Vol. 2 Chap. 38: No One

193 22 0
                                    

Morgan's Pov

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng manatili si Piper dito sa manor para magpagaling at ngayon uuwi na ito sa kanila dahil hinahanap na raw ito ng kanyang pamilya.

"Ah, Mor."

"Yes?"

Nakatitig lang ito sa akin at napailing.

"Gusto ko lang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin." sabi nito.

"Nah. There's no need. It was all a misunderstanding on Grim's part. Patawad at kinailangan mo pang masaktan at makulong sa basement." paghingi ko ng paumanhin at yumuko sa kanya.

"No. Hindi mo kailangang gawin 'yan, Mor. Lift up your head." natatarantang pakli nito kaya tumayo na ako ng matuwid.

Namumula naman ang mukha nito habang napatakip ng kanyang baba gamit ang braso nito. Hindi ito makatingin ng diretso sa akin kaya nakabaling ito sa ibang direksyon.

Napatingin ko sa kalangitan. Ang bilis lumipad ng oras at ngayo'y matatakpan na ng kadiliman ang buong lugar. Masyadong hassle pa naman mag-commute ng ganitong oras.

"Kailangan mo ng umalis, Pipe." pag-agaw ko ng atensyon sa kanya.

"Yeah. I guess." napakamot ito sa kanyang batok. "See you again, Mor."

Hinatid ko lamang ito ng tingin hanggang sa makababa ito ng hagdanan. I breath a sighed of relief at napakuyom ng kamao.

"Kung sino ka man lumabas ka na dyan," wika ko sa malamig na boses.

Humangin ng malakas at tinangay noon ang mga patay na mga dahon na nakakalat sa paligid. Lumabas sa madilim na parte ang isang bulto ng tao na matagal ko ng hindi nakikita.

"Long time no see, Morgan."

Piper's Pov

I was dragging my feet lazily. Every steps I take took a minute. Hindi ako pwedeng umalis hangga't hindi ko nasasabi kay Morgan ang kaninang gusto kong sabihin. Pero sa kabilang banda, wala naman akong karapatan.

Napahinto ako sa paglalakad.

"No. Kailangan kong sabihin kay Morgan ang tunay kong nararamdaman."

Hindi ako nagdalawang-isip na umakyat pabalik. Napangiti ako nang matanaw ko na ang itaas ngunit napahinto ako ng makita kong may kayakap si Morgan. He's definitely not one of Morgan's brothers cause I've met them all.

Sino ang lalaking ito?

Napansin naman ako ng lalaki at masamang nakatingin sa akin. Umalis ito mula sa pagkakayap kay Morgan. Nakatalikod sa akin si Mor kaya hindi ako nito nakikita.

"Let's go? I misses all of you. It's been a while," sabi nito pero nakatingin ito sa akin habang nagsasalita. "Let's hangout and do what we usually do, ne, dear."

Inakbayan naman nito si Morgan at ipinagdikit pa ang kanilang katawan sa puntong parang nakayakap na ito sabay lakad papasok ng malaking gate. Lumingon ito at ngumisi at may ibinulong kay Morgan.

Napatiimbagang naman ako. Hindi ko napansing nakakuyom na pala ang mga palad ko dahil sa nararamdaman kong inis. Napatalikod at ako patakbong binaba ang hagdanan.

Sino ang lalaking 'yun?

Ano ang relasyon niya kay Morgan?

Bakit masyado siyang malapit sa prinsesa ko?

Dear?

Anong ibang sabihin nun?

I will kill that guy. I will surely kill him.

No one will take Morgan away from me.

No one!

No one!

No one!

NO ONE!

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon