Vol. 2 Chap. 28: Revlis

282 23 0
                                    

< A/n: Hello. It's me, Rich Gusto ko lang malaman niyo na magsisimula na right about now ang second volume ng Project Silver. Thank you for reading. >

----

Third Person's Pov

Sa likod ng mga makakapal na ulap ay may nakatagong isla na hindi alam ng mga tao sa kabilang bayan, ito ang Revlis.

Ang islang ito ay pagmamay-ari ng isang tao na hindi nagpapakita ni anino sa mga katulong nito at sa mga kasamahan sa kompanya. Ang tanging alam lang nila ay ang kanyang pangalan.

Mr. Law Brown, o mas kilala sa bansag na 'Phantom Lord'. Katulad ng isang phantom ay sobrang hirap ring makita o magisnan man lamang si Mr. Brown. Pero kahit ganito ay marami parin ang naniniwala sa kakayahan nito na patakbuhin ang isla at ang kompanya na marami na ring na tulungan na mga kababayan.

*

"Malalim yata ang iniisip natin ah, Chaise?" tanong ng isang lalaki na kakapasok lamang sa loob ng isang opisina at kumuha ito ng isang pirasong mansanas sa lamesa saka pabagsak na umupo sa naghihintay na malambot na sofa.

Tila ba bumalik sa realidad ang naturang lalaki at napatingin sa kaibigan na kasalukuyang ngumangatngat ng mapulang mansanas.

Napasimangot ito. "Anong ginagawa mo dito, Gio?"

"No reason at all. Gusto lang kitang mayaya maghapunan. Masyado ka na kasing babad sa pagtatrabaho," sabi nito at tinignan ng may pagbibirong ngisi si Chaise. "Kaya ka siguro hindi nagkakaroon ng girlfriend sa edad mong yan." dagdag pa nito.

"I'm not that old, Gio." depensa nito.

"Well, you're turning 28. What? Ngayong taon?"

Napatayo ito at tinignan ng masama ang kaibigan. "Mas matanda ka parin sa akin Gi. Tsk. Let's go. Nagugutom narin ako." saka kinuha ang coat na nakasabit sa swivel chair na inuupuan nito kanina.

Napatayo rin si Gio at nakangiti ng malapad.

"Okay. Libre mo huh?"

Napailing na lamang si Chaise at binuksan ang pintuan saka lumabas ng kanyang opisina. Ano pa bang bago? Dumadalaw lang naman ito para magpalibre sa kanya. Kawawa lang ang kapatid nito.

-

Piper's Pov

It's been a month simula ng huli kong makita at makausap si Morgan. And these past few days nangangati na akong makita ulit siya.

Alam kong sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyari sa akin nung araw na yun. Pero hindi ko kailanman sinisisi si Morgan sa nagawa nito. Actually, hindi ko lubos akalain na magagawa yun ni Mor sa akin. She's not herself that time.

Alam kong hindi ang Morgan na nakikilala ko ang taong gumulpi sa akin. Oo, katawan yun ni Mor pero parang may kakaiba sa kilos at pananalita nito at ang kulay ng mga mata nito ay sobrang kakaiba rin sa normal na kulay ng mga mata ni Mor.

Isa sa mga rason kung bakit gustong-gusto kong makita at makausap si prinsesa.

Alam kong nagiging pakialamero na ako sa lagay na to pero marami ang tumatakbong mga katanungan sa utak ko ngayon. Ano ba talaga yung nangyari? Bakit naging ibang tao si Mor nung araw na yun? May nasabi o nagawa ba akong mali na ikinagalit nito ng labis?

O di naman kaya, bakit kulay Silver ang mga mata nito?

Sino ba talaga si Morgan Diaz?

Ang silver eyes nito ay nakakatakot pero fortunately, hindi ako nakaramdam ng takot nung makita ko ito. I was beyond amazed.

Napakaganda nito in its own way.

Bigla akong napangisi dahil sa aking naisip. Ang prinsesa ko ay isa talagang special na tao.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon