Extra Chapter

222 20 0
                                    

A/n: Hahaha. Naisipan ko lang maglagay ng extra chapters simula ngayon to ease some tension or nah. Through this, isasali ko yung ibang mga characters na wala masyadong moments. Is that okay with you? Well then. Random lang ito at hindi konektado sa main plot. Enjoy~

Chapter 34.5: Morgan's Encounter With a Not-so-Ghost guy, named Goryo | Extra

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng building namin nang may biglang humarang sa daraanan ko. He looks familiar.

"Anong kailangan mo?" walang emosyong tanong ko sa malaking lalaki na maraming piercing sa kanyang tenga at pati sa labi nito.

Napakamot naman ito sa kanyang batok at tila nag-aalangang sabihin ang kailangan nito. At dahil hindi naman ako pasensyosang tao ay nilagpasan ko ito at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

"Hey, Ms. Ganda," sigaw nito. Nagulat ako at napalingon sa kanya.

"Ako ba ang tinatawag mo?" tanong ko habang itinuro ang sarili. Kaagad naman itong tumango ng sunod-sunod.

Hindi ko mapigilang ngumiti. "Well, thank you." sagot ko at tumalikod ulit sabay lakad. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay nakasunod na sa akin ang malaking lalaki. Sumabay ito sa aking paglalakad kaya hinayaan ko na lamang ito hanggang sa marating namin ang Library.

May hihiramin lang akong libro para sa report na gagawin ko bukas. Napabuntong-hininga ako. Hindi na bago sa akin ang mag-report pero ibang reporting na ang pagkakaabalahan ko.

Napahinto ako at napasulyap sa kasama ko pero wala na ito sa tabi ko. Napailing ako.

***

"Nabalitaan mo na ba?" rinig kong bulong ng katabi ko sa kausap nito kaya napasulyap ako sa gawi nila. Nakita kong marahang tumango ang kausap nito.

"Oo, nakakalungkot nga," sagot nito habang napapailing. "Kahit bully ang taong 'yun ay hindi parin makatarungang patayin ito. Nag-iisa lang din ito nang araw na 'yun diba?" tanong pa nito.

"Oo, wala siyang kalaban-laban sa mga limang taong may mga dalang armas."

Napatayo ako at ibinalik ang ibang libro sa dating pwesto nila at hinawakan ang kailangan ko. Ipinagpaalam ko ito sa librarian at lumabas na ako ng gusali. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang malaking lalaki sa peripheral vision ko na nakaupo sa may hagdanan.

Kanina pa ba siya dito?

"Hey," pagtawag ko sa kanya. Nag-angat naman ito ng ulo at agad tumayo.

"Ms. Ganda, tapos ka na?" tanong nito at patakbong bumaba ng hagdanan. Tumango na lamang ako sa kanya.

"Nagugutom ka na ba?" tanong ulit nito.

"No. Bakit mo naman na tanong?" malamig ko itong tinitigan. Napakamot naman ito ng batok.

"Ako kasi oo," nahihiyang sabi nito. "Gusto ko sanang samahan mo akong pumunta ng cafeteria."

Tinaasan ko ito ng kilay. Kalaking tao magpapasama sa akin? Wala ba siyang kaibigan?

"No. May gagawin pa ako." malamig na sagot ko sa kanya at iniwan na ito.

***

Matapos ang huling klase ko ay kaagad akong lumabas ng silid. Napansin ko na naman ang malaking lalaki. Nakasandal ito sa may railings at nakapamulsa. Nilalagpasan lang ito ng ilan sa mga estudyante na dumaraan sa harap nito. Para bagang hindi nila siya nakikita.

Napaka-impossible naman. Sa laki ng pangangatawan nito. Siguro namamalikmata lang ako.

"Hey, Ms. Ganda," pagtawag nito.

Napahinto ako at napaharap sa kanya. Teka nga lang, napapansin kong kanina pa ito nakasunod sa akin. Ano bang kailangan nito?

"Hey, mister. Anong bang kailangan mo sa akin?" pranka kong tanong.

Napansin kong napapatingin sa akin ang ilang mga estudyante sabay bulong sa mga kasamahan o di naman kaya ay mas bumibilis ang kanilang paglalakad malagpasan lang kami. Halatang natatakot sila.

Napatingin ako sa malaking mama, oh well, he's too bulky at nakakatakot nga ang laki nito. At kaninang recess time ko pa napapansin, parang kilala ko ang taong 'to. Mukhang hindi ito ang unang pagkikita namin.

"Gusto ko lang humingi ng pasensya dahil sa ginawa ko noon," mahinang sabi nito.

"Huh? Ano bang ginawa mo?" maang kong tanong.

Nabigla ito dahil sa sinabi ko. What? Wala talaga akong ideya sa sinasabi nito. May atraso ba ito sa akin?

"I catcalled you on your first day here," namumulang pahayag nito. "I'm sorry."

Okay? Naaalala ko na kung sino ang lalaking ito. Sila ang humarang sa akin dito mismo sa hallway kasama ng kaibigan nitong mataba na pandak. Muntik naring madali ko ang isang ito kung hindi lang dumating yung lalaking may pink na buhok.

Pinalo ko ito sa kanyang braso na ikinaangat ng tingin niya. "Yun lang ba? It was nothing." sabi ko rito.

"Still, I'm sorry."

"No. It's okay, Draco." nakangiti kong sabi rito.

"D-Draco?"

Napatawa ako ng mahina. "Well, ang laki mong tao. Naalala ko sa'yo ang alaga kong snow bear."

Napadilat naman ang mga mata nito na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. Nakakatawa ang itsura nito. Ang laking tao at marami pang peircings pero sa itsura niya ngayon sobrang nakakatawa.

"Stop it." namumulang sabi nito habang nakatakip ang mga kamay sa mukha nito.

"HAHAHAHAHAHA."

A/n: There you go. Sana nagustuhan niyo ang unang extra chapter. Marami pa kayong mababasa as the story goes on. I really loved the Morgan who's more laid-back.

Next update~ Saturday or Sunday. Back to the main plot. Ja ne.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon