[ One month later ]
Piper's Pov
Nakakabagot.
Ito na yata ang pinakanakakabagot na araw ko simula ng malipat ako sa paaralang to. Wala kaming ginawa buong araw kundi ang magplano sa nalalapit na festival.
Bakit ba ako nag-aaksaya ng oras rito? Napatingin ako sa blankong upuan ni prinsesa. Isang buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi parin siya pumapasok.
Ano bang problema, prinsesa?
Napabuntong-hininga ako at napasubsob. Mas lalo tuloy akong nalungkot dahil naiisip ko na naman si Morgan.
"Morris-kun, huwag kang matutulog dito, please. Kung inaantok ka nga talaga. Doon ka matulog sa infirmary." sigaw ng representante namin na haponesa.
Napaangat ako ng tingin. Kasalukuyang nasa akin ang atensyon ng lahat.
Napatango ako at tsaka kinaladkad ang sarili na parang isang zombie. Nakatingin lamang sa akin ang lahat na tila ba kating-kati na silang mawala ako at para maituloy na nila ang pinaplano nilang cosplay caffe.
"Pwede ba Morris-kun." nagpupuyos na sabi ni Aki.
"What?" maang kong tanong.
Mas lalong nagtagpo ang kilay nito at lumalakas ang pagpadyak ng kanyang paa sa marmol na sahig. Ang sarap talagang asarin ng haponesang to. Nagiging cute kasi ito lalo.
Napangisi ako.
Dahan-dahan kong isinara ang pintuan at muli akong napabuntong-hininga.
Naaalala ko sa kanya si Morgan. Pero wala paring tatalo sa prinsesa kong 'yun. Kahit na muntik na akong mapatay nito. Biglang nagsitayuan ang balahibo sa katawan ko nang maalala ko ang eksenang yun.
Morgan, nasaan ka na ba? Pumasok ka naman oh?
Gusto na kitang makausap.
Morgan's Pov
I was breathing hard after a long, hard training with Cyan. Isang buwan na ang nakakaraan simula ng bumalik ako sa manor. It was my decision na manatili dito.
Si mama na rin ang nagsabi na ipupull-out na niya ako sa Primus dahil sa nangyari.
Sinaktan ko ang isang tao at muntik ko pa itong mapatay. Hindi ko maalala kung anong nangyari nung araw na yun. Ang alam ko lang si Piper ang taong kasama ko noon. We had arguments and I remembered me getting frustrated about Luka's nightmare. Pagkatapos, I heard Piper calling me 'prinsesa' and..
Something snapped and everything went totally black around me.
I felt suffocated as if someone just buried me alive.
Hindi ako makahinga ng maayos. Pero ramdam ko parin ang paggalaw ng katawan ko. At doon ko napagtanto. It was my monster all along.
Pero ang nakakapagtaka, hindi ko alam kung bakit ito lumabas at kunin ang ulirat ko?
Nakaramdam ba ito na nasa panganib ako?
Napailing ako. No. I was not in danger. Piper won't harmed me. He can't do that.
"Hey Mor. Anong iniisip mo?" tanong ni Cy at umupo sa damuhan sa tabi ko. Nakatitig ito sa akin.
Napaupo ako mula sa pagkakahiga at napatingin kay Cy bago nilipat ang tingin sa malaking maze na kinalalagyan namin ngayon. We are at the center of it.
"Wala. Wala akong iniisip." sagot ko rito. At tumayo saka tumungo sa silver table at pinagsalin ang sarili ko ng maiinom.
Naramdaman ko ang titig ni Cy na sumusunod sa bawat galaw ko. Nanatili parin itong nakaupo sa damuhan.
"Don't you ever think that you can lie to me Mor. I know there's something bothering you," seryosong litanya nito. I took a big gulped of my water. "Tell me. Ito ba yung nangyari isang buwan na ang nakakaraan? Noong araw na may muntik ka ng mapatay na inosente?" dugtong na tanong pa nito.
I flinched at his blunt words at saka nilipat ang tingin ko. Cy and his sharp tongue, as usual. But nonetheless, I nodded.
Nakita kong napatayo ito mula sa peripheral vision ko.
"What about it?" maang na tanong nito at umupo sa bakal na silya.
I stared at him and he stared back. I needed some kind of assurance.
Ano ba talaga ako?
"Cy?"
"Hmm?"
"Am I a monster?"
I really hoped I am not.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Acción[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...