Vol. 3 Chap. 48: The Twins

171 18 0
                                    

Warning: Pasintabi sa mga kumakain. Tehee~

Rukia's Pov

"Fuck!"

Sinuntok ko ng sobrang lakas ang malapit na pader sa akin ng tatlong beses. Mabilis namang dumaloy ang dugo sa kamay ko pababa sa malamig na marmol. Muli akong napatingin sa maliwanag na pc-- sa mukha ng taong pumatay kay brother Marcos.

Nakasuot ito ng itim na facemask at ang mga mata nito ay sobrang pamilyar sa akin. Kilalang-kilala ko ang taong ito. Hindi ako pwedeng magkamali.

Kilalang-kilala ko siya.

"Bakit mo nagawa ito sa ating sariling kapatid, Ruin?"

Napakuyom ako ng kamao. Ito ba ang ibig mong ipahiwatig noong gabing 'yun?

"Ruru,"

"Hmm?"

Ipinagpatuloy ko ang pagpapatalas ng baby Safari ko, isang maliit na punyal na may nakaukit na iba't ibang ulo ng hayop na makikita sa wild. Habang nakayakap sa akin si Ruin habang inaamoy-amoy ang leeg ko. Naglalambing na naman ang kakambal ko.

"Hindi ba gusto mong libutin ang mundo?" tanong nito saka isiniksik pa lalo ang mukha sa leeg ko. "Gusto mo 'yun diba?"

"Hmm," I hummed at tinignan ang baby Safari ko. Hmm. This is much better. Napatingin ako sa kanya. "Why bring it up? Why all of a sudden?" I asked instead.

"Nothing? Gusto ko lang matupad mo ang nais mo." maang niyang sagot.

"I did, tho. Marami na akong napuntahan na lugar, Ruin. May in the country or outside."

Napabuntong-hininga ito at napapailing. "I'm not talking about dirty work, my dear Ruru. Hindi 'yun kabilang sa mga pangarap mo."

Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga. "We don't have any other choice, Ruin. It's our way of living. This is the only way," I answered seriously. "We can't undo the things we've done. We can't bring the dead back to life."

Natahimik ito saglit hanggang sa nagsalita ito.

"I know.. but," sagot nito sa malungkot na boses. "We don't deserve this kind of living. If only.. hindi nangyari sa atin 'yun."

"You can't change the past," bulong ko sa huling sagot ko kay Ruin nang nag-uusap kami.

Alam kong hindi ganito ang kinasanayan naming buhay noon. Isa lamang kaming munti ngunit masayang normal na pamilya.

Third Person's Pov

Si Rui at Kian ay masaya at wagas na nagmamahalan sa isa't isa. Kahit na tutol sa kanilang pag-iibigan ang parehong pamilya. Hindi tanggap ng bawat pamilya ang namamagitan sa kanila. Kahit pa ganoon, hindi sila nagpatinag at ipinaglaban ang kanilang tunay na nararamdaman. Hanggang sa umabot sa puntong nagkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan. Hindi lamang isang anghel kundi biniyayaan ang mag-asawa ng kambal.

Mas dumoble pa ang galak at kasiyahan na kanilang nararamdaman habang kalong-kalong ang dalawang anghel sa kanilang bisig. Kahit na naghihirap sila ay hindi sumagi sa isip ng dalawa ang humingi ng tulong pinansyal sa kani-kanilang pamilya. Hindi kailanman. Nagsumikap silang itaguyod ang kambal hanggang sa edad na apat.

Ngunit hindi nagtagal ang kasiyahang kanilang tinatamasa. Ang lahat ay may hangganan. Ang lahat ay may katapusan.

Isang araw, galing eskwela. Naabutan na lamang ng kambal ang kanilang mga magulang na nakasabit patiwarik at wala ng ulo. Pumupuslit-puslit roon ang sariwang dugo. Ang lamang-loob ng kanilang ama ay nakasabit na parang isang tinae ng baboy sa palengke. Ang dalawang kamay naman ng kanilang malambing at mahinhing ina ay tila ground beef sa itsura. Giniling ito hanggang sa maging katulad ng karne.

Hindi maialis ng dalawang musmos ang kanilang mga mata hanggang sa bigla na lamang sumigaw ng malakas ang kakambal na lalaki.

"Mama no. Papa no."

Narinig ito ng kanilang kapitbahay na dali-dali namang sumaklolo ngunit agad ding lumabas ng bahay matapos makita ang kahindik-hindik na nangyari sa butihing mag-asawa. Hindi nila matagalan at sinuka ang kaninang pananghalian.

"Sssh. Stop crying, Ruin. It's okay. Nandito lang ako."

Rukia's Pov

I deleted all the data. Nang masiguro kong wala ng ebidensya ay tumayo ako at kinuha sa drawer ang baby Safari ko.

"It's time to hunt some prey. Don't worry Ruin, I'll comfort you after this. Just wait for me, my dear twin."

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon