Vol. 1 Chap. 21: Surrounded By Enemies

347 29 0
                                    

Morgan's Pov

Ngayong alam ko na kung saan si Grim. Si mama naman ngayon ang hahanapin ko pero patay parin ang mga ilaw kaya mahihirapan talaga ako nito.

Mangangapa ako nito sa dilim at nakasuot pa talaga ako ng stilleto.

How annoying.

Napahinto ako nang biglang bumalik ang ilaw kaya naharang ko ang kamay sa ibabaw ng aking mata. Ang sunod na nangyari ang nagpatigil sa oras ng mga nandito. Matapos kung mag-adjust sa nakakasilaw na liwanag ay pinalibutan ang buong lugar ng mga armadong kalalakihan.

Nakatutok ang mga malalaking calibre ng baril sa baba, sa aming lahat na narito. At isa pa sa napansin ko ay sila ang mga nagbabantay kanina sa labas.

What the heck?

Hindi ako nagkakamali. Isa sa mga lalaking ito ang binigyan ko ng blue note, na siya palang death notice huh?

"Walang gagalaw. Kundi mamamatay kayong lahat." sigaw nung lalaking kalbo at malaki ang katawan.

Napatingin ako sa paligid ko. At sa di kalayuan ay nakita ko rin si mama na tahimik lang na nakatayo sa gitna habang hawak ang kanyang baso ng red wine. Katabi niya ang head ng Rasmussen, si mr. Ezekiel. Nakatingin sila sa leader ng mga armadong kalalakihan. Wala kang makikitang bakas ng takot sa kanilang mga mata.

As expected of mama and Mr. Rasmussen.

Nalipat ang tingin ko sa iba pang leaders na narito. Nakita ko rin ang ibang leaders ng Night pero hindi na ako pamilyar sa ibang nandito. Hindi ko man sila kilala isa lang ang sigurado ako.

Iisa lang ng common denominator ng mga 'to. Lahat ng nandito ay myembro ng underground society.
At ang lahat ay mamamatay ngayon.

-

Luka's Pov

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa labas. Basta ang alam ko lang ay may mga masasamang tao na naman ang gustong saktan ang pamilya ko. Hindi ko hahayaan na mangyari ang balak nila.

Tinakbo ko ang grand staircase at tinungo ang kwarto ko. Binuksan ko ito at agad kong kinuha ang katana ko na nakasandal sa may upuan. Sumampa ako sa may balkonahe at napatingin sa baba.

Ang taas. Napatingin ako sa harap ko. May malaking puno ang nakatayo. Malapit lang.

Kaya ko to para sa pamilya ko.

Umatras ako at tumakbo ng mabilis hanggang sa makasampa ako sa sanga na muntik ko pang mabitawan.

"Kaya ko to. Para sa pamilya ko. Poprotektahan ko sila." desidido kong sambit habang iniinda ang hapdi ng kanang pisngi ko.

**

Nakarinig ako ng putok ng baril nang makalapit ako sa harap ng manor kung saan kasalukuyang nakikipaglaban sila kuya Cyan at Blood sa mga intruders.

"Mga anak ba talaga ito ni Elizabeth?"

"Ang hihina pala ng mga to. Hahaha."

"Tumahimik ka nga S-7. Ang yabang mo. Mas malakas pa nga yang magandang lalaki sa'yo. Hindi ka man lang nakatama sa kanya. Nakakahiya ka."

"Anong sabi mo?"

"Pwede ba tumahimik kayong dalawa?"

Naririnig ko ang mga sinasabi ng mga 'to. Base sa naririnig ko. Mukhang mas nakakalamang sila kela kuya ngayon. Kailangan ko ng tulungan sila.

"Pwede bang manahimik kayo? Ang daldal niyo. Akala niyo ba matatalo niyo kami? Tsk." boses 'yun ni kuya Blood.

"Aba. Aba. Ang lakas ng loob. Anong gagawin namin S-3?"

Sumulyap ako ng kunti at nakita ko ang mga kalaban. Biglang napadako ang tingin ko sa lalaking may mahabang buhok kagaya ng kay kuya Cyan.

Napatigil ako ng magtagpo ang mga mata namin.

"Patayin niyo sila." sagot nito sa kanyang mga kasamahan at ngumisi sa akin.

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ang daloy ng dugo sa katawan ko ay biglang uminit at bumilis. Ang mga balahibo sa katawan ko ay nagsitayuan.

"Patay? Sinong mamamatay?" galit kong tanong.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng labis na hangaring pumaslang ng tao dahil sa narinig ko at bigla na lang dumilim ang mga paningin ko.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon