Vol. 3 Chap. 44: Grim

173 20 0
                                    

Morgan's Pov

Isang linggo ko ng pinagmamasdan si Blood ngunit ganun parin naman ang ikinikilos nito. Gaya ng dati. Maliban na lang kahapon. Hindi ko sadyang marinig ang pag-uusap nila ng pribado ni Grim sa kwarto nito.

Napasandal ako sa dingding nang marinig ko ang boses ni Grim at Blood. Sa tono ng boses ni Blood. Alam kong seryoso ang pinag-uusapan nila at hindi ko dapat ginagawa ang mag-eavesdrop. Pero kahit ganun, may nag-uudyok sa akin na pakinggan ang dalawa. Pakiramdam ko kasi masasagot nito ang katanungan na gumugulo sa isip ko.

"Pero kapatid ko siya." madiin na wika ni Blood.

Kapatid?

"Hindi mo siya kapatid, Blood. Kami ang pamilya mo. Kami lang." diin ring sabi ni Grim sa malamig na boses.

Ano bang pinag-uusapan nila? Huwag mong sabihin na tungkol ito sa dating pamilya ni Blood? Bakit? Nakita niya na ba ang kanyang pamilya?

"No. He's still my little brother, Grim. Ayokong tanggapin ang misyon na 'to." nanghihinang pahayag na sabi Blood.

Napasinghap ako at sumilip pa sa nakaawang na pinto. Nakita ko ang lugmok na mukha ni Blood. Nakakuyom ito ng kamao at pumatak ang dugo roon.

Anong nangyayari?

Mas lumapit pa si Grim sa kanya. Hindi ko kita ang mukha ni Grim dahil nakatalikod ito sa akin pero sa ipinapakitang mukha ni Blood. Isa lang ang alam ko, hindi ito maganda. Kitang-kita ang takot sa mga mata ni Blood. Hindi lang ako ang takot kay Grim pati rin si Blood.

Hinawakan nito ang pisngi ni Blood at bumulong sa tenga nito.

"Gagawin mo ba o ako mismo ang gagawa?" sabay lingon sa pwesto ko pero nakaalis na ako roon.

At ngayon nga, hindi normal ang ikinikilos ni Blood. Kaninang agahan at sa oras ng ensayo ay tila ba tuliro ito. Nakamasid lang ako at hindi ito nilapitan. Alam ko kasi na nakatingin sa akin ang mga mata ni Grim.

Tss. Alam ba nitong ako ang taong nakikinig sa usapan nila?

"Morgan,"

Napalingon ako kay Grim nang tawagin ako nito.

"Yes?" sagot ko.

Nakangiti itong lumapit sa akin. Kapag nakangiti ng ganito si Grim ay mawawala ang kanyang mga mata na parang isang munting sanggol na nakapikit.

Masasabi kong si Grim ay biniyayaan ng hindi ordinaryong kagandahan. He's devilishly handsome. He's tall and fair too. Nakakaakit pa ang mga ngiti nito. Para siyang anghel na nahulog sa lupa. And I'm not even exagerrating. Ganung klase ang panlabas na imahe ni Grim. Kaya nga marami ang naghahabol sa kanyang mga kababaihan pati mga may asawa na ay nagbibigay motibo sa kanya. Nakadagdag pa sa kanyang pagiging matipuno ang itim na earrings na nakasabit sa kaliwang tenga nito. Isa itong itim na krus ngunit pabaligtad ang pagkakalagay.

Minsan napapaisip parin ako kung gaano ko ba talaga kakilala ang lalaking ito? Sapat na ba ang labing-anim na taon para masasabi kong kilalang-kilala ko na ang panganay sa Montgomery?

Sino ka ba talaga, Grim?

"Gusto mo bang bumalik sa pag-aaral?" tanong nito.

"Huh?"

"Hahahaha," napatawa ito. "Ang sabi ko kamo gusto mo bang bumalik sa pag-aaral? Sa Primus."

Sinsero itong nakangiti sa akin at bakas sa mga mata nito na pinapahalagahan niya ako. Bigla namang uminit ang pisngi ko.

"Can I?" nag-aalangan kong tanong.

Hindi naman sumagi sa isip ko ang pagbabalik eskwela. Pero ngayong nabanggit niya 'yan. Napapaisip ako. Bakit hindi?

"You can. Actually, pwede ka ng pumasok bukas na bukas din." may galak na sabi nito.

"Bukas?"

Hindi makapaniwalang tanong ko. Bukas agad?

"Oo naman. Walang makakahindi sa isang tulad ko," nakangising sambit nito. "Pero huwag kang mag-alala. Hindi mabubuko ang pagiging isang Montgomery mo. Mananatili parin ang dating record mo bilang si Morgan Diaz. Ano sa tingin mo?" tanong nito pagkuway.

"Ah.. Yeah. That would be great. Thank you Grim." I said awkwardly.

Pero hindi naman 'yun napansin ni Grim at ngumiti rin pabalik.

"See? Alam ko magiging masaya ka. Ngayon. Saan na 'yung yakap ko?" mapagbirong wika nito.

Hindi na nakatago ang mga mata nito. Napakaganda talaga ng kulay abo na mga mata nito. Sa aming pamilya, si Grim lang ang biniyayaan ng ganitong mga mata. Napakaganda. Hindi ko magawang alisin ang pagkakatitig ko rito.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ito. Naramdaman ko naman agad ang pagyakap nito sa akin.

"Yeah. Just stay like this my Morgan," bulong nito. Bigla naman akong nakaramdam ng init sa puso ko. Napakasarap sa pakiramdam. "Stay like this, Yomi."

Hindi ko na narinig ang huling binulong nito dahil bigla na lang akong nanghina at nawalan ng lakas. Napabuntong-hininga ako. Masyado ko yatang pinagod ang sarili ko ngayong araw.

Patawad Grim. Matutulog lang ako saglit. Saglit lang at bumagsak na nga ang katawan ko.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon