Vol. 1 Chap. 11: Prinsesa

494 39 12
                                    

Morgan's Pov

Natapos ang una at pangalawang klase ko ng matiwasay at ngayon papunta na akong Cafeteria A para bumili ng makakain. Nagpapasalamat ako at hindi ko na ulit nakita ang lalaking kulay pink ang buhok. May nararamdaman kasi akong kakaiba sa kanya. May nararamdaman kasi akong kakaiba sa kanya. Hindi ito damdamin na umuusbong sa unang pagkikita, huh? Malayong-malayo roon. Ang pakiramdam na 'to ay katulad sa nararamdaman ko kay Luka sa tuwing nagwawala ito. Kaya nakakasigurado akong delikado rin ang isang 'yun.

Kaya dapat mas kailangan ko pang talasan ang pakiramdam ko para sa ganun hindi na ulit mag-krus ang landas namin.

Nakarating ako sa Cafeteria A at binungad ng napakahabang pila. Hindi ko inakalang ganito pala dito tuwing recess time. Pipila ka pa para lang makakain. Haay. Hayaan na nga. Nandito na lang rin naman kaya pipila na ako. Isasantabi ko muna ang hindi ko pagkagusto sa amoy ng mga normal na tao. Bahala na. At least sa susunod, madadala na ako ng sariling baon.

Mga ilang minuto rin akong nakatayo habang tinitiis ang amoy at titig ng mga normal na tao. Kung sabagay sino ba namang hindi macucurios, eh bagong mukha ako rito sa Primus. Kaya hindi talaga maiiwasang pag-usapan ako. Pero sana hindi ito magtagal at tumigil sila sa pakikiusyoso. Gusto kong mag-aral ng tahimik rito. Ayoko namang kapag naglalakad ako sa hallway, gaya sa nangyari kanina, ay mapapatingin sila sabay magbubulungan. Nakakairita kaya 'yun.

Nakabalik na ako sa silid at kumakain ng tahimik.

Pinagmasdan ko ang iba kong mga kaklase na nandirito rin kumakain at ang iba nama'y nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan na taga-ibang departamento. Napahinto ako sa katabi kong natutulog habang nakatakip ang libro sa mukha.

Baguhan rin ang isang 'to at ibang klase may pasa na sa mukha. Unang araw pa lang ng klase para sa amin. Ano kayang nangyari sa kanya? Iniwas ko ang tingin nang gumalaw ito at ngayon ay nakaharap nasa akin ng tuluyan. Nalaglag pa ang nakatakip na libro sa mukha nito kaya kitang-kita ko ang mga panaka-nakang sugat at bagong pasa.

Napaubo ako ng mahina sabay inom ng tubig. Naramdaman ko naman ang pagtitig nito. Nagising ko yata.

"Recess na pala?" tanong nito sa sarili at humikab ng malakas. "Bakit hindi mo man lang ako ginising prin-este seat mate?" tanong nito sa akin at nakapangalumbaba sa desk habang nakatingin ng matiim.

Hindi makapaniwalang tumingin ako rito. Anong sabi niya? Aba't ang kapal naman pala ng mukha ng lalaking 'to. Matutulog siya sa klase tapos magpapagising siya kapag recess na?! Anong bang akala niya sa akin? Utusan! Ang lakas ng loob ng isang 'to. Ibang klase.

"Excuse me? Hindi ko po ikaw obligasyong gisingin." walang ganang tugon ko rito. Sabay kagat ng hawak kong sandwich.

Nakita kong ngumisi ito sa gilid ng mata ko. Ang weird rin ng isang 'to. Unang araw pa lang sa eskwela, ang dami ko ng nakikilalang weirdos. Baka naman hindi ko makontrol ang sarili ko at magawan ng masama ang mga 'to.

Napabuntong-hininga ako. Huwag naman sanang umabot sa puntong 'yun.

-

Piper's Pov

Napangiti ako ng lihim. Hindi rin pala masamang dito ako sa Primus inilipat. Kung hindi, hindi ko sana makikita at makikilala si prinsesa. Korni na kung korni eh nagustuhan ko agad siya nung makita ko siya. Ewan ko ba kung bakit marahil siguro kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko. Unang tingin palang alam ko na.

"Hoy pre. Nakatulala ka dyan? Tumutulo pa ang laway mo oh? Kadiri ka naman pre." exagerrated na wika ni Jacob sabay tapon ng walang lamang mineral bottle sa mukha ko.

Napapikit ako at pinulot ang ang bagay at ibinato rin ito sa mukha niya. Epal din 'tong isang 'to eh. Isang malaking epal! Kitang iniisip ko si prinsesa. Tsk!

"Ano ba kasing iniisip mo?" nacucurios na tanong nito. "Para kang tanga dyan. Hindi ako sanay na seryoso kang nag-iisip at parang mapapalitan pa ang hugis ng mga mata mo ng hugis puso," napatigil ito sa pagsasalita at humugot ng hininga. "Babae ba 'yan? In love ka na ba pre?" hindi makapaniwalang tanong nito habang nanlalaki pa ang mga mata.

Napatingin ako sa baba nitong rooftop. May mga estudyanteng pumapasok at lumalabas ng hallway hanggang sa makita ko ang ungas na may kulay pink na buhok. Naglalakad ito habang nakapamulsa. Diretso lamang ang malamig na tingin nito kahit na pinatitinginan na siya ng mga babae.

Tsk. Gustuhin ko mang bigwasan ito ay hindi pwede. Nagkarecord na ako sa unang araw. Ayokong mabad-shot sa matandang hukluban na 'yun baka ilipat na naman ako nito. Hindi na ako darating sa puntong 'yun ngayon pang nakita ko na si prinsesa.

"Hoy pre nakikinig ka ba sa tanong ko?" ani Jacob at sumandal sa bakal na railings sabay hithit ng yosi.

Humarap ko rito. "Teka nga lang pre. Bakit nandito ka rin sa Primus?" tanong ko at kumuha ng yosi.

Bumuga ito ng usok. "Wala eh. Gusto kong bantayan ka. Baka kung ano na namang gagawin ko. Mahirap na." seryosong sabi nito sabay tawa.

"Lol." sabi ko.

Tumunog na ang warning bell kaya pinatay na namin ang yosi at bumaba ng rooftop habang ngumunguya ng mentol.

Napangiti ako. Sa wakas makikita ko na ulit si prinsesa. Swerte ko at katabi ko pa siya.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon