Vol. 1 Chap. 8: Trouble

455 40 15
                                    

Gretel's Pov

Kasalukuyan akong nagpapatrolya nang mapansin ko ang isang babae. Ngayon ko pa lang nakikita ang mukha niya rito. Baka baguhan. Napahinto ito sa paglalakad. Ano kayang problema? Baka naman naliligaw siya? Minabuti kong lapitan siya. Whoah! Ang tangkad niya sa malapitan. Siguro na sa 5'10 ito. Ang liit-liit ko tuloy tignan. At ang haba pa ng itim niyang buhok. Kakainggit.

"Hi. Okay ka lang? Pansin ko kasing kanina ka pa nakatayo riyan." sumulpot ako sa tabi nito.

Mukhang nabigla ko naman ito sa pagsulpot ko. Natigilan ako ng mapatitig ito sa akin. Ang lalim niyang makatitig parang kinikilatis ka sa isang krimeng walang kapatawaran. Pero ang mas napansin ko sa kanya ay ang kanyang kagandahan. Nakakatibo naman ang isang 'to. Kung wala lang sana akong boyfriend baka naging instant tomboy na ako.

Haha. Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Minabuti ko na lang basagin ang titig nito. "Hey! Nandyan ka pa ba?" pagbibiro ko rito habang kinakaway ang kaliwang kamay ko sa kanyang harapan.

Ang lamig niyang makatitig huh? Nakakapanindig balahibo. Napansin kong tumuwid naman ito ng tayo at saka tumikhim. "Anong kailangan mo?" sing lamig ng winter dun sa Winterfell ang boses nito. Hay. Talo niya pa ang Knight King.

Ngumiti na lang ako sa kanya. "Wala. Wala akong kailangan. Baka ikaw? Kanina ko pa kasi ikaw napapansin na nakatayo lang rito. Naliligaw ka ba?" tanong ko rito.

Napapansin kong nag-iisip ito at napatingin ulit sa may badge pin na suot ko sa kaliwang dibdib ko. Oo, myembro ako ng Primus student council. Ako lang naman ang kagalang-galangang, kataas-taasang Peace officer. Kahit na kasalungat sa nakikita niyo. Hayaan niyo na.

Looks can be deceiving. Ika nga nila.

Kakasabi ko palang na tagapanatili ako ng kapayapaan dito sa Primus ay may gulo ng sumiklab sa hindi kalayuan. Mukhang kailangan ko ng pumagitna sa dalawang 'yun. Tsk. Kaya tinakbo ko na ito. Pasensya na ganda pero tawag ng responsibilidad lang. Nang makalapit ay pumagitna agad ako sa kanila.

"Tama na 'yan!" matigas kong wika sa kanila.

"Tumabi ka dyang pandak ka!" sigaw nung bagong mukha. Ang daming bago ngayon ah? Pero teka nga, anong tinawag niya sa akin? Pandak?

Ha!

Ha!

Ha!

Ha!

Napatayo ako ng tuwid habang nakayuko. Ngayon ko lang ulit narinig ang salitang 'yan sa tanang buhay ko. Ang huling nagsabi ng salitang 'yan ay nagbakasyon lang naman ng isang buwan sa hospital. Napangisi ako. Nakakamiss rin palang tawaging pandak.

"Hala. Ang lakas talaga ng loob ng baguhan na 'yan. Biruin mo. Tinawag ba namang pandak si Gretel."

"Oo nga. Hahaha."

"Lagot siya."

"Pero hindi naman maipagkakailang ang gwapo rin ng baguhang 'yan."

Bulungan ng mga estudyanteng usyosera't usyosero sa tabi-tabi.

"Sabing umalis ka dyan eh! Bingi ka bang pandak ka? Uungasan ko pa 'yang ungas na 'yan!" inis na litanya nito at tinulak ako.

Hinawakan ko naman ang kamay nito at napaangat ng tingin. Nagtataka ang mukha nitong nakatingin sa akin. Ngumisi ako rito at walang anu-anong binalibag ito sa semento. Binitawan ko ito at dumungaw sa kanya ng nakangisi.

"Tangna?" hindi makapaniwalang bulong nito at agad tumayo at pinagpagan ang sarili. "Anong ginawa mo sa akin?" nanggagalaiting tanong nito. Namumula narin ang mukha nito dahil siguro sa kahihiyan.

Napangisi lamang ako rito. "Bago ka palang dito kaya umayos ka bata." malamig na saad ko rito.

"Anong tinawag mo sa akin?" sigaw nito at sumugod ulit sa akin.

Napapailing na lamang ako at umiwas sa mga suntok nito. Haay! Ang tigas naman ng kukuti ng isang 'to. Lumundag ako sa ere at pumalibot hanggang sa makatayo ako sa likod nito. Kinuha ko ang dalawang kamay at iginapos gamit ang silver na posas. Buti. Pinadala sa akin 'to kanina ni Charlie. Hindi ko akalaing gagamitin ko talaga ang bagay na 'to. Napabuntong hininga ako at sinipa ang tuhod nito resulta para mapaluhod ito sa sementadong daan.

"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mong babae ka? Pakawalan mo nga ako rito!" nagwawala nitong wika.

"Tumahimik ka na lang dyan!" sita ko sa kanya at ginulo ang buhok nito.

Pinagmasdan ko ang paligid. Parang may nakawala sa akin kanina. Tsk! Napakagat ako sa labi ko. Ang isang 'yun. Nakatakas na naman! Napakuyom ako ng mga palad!

"Humanda ka sa akin King!" sigaw ko rito.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon