Vol. 1 Chap. 14: Pag-uusap

412 33 9
                                    

Morgan's Pov

Pagkatapos ng tahimik na hapunan ay kinausap ni Blood si mama at ngayon nandito kami sa sala, kumpleto, maliban lamang kay Luka. Ngayon ko lang naalala na ganito rin pala kami katahimik at pormal sa isa't isa noon pa. Noong hindi pa dumating sa buhay namin si Luka.
Masyadong civil sa isa't isa.

"So, anong gusto niyong pag-usapan?" panimulang tanong ni mama. Seryoso ang mukha nito. Ito rin ang aura niya sa t'wing underground society na ang pinag-uusapan. Napadako ang tingin nito sa akin.

"Morgan?"

Napaupo ako ng tuwid at napatingin sa kanya ng diritso. Ang pinaka-ayaw ni mama sa lahat ay ang hindi tumitingin sa kanya kapag kinakausap niya ang isang tao. Dapat ang atensyon mo ay nasa sa kanya lang. At 'wag na wag mong ipapahalata na may iniisip kang iba bukod sa pinag-uusapan niyo. Isang malaking kasalanan 'yun.

"Tungkol ito kay Luka mama." diritso kong sabi. Umismid naman ang mukha nito at tumaas ang kanyang kilay. "Hindi na nagiging komportable si Luka sa baba. Baka maaari mo na siyang paalisin doon mama." pagpapatuloy ko.

Napailing si mama. "Morgan, my dear child. Saan sa sinabi ko noon ang hindi mo maintindihan?" seryosong tanong nito.

"Pero mama hindi naman kailangang ikulong si Luka sa basement. Ang bata niya pa. Mas kailangan niya ang pang-unawa. Kailangan niya tayo. Ikaw." hindi ko mapigilang ilabas ang sama ng loob ko. Ito ang unang pagkakataon na sumagot ako kay mama.

Nakita ko ang mukha ni Grim. At base sa reaksyon niya. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Napabuntong hininga ako.

Anong ginawa ko?

"I see." malamig na litanya ni mama. Napapikit ako ng mga mata. Hindi ko sinasadya. "Tama ka. Kailangan tayo ni Luka. Ngayon ko lang naalala na tayo ang unang nag-abot ng kamay noong sanggol pa siya. Pasensya ka na Morgan kung pinag-alala kita sa bunso mong kapatid. Makikita mo na siya bukas na bukas din."

Naramdaman kong tumayo na ito at umalis ng silid. Napayuko at napasubsob sa dalawang palad ko. Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang mahinang haplos at tapik sa braso ko at sinundan ng tinig ni Blood.

"Okay lang 'yan Morgan. Hindi mo naman sinasadyang sigawan si mama kanina, hindi ba? Kaya maiintindihan ka niya." hindi ko alam pero dinig ko sa boses ni Blood ang  pag-aalinlangang kausapin ako. "Sige. Aakyat narin ako at magpapahinga. Good night."

Nakakaramdam ako ng guilt at hiya dahil sa nangyari.

"Morgan?" mahinang tawag ni Cyan sa akin kaya napaangat ako ng tingin.

Huwag mong sabihing pati si Cy ay nadissapoint ko rin. Ngumiti ito ng kunti sa akin sabay tapik sa balikat ko.

"Magpahinga ka narin. Maaayos rin 'to bukas. Huwag ka ng malungkot." sabi nito.

Tumango ako sa kanya saka tumayo. Binalingan ko ng tingin si Grim na nakaupo parin katabi ni mama kanina. Nakatingin ito ng blanko sa akin. Yumuko na lamang ako sa kanya at tahimik na nilisan ang lugar.

Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na 'to. Hindi ko maipaliwanag pero ang nasisigurado ko ay ang pino-pinong kumukurot ngayon sa puso ko.

Ang gusto ko lang ay ang mawala 'to. Kinamot ko ito ng buong lakas.

Kinabukasan, ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi kasi ako makatulog sa kakaisip. Kung galit talaga si mama at Grim, anong dapat kung gawin? Napahilamos ako gamit ang mga palad ko. Hindi ko talaga sinasadyang masigawan si mama kagabi. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil alam kung nahihirapan na si Luka sa malamig at walang buhay na lugar na 'yun.

Napabuntong hininga ako.

Muntik ko ng makalimutan na pumapasok na pala ako sa isang normal na eskwelahan ngayon. At pangalawang araw ko palang ngayon kaya hindi ako pwedeng lumiban. Baka ikadagdag pa 'to sa galit ni mama sa akin.
Lalabas na sana ako ng kwarto nang marinig ko ang boses ni Grim.

"Hindi mo kailangang gawin 'to sa kanya mama."

Teka, anong pinag-uusapan nila sa labas ng kwarto ko. Sumandal ako sa pinto. Alam kong mali 'tong ginagawa ko pero nacucurious ako sa kung anong pinag-uusapan nila. At malakas ang pakiramdam ko na tungkol ito sa akin.

"Umalis ka sa harapan ko Grim. Kailan mo pa gustong suwayin ang utos ko?!" malamig na sabi ni mama.

Anong nangyayari? Hindi sinusuway ni Grim kahit kailan ang mga utos ni mama.

Gusto ko ng lumabas pero natigilan ako sa aking narinig.

"Hindi na kailangan si Morgan sa pamilyang 'to."

Buong araw akong nakatunganga mag-isa sa eskwelahan. Alam ko ring kanina pa ako kinukulit ni Piper pero hindi ko siya magawang pansinin dahil sa masyado ng okupado ang utak ko. Paulit-ulit bumabalik sa isipan ko ang mga katagang 'yun. Masakit dahil si mama na mismo ang nagsabi. Kaya ba pinag-enroll niya ako sa eskwelahang 'to? Kasi gusto niyang mawala na ako sa pamilya.

Tsk.

Pinahiran ko ng mabilis ang mga luhang bigla na lamang tumulo sa aking pisngi. Pati ang pagluha ngayon ko lang naranasan.

"Ito panyo. Hindi bagay sa katulad mo ang umiyak ng mag-isa sa magandang lugar na 'to."

Napatingin ako sa puting panyo na may burdang "Wild" at napatingala sa taong umabot nito. Ang lalaking may kulay pink na buhok. Nakatingin lamang ito ng blanko sa akin.

"Sa-salamat." inabot ko narin ang panyo dahil nakalimutan ko ring magdala ng isa. Napakapathetic ko naman. Nakita pa talaga ako ng taong 'to. Siya pa ang taong pinakagusto kong iwasan.

"Gusto mo ba ng kausap o gusto mong mapag-isa?" pag-aalok nito at umupo sa may kabilang dulo nitong punong sinasandalan ko.

Napatawa ako. "Hindi ko alam na nag-aalala ka pala sa akin."

"Tsk. Akala mo lang 'yan." pakli nito.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon