akin ang babaeng 'to kasi nakalagay sa badge niyang suot ay council. Diba ang mga council ay tumutulong sa mga estudyante?
"Ah..." bago pa man ako makapagsalita ay sinapawan na niya ako.
"Sandali." sabi nito habang nakatingin sa malayo. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" sigaw nito sa kung sino at bigla na lang tumakbo roon.
Napalingon ako at sinundan siya ng tingin. May mga ibang estudyante narin ang unti-unting lumalapit roon kaya hindi ko masyadong makita kung anong nangyayari.
"May nanghahamon raw kay King."
"Talaga? Ang lakas naman ng loob ng taong 'yun."
"Oo nga. Balita ko baguhan daw ang lalaking 'yun. Tara tignan natin."
Napatingin ako sa dalawang babaeng nag-uusap. Nilampasan ako ng mga 'to habang papunta sa may pinangyarihan ng gulo. Parami ng parami narin ang mga estudyanteng nakikiusyoso kaya minabuti ko na lang na umalis na sa lugar. Hindi ko na kaya ang amoy ng normal na tao. Nasusuka ako. Hahanapin ko na lang mag-isa ang building na 'to. Mukhang busy na ang babaeng 'yun. Kawawa naman siya.
Sa kakalakad ko ay natagpuan ko rin sa wakas ang gusali para sa mga freshmen. Nasa may likod lang ito ng cafeteria A, tatlong gusali mula sa dean office. Ngayon ang hahanapin ko na lang ay ang departamento ng Communication Arts.
Haay. Mas nakakapagod pa 'to kesa sa ensayong pinapagawa ni Cyan sa akin. Bakit ko pa kasing kailangang mag-aral sa eskwelahang 'to? Hindi ko rin talaga maintindihan si mama minsan. Sana naman si Blood rin pinag-aral niya rito para sa ganun may kasama ako.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...