Morgan's Pov
Malamig ang simoy ng hangin dito sa terrace ng kwarto ko. Tanaw rin dito ang pinagmamalaking garden maze ng pamilya. Madalas akong tumatambay dyan noong bata pa lamang ako. Naaalala ko pa noon na dyan ako palaging nagtatago sa tuwing mag-eensayo na kami ni Cyan. Ayoko talaga sa ideya ng pakikipaglaban noon pa man. Parang may nararamdaman akong kakaiba sa loob ko sa tuwing nakakahawak ako ng katana at kapag nakakakita na ako ng dugo.
Nagsimula rin ang pagbabago sa akin limang taong gulang pa lamang ako. Kaya nga siguro nakikita ko ang sarili ko kay Luka pero malaki ang kaibahan namin dahil nakokontrol ko ang emosyon ko at hindi ako nagwawala gaya ng ginagawa ni Luka. Napapaisip na rin ako minsan kung ano ba talagang ginawa nila sa akin noon. Nakakasigurado ako na hindi lang 'yun basta simpleng pisikal examinasyon na sinasabi nila.
"Hindi ka makatulog no?" napatingin ako kay Blood na ngayon ay na sa malaking puno kaharap ng terrace ko.
Napailing ako. "Hindi eh. Iniisip ko si Luka." sagot ko rito.
Tumango naman ito at sumandal sa puno. Napatingin kami sa maliwanag na buwan. Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa aming dalawa hanggang sa magsalita ito.
"Alam kong nagiging mapanganib na si Luka pero tama bang ikulong siya sa basement?" tanong nito.
Kung ako ang tatanungin, hindi tama sa akin 'yun. Parang tinuturing narin naming isang hayop si Luka at hindi tao. Hindi ko gusto ang ginawa ni mama pero kung titignan mong mabuti, tama na siguro 'yun dahil may nasaktan na naman siyang myembro ng pamilya. Pinalagpas lamang siya ni mama noon sa paghiwa niya kay Cyan kaya nagkaroon ito ng malaking peklat sa mukha. Dahil ang buong akala namin ay magbabago na siya pero mas lalo pa pala siyang nagiging mapanganib at marahas.
"Hayaan na lang muna natin. Hindi naman siguro hahayaan ni mama na makulong si Luka dun ng habangbuhay." saad ko rito.
"Kung sabagay." usal nito.
Humangin ng malakas at tinangay noon ang ilang hibla ng buhok ko. Kaagad ko naman 'yung inipit sa kaliwa kong tenga. Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa may pinto ko.
"Teka, pupuntahan ko lang 'yun." paalam ko kay Blood at tumango naman ito sa akin.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si mama at may dala itong isang papel na may tatak na silver crest. Sa pagkakaalam ko, ang may tatak na ganito ay ang pinakakilalang pribadong eskwelahan, ang Primus International School. Bakit naman kaya may liham si mama nito?
"Magandang gabi Morgan." bati nito at pumasok sa kwarto ko.
"Magandang gabi din mama." bati ko dito pabalik at isinara ang pintuan.
Nakita kong umupo ito sa may red velvet na sofa malapit sa study table ko kaya umupo narin ako sa kabila nito. Alam kong parang pormal kami kung kumilos pero sadyang ganito lang talaga kami pinalaki ni mama.
Tumikhim muna si mama at inilapag ang puting papel sa lamesa. "Nakikita mo naman ang sulat na 'yan. Galing ang sulat na 'to sa Primus International School." panimula nito at tinignan ko lang ang sulat.
"Ah. Pwede po bang magtanong mama?" tanong ko rito at tumingin sa kanya.
"Ano 'yun Morgan?"
Huminga muna ako ng malalim. "Bakit may sulat kayo galing sa Primus?" ngumiti naman ito sa akin.
"Simula ngayong lunes, mag-aaral ka na sa eskwelahang 'yan Morgan." litanya nito.
"Pero bakit? Hindi niyo na ba ako kailangan sa mga misyon niyo mama?" nagtataka kong tanong rito.
Simula bata ay home-schooled na ako at sapat narin sa akin ang mga natutunan ko mula sa pagtuturo ni Cyan. Sapat na sa akin ang teknolohiya at Google. Malalaman ko na ang gusto kong malaman. Hindi ko na kailangan pa ang pumasok sa isang eskwelahan at makisalamuha sa ibang tao. Ayoko sa mga katulad nila. Lalong-lalo na sa mga mahihinang nilalang. Paano kapag may nangyaring hindi maganda?
"Morgan. Humarap ka sa akin." matigas na sabi ni mama.
Hindi ko alam na nanginginig na pala ang buo kong katawan. At nararamdaman kung magigising na ulit siya. Hindi maaari. Kumalma ka Morgan.
Kumalma ka!
Hindi ko napansin na nakalapit na pala si mama sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Sssh. Walang mangyayaring masama. Kumalma ka lang. Hindi ka magiging katulad ni Luka. Kaya mong kontrolin kung anong nasa loob mo. Maniwala ka sa sarili mo Morgan." pagpapatahan nito sa akin.
Huminga ako ng malalim at nagbilang ng 1 to 10 pabaliktad sa isip ko hanggang sa maramdaman kong bumabalik na ako sa normal. Hindi ko na nararamdaman ang labis ng pagnanasang pumatay.
Mabuti. Ganyan nga. Kumalma ka lang Morgan. Hindi ka halimaw! Tandaan mo 'yan.
Ilang sandali pa ay umalis narin si mama at naiwan ako kasama ang liham na galing sa Primus. Mag-aaral ako sa eskwelahang 'to simula ngayong lunes. Hindi ko akalaing darating ang araw na lalabas ako sa manor na 'to hindi para gumawa ng misyon kundi ang pumasok sa isang normal na paaralan. Nakakatakot isipin.
Kinabukasan ay napansin ko ang isang malaking silver box na nakapatong sa may mesa. May tatak itong silver crest kaya galing ito sa Primus. Nang buksan ko ito ay dalawang pares ng uniporme pala ang laman nito.
One is a black vest with a silver lining to both sides and a long sleeve white uniform inside it and a silver medium-cut skirt with black outline. The other one was a whole silver dress with black line to both shoulder blades that goes to your wrist. It comes with a silver strings, maybe for the necktie.
Napabuntong hininga ako. Mag-aaral na nga talaga ako sa isang normal na paaralan kasama ang mga normal na tao. Hindi parin pumapasok sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Ação[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...