Vol. 3 Chap. 45: Back To Primus

176 21 0
                                    

Piper's Pov

Lumabas ako ng sasakyan at isinarado ito. Napatingin ako kay kuya Mario, personal driver ng pamilya nang lumabas rin ito. Inatasan ito ng matandang hukluban na ihatid-sundo ako sa eskwelahan na parang bata. Tss. Pinagbawalan rin ako nitong gamitin ang big bike ko na ginagamit ko sa tuwing pumapasok ako.

Ngayon hindi ko na ito magagamit pa.

"Susunduin po kita mamaya, young master." magalang na wika nito sabay yuko.

Marami ang napapatingin sa amin pero tinignan ko lang sila ng masama.

"Look at him. Hahaha. Parang bata."

"Yeah. That sucks."

"Young master~. Hahahaha."

Tss. Bwisit.

"Huwag mo na akong susundin mamaya kuya." sabi ko rito.

"Pero--"

"Hindi ako tatakas. Huwag kayong mag-alala. Uuwi agad ako pagkatapos ng klase." blanko kong litanya at naglakad na paalis.

"As you wish, young master."

Wala akong planong tumakas. Susundin ko muna ang nais ng matandang hukluban dahil nakatira ako sa poder nito. Pero sisiguraduhin kong hindi ito magtatagal. Aalis ako at wala na siyang masasabi kung anong gagawin ko sa buhay ko. Sa oras na mangyari 'yun, puputulin ko ang lahat ng ugnayan ko sa kanya at sa miserableng pamilyang ito.

Napangisi ako.

Wala naring magmamana sa illegal na negosyo nito.

Nabigla ako nang may umakbay sa akin.

"Dude, long time no see," bungad ni Jacob. "Where were you? Hindi kita matawagan o text simula noong sinabi mong pupuntahan mo ang prinsesa mo."

Inalis ko ang pagkakaakbay nito.

"Tss. Rude," nakasimangot na ani nito. "So, ano nga? Saan ka ba kasi nanggaling? Panay ang pangungulit ni tito sa akin noong nagdaang-araw. Grabe 'yung pag-aalala niya sa'yo, dude. Kung nakikita mo lang ang mukha ni tito. Kulang na lang ipalabas niya ang secret force niya buti na lang napigilan siya ni daddy. Dude?"

Natigilan ito sa pagsasalita ng hindi ako umimik at blanko lang ang tingin.

"Tss. That was all an act. Hindi ako pinapahalagahan ng matandang hukluban na 'yun." malamig kong tugon.

Napailing ito. "Seryoso ako dude. Maiiyak na 'yung matanda," sabi nito at tinignan ako ng seryoso.

"Whatever."

Napahinto ito sa paglalakad at nakatingin sa hindi kalayuan. Napahinto na rin ako sa paglalakad.

"Huh?"

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon. Totoo ba 'to? Hindi ito panaginip, hindi ba? Totoo siya.

"Prinsesa," bulong ko.

Wild's Pov

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang dalawang myembro ng Montgomery sa parking lot. Napansin kong marami ang nakatingin sa dalawa. Specifically, kay Grim, ang panganay ng Montgomery.

"Welcome back, Morgan." bulong ko at napangiti. Sa wakas, hindi na magiging black and white ang boring na lugar na ito.

Charlie's Pov

Napabuntong-hininga ako habang naglalakad. Minasahe ko ang sintido ko ng bigla itong kumirot. Nakaka-stress. Sige lang Charlie, malapit ng matapos ang termino mo. Kunting tiis na lang.

Binuksan ko ang pintuan ng council room at agad akong tinalunan ni Gretel ng yakap. Nabitawan ko ang sling bag ko at sinalo ito. Kinabahan ako saglit dun ah? Nasobrahan na naman ba ito ng sugar?

Ibinaba ko ito at pinitik sa noo ng malakas. Napadaing naman ito.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" nakasimangot na tanong ko rito sabay pulot ng sling bag ko.

Napaupo ako sa swivel chair at sinandal saglit ang ulo ko. Nadagdagan kasi ang pananakit nito noong tumama ang ulo ni Tel sa ulo ko nang saluhin ko ito.

Tsk.

Nahihilo na tuloy ako.

"Okay ka lang? Sorry," paghingi ng paumanhin nito. "Gusto mo hilutin ko? Magaling ako. Well 'yun ang sabi ng boyfriend ko." pag-aalangang tanong nito sabay ngiti.

Napailing nalang ako.

"Hindi. Okay lang," litanya ko. "Ano ba kasi ang nangyari at bakit parang nasobrahan ka ng sugar intake?" curios na tanong ko.

Bigla naman itong napangiti na parang aso na tila ba may nakakatuwang naalala.

"Eh kasi bumalik na siya." panimulang sabi nito habang kinikilig.

Okay? Isusumbong ko na ba 'to sa bestfriend ko? May kabit ba ang isang 'to?

"Sino?"

"Si crush mo." diretsong sagot nito na ikinapula ng buong mukha ko.

"A-anong pinagsasabi mo dyan. Wala akong crush. Tss."

Tumatawa ito habang pinalo ako ng malakas sa braso. Tss. Napaka-amazona talaga ng isang 'to.

"Sus. Deny pa more, president. Halata namang namimiss mo si Morgan."

Napaubo ako at binaling ang tingin sa iba. So, bumalik na pala siya. Hinarang ko ang kamay ko sa baba ko nang may sumibol na munting ngiti rito.

Gusto ko siyang makita kahit sa malayo.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon