Vol. 4 Chap. 62: First Love

120 6 0
                                    

Piper's Pov

Nakita ko na naman ang ibang anggulo sa ugali ni prinsesa ko. Kaso nga lang nakakabahala, hindi ako sanay na ganito siya kalalim mag-isip. Tipong hindi na niya napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid niya. Hindi rin niya ako pinapansin o sinasabihan man lang na itigil na ang pagtawag sa kanya ng prinsesa.

Mas gusto ko pa 'yung mataray niyang ugali. Kahit na sinusungitan niya ako atleast dun napapansin niya pa ako at kinakausap.

"Dre, ang lalim ng iniisip natin ah? Bigla na bang nabuhay ang pagiging isang Jimmy Neutron mo?" natatawang pakli ni Jacob na kararating lang dito sa rooftop na ginawa na naming tambayan tuwing recess.

"May iniisip lang." sagot ko at sinalo ang hinagis nitong lata ng sprite.

Sumandal ito sa may tabi ko.

"Inaalila ka na naman ba ni tito?" tanong niya saka tumingin sa akin.

Napailing ako at umupo sa sahig. Ginalaw-galaw ko ang lata ng sprite na nakapatong sa kaliwang tuhod kong nakatupi.

"May bumabagabag lang kasi sa prinsesa ko, dre. Hindi ako sanay na ganoon siya ka-seryoso." mahina kong sambit.

"Whooah. Whooah." manghang aniya saka umupo na parang natatae sa harap ko. "Ito ba 'yung prinsesang nabanggit mo noon? Grabe Pipe. Seryoso ba 'to? Tinamaan ka na ba talaga? Goodbye samahan ng malalamig ang pasko na ba 'to?"

Nakatagpo lamang ang kilay ko habang nakikinig sa mga walang kwentang pinagsasabi nito.

"Tumigil ka nga." sita ko rito at uminom ng sprite.

Bigla tuloy namalat lalamunan ko.

"Pero seryoso nga, are you serious about her?" tanong nito saka umupo narin sa sahig.

Am I serious about Morgan?

Napatingin ako sa langit at tila ba ang mga ulap ay sumasayaw para iukit ang mukha ng babaeng gusto ko. Napangiti ako ng makita ang mukha ni prinsesa sa langit. Ganito na ba kalalim ang nararamdaman ko para kay Morgan? Kahit saan kasi ako magpunta, nakikita ko ang mukha niya sa ibang tao.

Mukha niyang pokerface.

Mukha niyang nabobored.

Mukha niyang mataray.

Mukha niyang natatawa sa korni kong jokes.

Mukhang niyang malumanay.

Pati nga mukha niyang napupuno ng luha ay nakikita ko, kahit na hindi ko pa naman talaga nakitang umiyak o mag-melt down ito.

Lahat ng mukhang kaya niyang gawin ay gusto ko at iniisip ko pa nga lang napapangiti na ako na parang isang baliw.

"Nahulog ka na nga, dre. Delikado 'yan," aniya Jacob at pinapalo ang balikat ko. "Tara na. Sa tagal mong sumagot tumunog na 'yung bell." Natatawang dagdag niya.

Tinignan ko siyang naglalakad palabas ng rooftop. Mukhang nahulog na nga yata ako. Korni mang sabihin pero wala eh, unang pag-ibig ko si prinsesa at gusto kong siya narin ang huli. Wala kasi siyang katulad sa mga nakilala kong babae.

Tumayo ako at nagpagpag ng pang-upo. Ngunit natigilan sa aking naisip.

"Teka dre," sigaw ko at lumingon naman ito. "Kailangan ko ng tulong mo."

Sumaludo ito sa akin. Muli akong napatingin sa langit at napangiti. Kung para talaga kami sa isa't isa, tadhana na ang bahala sa lahat. Basta ngayon gusto ko lang makasama at maalis saglit sa isipan ni prinsesa ang mga bagay na bumabagabag sa kanya.

Sana lang pumayag siya.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon