Part two ✌
Blood's Pov
Nakaupo ako sa may gilid ng daan habang pinagmamasdan ang mga taong pumaparito't pumaparoon. Mga nagtatanong ng direksyon sa nakasalubong na tao o di naman kaya'y mga magbabarkada na ang lakas ng tawanan at halos angkinin na ang buong daan. May mga taong nakatingin sa kanila ng masama at meron namang hindi pero ang karamihan sa kanila ay walang mga pake basta hindi lang sila nadidisturbo ng mga ito.
Napatayo ako at lumipat ng pwesto. Umakyat ako sa may overpass at sumampa sa malamig na bakal. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga naglalakihang sasakyan na dumaraan sa ibaba ko.
"Nasa ibaba ko na sila ngayon," bulong ko. "Hindi na sila gaanong nakakatakot. Ako na ang mas mataas sa kanila." napangisi ako habang kumakaway.
"Hey bata. Umalis ka dyan. Baka mahulog ka." biglang litaw ni kuya sa kung saan.
Napatingin ako sa kanya at sa kasama nitong magandang babae. Nag-aalala ang mukha ni kuya pero kitang-kita ko sa mukha ng kasama nito na nandidiri ito sa akin.
Napailing ako. Hindi na bago sa akin ang ganyang titig. Lumukso ako at tumayo ng matuwid at hinarap ang dalawa.
"Huwag mo po akong alalahanin kuya. Wala ho akong balak tumalon." sagot ko sa masiglang boses.
"Wa-wala naman akong sinasabing-
"Ah sige kuya. Aalis na ako. May gagawin pa pala ako." pagsingit ko sabay takbo. Naririnig ko pang tinatawag ako nito pero hindi ko na ito nilingon pa.
Ito ang unang beses na may nag-aalala sa akin. Napangiti ako habang tumatakbo.
Magtatakipsilim na at kanina pa kumakalam ang aking sikmura. Wala akong perang pambili ng pagkain kaya minsan nagnanakaw na lamang ako kapag hindi ko na kayang tiisin ang gutom. Ayokong manghingi sa ibang tao. Hindi ako pulubi. At ayaw kong maging pulubi. Inabanduna na nga ako ng sarili kong pamilya tapos manglilimos pa ako? Mas mabuti ng magnakaw.
Napahinto ako sa harap ng isang magarang restaurant. Nadadaanan ko rin palagi ito pero hindi ako humihinto para sumilip sa loob. Ayoko kasing nakakakita ng pamilyang masayang naghahapunan. Ayokong nakikita ang mga bata na masayang naghahabulan habang kinukuha ang atensyon ng kanilang mga magulang.
"Stop running, Red." saway ng ama sa kanyang makulit na anak.
"Hahaha. Our Red is so lively dear." ani naman ng maganda at sopistikadang maybahay nito habang pinupunasan ang bibig ng malambot na napkin.
"He's just two and half years old yet his full of energy. Well, that's my son," proud na wika ng ama habang malambing na niyapos ng isang kamay ang hips ng kanyang maybahay. "That's because we worked hard." bulong nito sa tengang may nakasabit na mamahaling gold earrings.
"Hahaha. Stop it dear." pabirong pinalo nito ang asawa.
"Lowki mama, papa. Here.. foods.. gwave.. mama'.. lots foods," labas-ngiping ngiti ng bata at itinuro ang direksyon ng mama' pero wala ng nakaupo roon. "Huh? Nashan na?"
Nagkatinginan ang mag-asawa at dali-daling kinuha ng ina ang kanyang anak. Nagtagpo naman ang kilay ng ama habang pinagmamasdan ang buong paligid at napakuyom ng kayang kamao. Nag-aalalang napatingin ang maybahay nito.
"Dear?"
"No. It's okay. Hindi ko hahayaang mapahamak ang anak natin, Miranda." pag-aasura nito.
Napatango naman ang maybahay at hinalikan ang walang kaalam-alam na bata sa kanyang noo.
"I love you, baby. No one will harm you." bulong nito.
Nakatitig lamang ang bilog at malalaking mata ng batang si Red sa kanyang ina at ngumiti ng malaki habang niyakap pabalik ang kanyang ina.
"I wuv yo."
"Hey kid, are you okay?"
Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ng isang mabangong binibini. Nakasuot ito ng silver dress na hapit na hapit sa makurbang katawan nito at pinarisan ng isang silver killer hills. Kinailangan ko pang tumingala dahil sa taas nito.
"Are you okay? Napapansin kong kanina ka pa nakatingin sa loob. Nandyan ba ang pamilya mo?" tanong nito.
Pamilya? No. Kaagad akong napailing. Wala na akong pamilya simula ng inabanduna nila ako.
"No? Then, what are you doing here? Marami ka pang pasa sa katawan. Anong nangyari sa'yo?" muling tanong nito sa concern na boses.
Hindi ako sumagot at tinitigan lang ang babae hanggang sa may isang matipunong lalaki na nakasuot ng black suit ang lumapit sa kanya.
"Are you okay, Elizabeth?" tanong nito at napatingin sa akin. Kaagad naman akong umiwas. Nakakatakot ang tinging ipinupukol nito sa akin. "Who's this little kid?"
"Hey, Ezekiel. I don't know. Napansin ko lang na nakatulala ito habang nakatingin sa loob ng restaurant," sagot nito at napatingin sa akin. "Nararamdaman kong nagugutom ito. The way he looks inside the comfy place."
Pagkatapos sabihin iyon ng magandang binibini ay biglang kumalam ng malakas ang sikmura ko. Pinamulahan naman ako ng pisngi. Nakakahiya.
Napatawa ng mahina ang binibini. Pero hindi ko naramdaman na nilalait o kung ano, ako nito.
"You're so cute," sabi nito at kinurot ako sa pisngi. "Gusto mo bang sumama sa aming maghapunan?" aya nito.
Bigla namang lumiwanag ang mga mata ko dahil sa narinig. Simula ng inabanduna ako, ngayon lang ako niyayang kumain ng ibang tao. Bigla akong nakaramdam ng saya na ngayon ko lang ulit naramdaman.
"Is that okay with you, Ezekiel?"
Nakapamulsa naman ang matipunong lalaki at naglakad na papasok.
"Do whatever you want, Elizabeth." sabi nito sa malamig na boses.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Baka ayaw ni Mr. Ezekiel na nandito ako. Mukha namang nabasa ni Ms. Elizabeth ang mukha ko.
"Hahaha. Silly kid. Huwag kang mag-alala. Ganyan lang talaga umasta ang isang 'yun," pag-aasura nito. "Now, shall we?"
Inilahad nito ang kanyang kamay sa akin habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Acción[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...