Vol. 1 Chap. 6: Primus

602 45 21
                                    

Piper's Pov

Ilang araw na ba simula noong ma-hospital ako? Hindi na mabilang ang kalbaryo ko sa pananatili dito sa mabaho at nakakasukang lugar na 'to. Nangangati na ang kamay kong bunutin ang dextrose at punitin ang suot kong hospital gown. Gusto ko na ulit sumakay sa motor ko at makipagkarera hanggang umagahin. Kundi ba naman kasi sa walang kwentang driver ng pulang kotse na 'yun edi hindi sana ako maaaksidente ng ganito. Bigla-bigla ba namang lilitaw sa kung saan at hihinto sa harapan ko? Tangna!

"Okay ka lang bro? Mukha kang natatae dyan." sabay tawa ng magaling kong kaibigan na si Jacob. Pumasok ito sa loob ng silid at umupo sa mahabang sofa.

Pinansingkitan ko lang ito ng mata. "Whoah! Relax! Para mo naman akong kakainin sa tingin mong 'yan." natatawa parin nitong biro habang itinataas ang kamay na tila ba susuko.

"Tch. Ano bang ginagawa mo ditong kupal ka? Hindi ko kailangan ng bisita. Kaya pwede ba lumayas ka na?" inis na wika ko rito at humiga ulit sa kamang kating-kati ko ng sirain.

"May dalaw siguro 'to kaya ganun." bulong nito na rinig ko naman kaya itinapon ko sa kanya ang unan ko. Tumama naman ito sa kanyang mukha. "Biro lang bro. Biro. Ito naman." sabay pulot nito ng unan.

Sumandal ulit ako sa headrest nitong kama at tinignan siya ng masama. "Ano bang kailangan mo?" malamig na tanong ko rito.

"Wala naman."

"Anong wala? Magsalita ka ngang kupal ka kung ayaw mong ikaw na naman ang humiga rito!" banta ko sa kanya.

Umiling-iling naman ito. "No thank you bro. Ayoko ngang tumambay sa lugar na 'to no." tinignan ko ito ng masama. Marami pang satsat eh! "Oo na. Ito na. Ililipat ka na naman daw ng eskwelahan sabi ni tito." mahinang saad nito.

Napakuyom ako ng palad. Ang matandang hukluban na 'yun. Ano bang akala niya? Kaya niya akong paamuhin at sumunod sa kanya na parang tuta? Pwes nagkakamali siya. Napangisi ako sa aking naisip.

"Saan daw ba?" walang ganang tanong ko sa kaibigan na ngayon ay ngumangatngat na pala ng mansanas. Inagawan pa ako ng pagkain.

"Sa Primus bro."

-

Morgan's Pov

"Sumakay ka na. Ihahatid na kita." wika ni Grim at binuksan ang pinto sa shotgun seat. Tumango naman ako rito at pumasok sa loob ng kotse.

Pumasok narin si Grim at binuhay ang makina. Lunes na ngayon at suot ko ang type A uniform ng eskwelahan 'yung may vest. Sakto lang sa akin ang uniporme at hindi na masama ang itsura. Napansin kong hindi pa kami umaandar kaya napatingin ako kay Grim. Nakatingin pala ito sa akin tapos ngumiti.

"Ang ganda mong tignan sa suot mo. Estudyanteng estudyante." komento nito. Pinamulahan naman ako ng pisngi kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Sa-salamat Grim." nahihiyang sabi ko rito.

"Walang anuman." natatawang litanya niya.

Napabuntong hininga ako at inayos ang seatbelt. Pinalarga narin ni Grim ang kotse at tinahak namin ang kagubatan. Nasa tuktok kasi ng bundok nakatayo ang manor at malayo sa syudad. Mga ilang minuto pa at papalapit na kami sa gate ng manor. Kaagad namang pinindot ni Grim ang isang remote at kusang bumukas ang malaking silver gate na may malaking simbolo ng pamilya Montgomery sa gitna. Nang makalampas ay may pinindot ulit si Grim sa remote at nagsisimulang sumira na ito.

Nakarating kami sa Primus sa loob ng isa't kalahating oras. Malaki at malawak ang eskwelahan hindi ko nga halos makita ang dulo ng bawat pader. Sobrang taas nito halatang sobrang laki ng espasyo sa loob. Parang buong city ang Primus kung iyong ikukumpara. Malaki rin ang parking area ng school at may kanya-kanyang parking space ang bawat year level. May freshmen, sophomores, juniors at seniors parking area. Kaya sobrang lawak nito. Meron ring parking area para sa mga bisita at doon muna kami pumark ni Grim.

Nakita kong lumabas ng kotse si Grim at pinagbuksan ako ng pinto.

"Salamat." sabi ko rito.

Tinapik naman niya ang balikat ko. "Okay lang. Galingan mo rito. Kung may problema ka pwede mo akong tawagan o di naman kaya si Cyan. Nandyan rin si Blood." litanya nito. Napangiti ako sa kanya.

"Salamat Grim. Wag mo na akong alalahanin. Kaya ko 'to." pangungumbinsi ko sa sarili.

Tumango naman ito sa akin at tinapik ako sa balikat sa huling pagkakataon at bumalik na siya sa loob ng kotse. Ibinaba nito ang salamin sa inuupuan ko kanina at kumaway ito sa akin kaya kumaway rin ako sa kanya. Pinaandar na niya ang sasakyan at pinaharurot paalis.

Humarap ako sa eskwelahan. Okay Morgan! Kaya mo 'to. Tatandaan mo lang palagi ang kumalma. Kalma ka lang para hindi ka makagawa ng pagsisisihan mo sa huli. Tama. 'Yun lang yun.

Sana nga ganun lang 'yun kadali pero nagkakamali ako.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon