Morgan's Pov
"Here, uminom ka muna ng tubig." sabi ko at inilapag ang baso sa mesa.
Umupo ako sa kabilang sofa at tinitigan si Piper. Kanina pa ito nakayuko at ayaw akong harapin. Simula ng ilabas ko ito sa basement. Nang hawakan ko ang mga kamay nito ay sobrang lamig at nanginginig pa ang mga 'yun.
Napabuntong-hininga ako.
"Piper," mahinahon kong tawag rito. Dahan-dahan naman itong nag-angat ng ulo at tumingin sa akin. Napahugot ako ng hininga ng may pasa ang mukha nito. Anong ginawa mo, Grim? "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka napadpad sa lugar na 'to?" tanong ko bago pa mawala ang konsentrasyon ko.
Bakit mo nagawang saktan si Piper, Grim?
Napakuyom ako ng palad.
"G-gusto k-kitang makita, Mor," sagot nito sa paos na boses. "Gusto kitang makita."
Napailing ako. Sa kadahilanang gusto niya akong makita ay dinanas niya ito? Ibang klase.
"Inumin mo muna ang tubig na hinanda ko," utos ko rito. "Saka tayo mag-uusap. Dumito ka muna sa kwartong ito. Ipapasunod ko na lamang ang pagkain. Mukhang walang balak si Grim na pakainin ka. Magpahinga ka muna. Huwag kang mag-aalala. May aasikasuhin lang ako. Babalik ako agad."
"Pero.."
"Magpahinga ka, Pipe. Please." matigas kong pahayag sa kanya. Napaupo naman ito ulit at tumango.
Kaagad akong lumabas ng kwarto at tinungo ang pang-apat na palapag kung saan naroon ang kwarto ng panganay sa pamilya. Napatitig ako sa pintuan nito. Ngayon lang ulit ako nadalaw sa kwarto nito. Kahit noon pa man, iniiwasan kong madako sa parte ng manor na ito.
Kung sa tingin niyo ay istrikto na si Cy, mas malala pa si Grim sa kanya. Siya rin ang dahilan sa mga pasa at sakit sa katawan ko noong nag-eensayo pa ako. He's too cold and merciless. Lalong-lalo na sa mga taong nagtatangka sa pamilya Montgomery.
He will kill without hesitation. Ganung klaseng tao si Grim.
Humugot ako ng hininga bago kumatok ng tatlong beses at hinintay ang pagbukas nito.
"Oh? Morgan. Anong ginagawa mo rito?" tanong agad nito. "It's been a long time. Buti at naisipan mong dalawin ang nakakatandang kapatid mo sa kwarto niya." nakangiting sabi nito.
Hindi na ako nag-atubili pa sa balak ko. Sinampal ko ito sa kaliwang pisngi niya ng sobrang lakas. Nagulat ito at napahawak sa kanyang pisngi sabay tingin sa akin ng masama.
Kung mga bata pa siguro kami, I will run away at magtatago sa tuwing magagalit ito. Pero ngayon, hindi na ako tatakbo at matatakot kay Grim.
Sinaktan niya ang kaibigan ko. Hindi ko ito basta na lang palalagpasin.
"You dared lay your hands to my friend," malamig kong pahayag. "Ano bang ginawa niya at kinulong mo siya sa malamig na lugar na yun?" tanong ko.
Pinunasan nito ang dugong tumulo sa gilid ng labi niya. Ngumisi ito at inangat ang kanyang kabilang kamay. Kaagad naman akong napaatras ngunit hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Inaabangan ang susunod niyang gagawin. Imbes na sampalin ako nito pabalik, gaya ng inaakala kong gagawin nito, ay ginulo lamang nito ang buhok ko.
Nagtataka akong napatingin rito.
"I'm sorry, Morgan. Nagawa ko lamang yun dahil ayokong malagay sa kapahamakan ang pamilya natin." sabi nito sa malamyos na boses.
Bigla na lamang uminit ang mukha ko at napa-ubo. Bigla akong dinalaw ng hiya sa ginawa kong pagsampal sa kanya. Alam ko namang kapakanan lang ng pamilya ang inaalala ni Grim pero hindi ko parin mapigilang magalit sa ginawa nito. Masyado siyang nagpapadalos sa mga desisyon niya.
"I know," mahina kong sambit. "Alam ko namang kapakanan lang ng pamilya ang iniisip mo. Pasensya na sa ginawa ko sa'yo pero hindi ako mag-aatubiling gawin ulit ang ginawa ko dahil sinaktan mo ang kaibigan ko." matatag kong dagdag.
Ngayon ay napangiti ng sensero si Grim na madalas ko lang masilayan pero mababanaag mo ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
"You are such a good person, Mor. I'm glad you're part of the Montgomery family."
Family, huh?
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...