Luka's Pov
"Pwede bang manahimik kayo!" sigaw ko sa mga kasamahan ko sa madilim at malamig na lugar na 'to.
Ang iingay nila. Bulong sila ng bulong sa tenga ko. Nakakarindi na ang kanilang mga boses. Pati narin itong si yaya Ina na bitbit pa ang kanyang ulo. Wala na lang ibang bukambibig kundi ang humingi ng tulong. Sino bang aasahan niya sa lugar na 'to? Tsk.
Hindi ko na lang pinansin ang mga 'to at tinungo ang comforter na nakalatag sa may gilid. Dahan-dahan akong umupo rito at humiga. Ipinikit ko ng marahan ang mga mata ko. Makakalabas rin ako sa malamig na lugar na 'to. Hindi ako magagawang tiisin ni ate Morgan. Mapapatawad rin ako ni mama.
"Luka. Bakit mo 'to ginawa sa akin. Ano bang nagawa kong kasalanan?" isang nakakatakot at malamig na boses ang nagsalita. Puno ito ng pagdadalamhati.
Idinilat ko ang aking mga mata at tinitigan ito.
"Tumahimik ka nga yaya! Bagay lang sa'yo 'yan. Isa kang malaking traydor. Ang lahat ng gustong kumalaban sa pamilya ko ay papatayin ko!" malamig na wika ko rito at sa madilim na kwartong 'yun lumiwanag ang mata kong kulay grey.
-
Morgan's Pov
Tahimik lamang akong nakatayo habang pinagmamasdan si Luka na natutulog. Nakakaawa ang kalagayan niya ngayon. Kita ko pa mula rito ang bakas ng luha sa kanyang mga mata. Hindi ko na ito ginising at umalis na sa lugar. Pagkadating na pagkadating ni mama ay kakausapin na namin ito.
Pinuntahan ko agad si Blood sa kanyang silid. Kumatok ako rito ng tatlong beses at kaagad niya naman itong binuksan.
"Hi Morgan. Welcome back." bati nito at tumayo ng tindig.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Hi. Salamat. May ginagawa ka ba?" tanong ko at tumingin sa loob ng kanyang kwarto.
"Wala. Wala naman. Pasok ka." sabi nito at binuksan pa ng malaki ang pintuan.
Tumango ako ng marahan at pumasok sa kanyang kwarto. Kulay maroon ang disensyo ng dingding ni Blood. May mga koleksyon din itong mga baril. Iba't ibang klase ng baril na nakasabit rito. Kung mahilig ako sa pana at katana, si Blood naman ay sa mga baril. Kaya nga si Blood ang kilalang notorious hitman sa underground society. Marami ang umaarkila sa kakayanan niya ngunit hindi naman basta kanino lang ito sumusunod. Bago nila maarkilahan si Blood, sisiguraduhin muna nito na may permisyo galing kay mama saka gagawin ang trabaho.
"Kumusta nga palang school?" tanong nito at umupo sa kanyang kama na kulay maroon rin ang tema.
Hindi naman napaghahalataang mahilig siya sa pangalan niya. Napangisi ako.
"As usual. Wala namang bago." tipid kong sagot rito. Napatango naman ito at napapailing. "Nga pala, tungkol kay Luka." pag-iiba ko ng usapan.
Kaagad namang sumeryoso ang mukha nito. "Hindi na nagiging komportable si Luka doon sa basement. May nakikita na itong hindi natin nakikita. Pati yaya niya kasama niya raw dun." sabi nito.
Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi na nga maganda 'yun. Ayoko namang mabaliw si Luka doon. Kailangan na talaga naming makausap si mama.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Blood ay bumaba na kami para hintayin si mama. Hindi nagtagal ay dumating narin si mama kasama si Grim.
"Welcome back mama and Grim." bati namin sa kanila.
"I'm home Morgan." sabay yakap sa akin ng mahigpit. Niyakap ko rin ito saka bumitaw.
"Blood." sabi nito at niyakap rin si Blood. "Nga pala, nasaan si Cyan?" tanong nito nang hindi niya makita sa paligid si Cy.
"Nagpapahinga na po siya sa kanyang silid mama." sagot ko sa tanong nito.
"Ganun ba? Oh siya, maghahanda na ako ng hapunan natin. Gisingin niyo na lamang si Cyan kapag tapos na ako." sabi nito at tinungo na ang daan papuntang dining hall.
Napatingin ako kay Blood. Anong gagawin namin? Mukhang hindi na niya kinakamusta si Luka.
"Huwag kang mag-alala. Kakausapin natin siya pagkatapos ng hapunan." ani ni Blood at tinapik ang balikat ko saka umakyat ulit ng hagdanan.
"Bakit niyo kakausapin si mama? Tungkol ba ito kay Luka, Morgan?" tanong ni Grim kaya napaangat ako ng tingin rito. Akala ko umalis na ito kanina.
Napabuntong hininga ako saka tumango. Kung kampi namin si Grim ay malaki ang posibilidad na mapapayag namin si mama na alisin na si Luka sa basement. Malaki ang maiibigay nitong tulong sa amin. Alam ko naman na nung una pa ayaw rin ni Grim sa naging pasya ni mama.
Sana lang matulungan niya kaming kumbinsihin si mama.
Sana.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...