Vol. 1 Chap. 18: House of Cards

362 31 0
                                    

Third Person's Pov

Sa loob ng House of Cards, gaganapin ang isa sa pinakamalaking pulong na magaganap para sa mga taong kasapi sa kalakaran sa black market. Isa itong pribadong pag-uusap ng mga leaders kaya hindi narin maikakaila ang dami ng security na nakakalat sa paligid. Ang lahat ng mga ito ay armado ng mga baril.

Magsisimula ang pulong pasado alas-8 ng gabi. 35 minuto pa lang ang nakalipas mula ng tumuntong ang alas-6 ay marami na ang mga pumapasok na sasakyan sa loob ng venue. Iniinspeksyon rin ang bawat sasakyan bago ito makapasok sa loob.

Ngumiti si Elizabeth ng makapasok na sila sa loob.

"Ang higpit ng security. Napaghahalataang may pinoprotektahan ang mga 'to." sabi nito.

"Kung may mangyari man ngayong gabi mama, huwag po kayong mag-alala. Poprotektahan kita." sabi naman ni Grim sa may tabi nito.

Ngumiti ng unti si Elizabeth sa kanyang panganay na anak. "Nasisiguro akong gagawin mo 'yan Grim."

Tumango lamang si Grim habang nakatingin sa kanya ng seryoso.

-

Morgan's Pov

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama at nakikipagpalitan ng mail kay Blood.

✉️ Blood: May pulong na gagawin ngayon sa House of Cards.

Mor: Hmm. Sigurado akong pupunta ang leaders ng Night.

Blood: Oo. Nandoon na nga sila mama at Grim kanina pa.

Mor: Ah.

Blood: ? ✉️

Binitawan ko ang cellphone sa kama at humiga sa tabi nito. Binaling ko ang tingin sa nakapatay na aparato. May pulong ngayon. Dadalo ang lahat ng kasapi ng underground society. Ibig sabihin, nandoon ngayon ang gustong pumatay kay mama.

Napapikit ang mga mata ko. Anong gagawin ko? Susundin ko ba si mama? Papaniwalaan ko ba ang sinabi nito sa akin?

Nadisturbo ako sa dahil sa vibrato ng cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Blood. Inislide ko ito para sagutin.

["Morgan. Anong pinaplano mo?"] bungad nito.

"Anong ibig mong sabihin?" maang na tanong ko rito.

Nakatagilid parin ako habang ipinatong ang aparato sa kanang tenga ko. Pinaglalaruan ko ang mga daliri sa mga kamay ko.

["Morgan. Alam ko ang nangyayari. Kung bakit ka inilayo ni mama rito."]

Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin at huminga ng malalim.

"Blood kailangan mong protektahan si Luka ano man ang mangyari." sabi ko rito.

Nagsimula na akong magbilang ng 1-10 ng pabaliktad. Nararamdaman kong unti-unti ng kumakalma ang sistema ko. Hindi ako makakapayag na kontrolin ako ng kung anong naninirahan sa katawan ko. Hindi ako puppet. At mas lalong hindi ako halimaw.
Ibinuka ko ang mga mata ko.

["Morgan? Nakikinig ka ba? Morgan, ayos ka lang ba diyan? Morgan magsalita ka naman."]

"Blood. Ang daldal mo ngayon. Pwedeng tumahimik ka saglit?" iritang sagot ko rito.

["Pasensya na. Pinag-alala mo lang kasi ako."]

Napangisi ako. "Blood. Pakiabot ng mensahe kay Cy. Kailangan ko ang tulong niya."

Bumangon ako at nagbihis. Hindi ko alam kung anong motibo ng proyektong ginawa ni mama noon. Pero walang dahilan na hindi ko siya babantayan mula sa mga taong gusto siyang patayin. Kahit na ginawa ni mama ang bagay na 'yun sa akin noon, hindi parin maipagkakaila na tinulungan niya ako at itinuring na anak.

Hindi ako magtatanim ng galit sa taong nagbigay ng pag-asa sa katulad kong bata lamang na inabanduna ng sariling pamilya.

"Poprotektahan ko si mama. Kahit buhay ko pa ang kapalit."

-

Wild's Pov

Kasalukuyan akong nakatanaw sa ibabaw ng malaking puno malapit dito sa House of Cards. Naatasan akong protektahan ang head ng pamilya Montgomery.

Pero nakakapagtaka lang? Bakit naman si Elizabeth pa ang kailangan ng proteksyon? Galing pa talaga sa utos ng head ng Rasmussen.

Anong meron?

Sa kakaisip ko ay may napansin akong pulang dot na nanggagaling sa kabilang puno at nakatutok ito ngayon sa taong pinoprotektahan ko. Tsk. Hindi pa nga nag-uumpisa ang pulong ay gagawin na nila ang balak nila. Siguro, ito ang plano ng kung sinong gustong pumatay kay Elizabeth nang una pa lang.

Nagmadali akong binunot ang maliliit na punyal sa suot kong itim na jacket.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon