Morgan's Pov
Hindi parin ako makapaniwalang may isang taong maglalakas ng loob maipahayag lang ang totoong nararamdaman nito para sa isang katulad kong walang puso. Well, not literally. If you know what I mean. Ang lakas din ng loob ng isang 'yon.
Hindi pa nga umaabot ng isang taon simula nang magkakakilala kami at isama mo pa 'yong panahon na ikinulong siya nina mama at Grim. At nung araw na hanggang ngayon hindi ko parin maalala kung anong nangyari. Isa lang ang sigurado ako, alam kong meron pang ibang tao na nakamasid sa amin noon.
"Nandito na tayo," Pagpapaalam ni Grim at nagtatakang napatitig sa akin, "Okay ka lang ba, Morgan? Parang ang lalim yata ng iniisip mo simula pa kanina. May problema ka ba? May gumugulo ba sa'yo rito sa Primus? Sabihin mo--
Napailing ako agad na may kasamang hand gestures. "No," sagot ko. "I'm alright. You don't need to worry, Grim. Walang nanggugulo sa akin rito. At kung meron man, I can handle myself."
Hindi parin kumbinsido ang mukha nito. Baka nagtataka na ito sa ikinikilos ko simula pa kahapon. Kailangan ko siyang makumbinsi kung ayaw ko ng may nakabantay sa akin 24 hours. Iba pa naman ito kung kumuha ng mga tauhan, masyadong heavily trained at walang awa.
"Okay lang talaga ako, Grim. Huwag kang mag-alala," nakangiti kong sambit. Sana hindi awkward ang labas. Ayokong magmukhang tanga sa harap ng taong 'to. "Sasabihin ko naman sa'yo kung may problema. Sana ganun ka rin, Grim."
Napatitig kami sa isa't isa. Shit. Naisingit ko pa 'yon huh? Ngayon nag-iba na ang pwesto namin. Gusto kong magsabi ka rin ng totoo, Grim.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Lalo tuloy siyang gumagwapo.
"Of course, Morgan. Sasabihin ko rin sa'yo kung may problema. Ganun naman talaga ang isang pamilya, diba?" aniya sa malalim na boses.
Napatango na lamang ako bilang sagot. Inunlock na nito ang pintuan at lalabas na sana ako nang tawagin niya akong muli.
"Morgan," seryosong sambit nito.
"Yes?" Muli akong umupo ng maayos.
"No matter what happens, always remember that I love our family. Lahat ng ginagawa ko para sa kabutihan ng pamilya Montgomery."
Nagtataka man ay sumagot ako.
"I know, Grim. I know. Ikaw ang unang taong magtatanggol sa household kapag may problemang darating. Kahit na hindi mo pinapakita sa amin, alam kong ikaw ang higit na nagmamahal sa pamilya Montgomery. We may not be brothers by blood, but I know very well that we are destined together to form a bond that we call, family," Nakangiti kong wika at napatitig sa kanyang mga mata. Kahit maiksi lang 'yon, nakita ko ng malinaw ang pagguhit ng kalungkutan sa mga mata nito. At sa mga oras na 'yon, alam kong may kinakaharap na malaking gusot si Grim. "Kung kailangan mo ng tulong, lagi mong tatandaan nandito lang kami. Hindi mo kailangang harapin ito ng nag-iisa, Grim."
Unti-unti itong napapatawa at umiiling. Ngayon ko lang naranasang kausapin ng masinsinan ang panganay sa pamilya. Ang sarap pala sa pakiramdam. Para akong nagiging normal na tao. Hindi rin pala ito masama.
"Malaki ka na nga, Morgan," Tanging sagot nito at ginulo ang buhok ko na parang aso. "Oh siya, kailangan mo ng pumasok."
"Okay,"
Isinara ko ng malakas ang pintuan at kumaway rito. Pinaharurot ng mabilis ni Grim ang sasakyan paalis saka ako napabuntong-hininga. Muntik ko ng makalimutan ang kinakaharap ng household.
"Prinsesa," Napalingon ako at nakita si Piper na nakangiti sa hindi kalayuan.
Muntik ko nang makalimutan ang problema ng dahil sa lalaking 'to. Ano ba dapat ang unahin ko? Ang sariling kasiyahan o ang kaligtasan ng pamilya ko?
Kung maibabalik ko lang sana ang kahapon, sana umalis na lang ako ng tuluyan at hindi na ito pinakinggan pa baka sakaling hindi nangyayari ito sa akin ngayon.
Nakikita ko pa lang siya, kumakabog na ang dibdib ko.
"Piper Morris," bulong ko.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...